My Bossy Girlfriend

276 4 3
                                    

"Ang babae, kapag tama ang ginawa niya ay tama siya, at kapag mali ang ginawa niya ay tama pa rin siya" Sino ang may Girlfriend na ganito? Well isa ako sa mga Lalakeng may ganitong Girlfriend, pero sa kabila nun ay mahal na mahal ko pa rin siya.

Ako nga pala si Red, tinaguriang tigasin sa lugar namin pero takot naman sa Girlfriend ko. Lagi akong under Kay Jade, sinusunod ko lahat ng pinapagawa niya sakin, ginagawa ko yung mga bagay na sa tingin niya ay magpapasaya sa kanya kahit na minsan mukha na akong tanga, ginagawa ko yun lahat dahil mahal ko siya. 

Napaka moody pa ni Jade, konting pagkakamali ko lang nagagalit na siya agad sa akin, dapat Kung ano yung gusto niya sundin ko,para di na Lang kame mag away, kahit na ang kahulugan nito ay ang kaligayahan ko. Pati yung bagay na parte na ng buhay ko na nagpapasaya sa akin ay kinalimutan ko na, wag Lang kame mag away, dahil kilala ko si Jade, konting away lang nakikipag break na agad, kaya takot na takot akong magkamali, Hindi dahil baka kasi magalit siya, kundi baka sa isang pagkakamali ko lang ay maguho na ang mundong binuo naming dalawa. Pero dumating yung isang araw na di ko Akalaing mangyayari. Nagsawa ako sa pagiging Bossy ni Jade, napagod na akong magmukhang tanga, napagod na akong isakripisyo yung sarili kong kaligayahan. Hanggang sa ginawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin, pero dumadating pa din ako sa puntong hinahanap hanap ko si Jade, hinahanap hanap ko ang Bossy kong Girlfriend, kaso, wala na kameng pag asa, dahil sumuko ako sa kanya.

Ako si Jade, ang tinaguriang matatakutin sa lugar namin, pero Boss ng Boyfriend ko. Lagi ko siyang under, lahat ng gusto ko sinusunod niya, minsan nga mukha na siyang tanga eh! Matuwa Lang ako sa kanya, at isa pa, lahat ng pinagbabawal ko Hindi niya ginagawa kasi ayaw niyang magalit ako. Oo nga pala, Hari rin ng kasweetan yang loving kong Boyfriend. Haha. Masaya ako na ako ang nasusunod sa aming dalawa. Masaya ako na ako ang may hawak ng oras niya, masaya ako na ako ang Boss niya. Pero isang araw nagulantang ang mundo ko. Iniwan ako ni Red, Nagsawa na siya sa pagiging Bossy ko, napagod na siya sa pagiging tanga, napagod na siyang isakripisyo yung sarili niyang Kaligayahan. Wala akong magawa dahil alam kong kasalanan ko, wala akong magawa dahil di ko siya binigyan ng oras para sa sarili niya, wala akong magawa dahil di ko siya hinayaan na gawin yung mga bagay na magpapasaya sa kanya, wala akong magawa dahil hindi ko siya pinagkatiwalaan at wala akong magawa dahil alam kong nasaktan ko siya. Hindi ako naging Bossy dahil gusto ko, o para Ipakita sa lahat na ako ang nasusunod sa aming dalawa, naging Bossy ako dahil akala ko dun ko mapapatunayan na mahal niya ako at para di siya magloko sa iba, pero di ko akalain na eto din pala yung magiging dahilan para iwan niya ako. Wala! wala na talaga kaming pag asa ! wala na akong maisip na dahilan para mahalin niya ulit ako dahil sobrang nasaktan ko siya! ang kaya ko na lang gawin, ay ang magmukmok, ang umiyak at magsisi araw at gabi, ang mag isip ng mag isip kung paano na ako. hindi ko kaya na wala si Red, hindi ko kaya maging masaya kung wala naman siya. Kulang ako kung wala siya,, pagod na ako, pagod na kong umiyak (nakatulog)

Kinaumagahan

nagising si Jade sa reminder ng cell phone niya. pagtingin niya sa cell niya.

"Reminder

Red and Jade's 1st Anniversary <3

August 20, 2011

biglang napaiyak si Jade at bumalik sa pagkakahiga.. at napabuntong hininga.

Oo nga pala ;(, 1 year na dapat kami ni Red ngayon, kung di siya nakipaghiwalay sa akin, hindi ko namalayan ang araw, dahil hanggang ngayon nagsisisi pa din ako sa ginawa ko, pero wala talaga akong magawa, hindi ko alam kung hangaang kailan ako magiging ganito..

at isang text message ang nerecieve niya..

From: RED

Good morning Boss ko, Prinsesa ko, Buhay ko :) Happy First Anniversary Boss :) I cant wait to spend another year with you :) To love you even more, to love you every day of our lives, to spend all of my time with you, I want to show the world how lucky I am to have you in my life. I want to prove to everyone that there are perfect couples out there and we are lucky to be one of them. I can't wait to say this all over again to you. I love you so much ! my bossy girl !

To: Jade

nagulat si jade sa nabasa niya.At may kumatok sa pintuan nila, at pag bukas niya nito ay nakita niya si Red.

Jade: Red?

Red: Good morning Boss :) Happy Anniversarry! I love you ! (niyakap si Jade)

Jade: Red? alam mo ba sinasabi mo? (nagulat)

Red: Oo naman Boss? August 20, 2011 ngayon, First Anniversarry naten? di ba?

Jade: Pero nakipag break ka saken Red?

Red: Boss ok lang? Kelan ako nakipagbreak sayo? kelan kita iniwan?

Jade: Nung nakaraang ... (hindi natuloy magsalita si Jade dahil hinalikan siya ni Red sa labi)

Red: Alam mo ba Boss? nanaginip ako kagabe? Iniwan daw kita? nalungkot ako, buti na lang nagising ako boss, ang samang panaginip nun. hoooo!

Jade: anong panaginip? totoong brineak ... ( hindi ulit natuloy magsalita si Jade dahil hinalikan ulit siya ni Red sa labi)(nagulat si Jade, at umiiyak habang niyakap niya si Red)

Jade: Happy First Monthsarry Boss! I love you so much ! hindi na ako magiging Bossy promise!

Red: Wag Boss,, minahal kita dahil pagiging Bossy mo :)

Jade: ok :) Bawal DOTA huh ?

Red: Boss talaga ! :)

"Love, is Forgetting and Forgivingt, ganun pala talaga pag mahal mo ang isang tao,handa mong kalimutan ang lahat, kahit nasaktan ka na niya, ay siya pa rin ang hinihiling mong makasama at mahalin ng paulit ulit. Siya pa rin yung hinahanap hanap mo, at dito pa lang nagsisimula ang love story namin ng Boss ko dahil alam kong marami pa kaming pagdadaanan, at pipilitin naming kayanin yun ng magkasama.

Muli, Ako pala ulit si Red, ang tinaguriang tigasin sa lugar namin pero takot naman sa Girlfriend ko, at ang Proud na proud na Boyfriend ni Jade, na tinagurian kong "My Bossy Girlfriend"

:)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bossy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon