CHAPTER 48: LAST

98 20 7
                                    

"Para sa'yo."

Inangat ko ang tingin ko kay Lindon. May dala siyang chocolate. Agad akong ngumiti at tumango. Nilapag naman niya yun sa harap ko at umupo na rin.

"Chocolate chai tea latte, para sa'yo..." Aniya kaya napangiti ako. Ang dami nang natutunan si Lindon sa coffee shop ko, siguro pag tumagal-tagal makakabalik na rin siya don. Hindi pa kasi masyadong magaling ang mga paa niya. "Queenie..."

Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. "Hm?"

Ilang segundo siyang nakatingin sa'kin. "Pwede bang h'wag ka ng malungkot..."

"Mukha ba akong malungkot?" Sabi ko habang pinaglalaruan ang chocolate na ginawa niya.

"Nakikita ko sa mga mata mo na nagluluksa ka pa rin..."

At dahil don, automatic na nawala ang mga pilit na ngiti ko. Parang may bigla nalang na pumitik sa puso ko sa mga oras na ito.

"Kasalanan ko 'to..." Naiusal ko nalang. Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang insidenteng yun at hanggang ngayon ay sariwa pa sa'kin ang lahat. Ni hindi ko nga alam kung makakalimutan ko pa 'yon.

"Umibig ka lang naman kay Devin, wala namang masama 'ron diba?"

Umiling ako at hindi na napigilan pa ang luhang kumawala sa mata ko. Naiinis ako sa sarili ko, pakiramdam ko masyado akong naging selfish. "Kasalanan ko kung bakit namatay si Seinji. Kasalanan ko kung bakit pati sila Mommy nadamay, kasalanan ko kung bakit pati si Grey..." Napatakip ako sa mukha at hindi na napigilan ang iyak. Naramdaman ko namang lumapit sa'kin si Lindon at hinaplos ang likod ko.

"Wala kang kasalanan. Naniniwala ako 'ron." Aniya pero hindi yun nakabawas ng sama ng loob ko sa sarili. "Hindi gugustuhin ni Grey kung ganyan ka."

Nagpunas ako ng luha at tumingin kay Lindon. Nakaluhod siya ngayon sa harap ko at patuloy na hinahaplos ang likod ko. "A-Anong gagawin ko? Wala akong---"

"Hindi pa naman huli ang lahat, hindi ba?" Natigil ako sa pag-iyak sa sinabi niya. "Isang linggo ka nang tahimik at hindi lumalabas ng bahay. Sa tingin ko oras na para harapin siya..."

Tumulo ang luha ko. Pinunasan niya yun at bahagyang ngumiti. Minsan ko lang siya makitang ngumiti kaya naman napatango nalang ako at napayakap sa kanya. Sa kabila ng lahat na maling nagawa ko sa buhay ko, may nag-iisang tama. At iyon ay ang kupkopin ko si Lindon.

"S-Salamat... Salamat talaga."







Tumigil ako at tinignan ang numero ng kwarto. Room 315. Tama ito na nga. Ang lakas ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko gusto ko nalang mag-back out. Kung kahapon ay excited akong magtungo rito, ngayon ay parang nagdadalawang isip na ako.

Wag kang duwag, Queenie!

Napalunok ako bago hawakan ang doorknob. Humigpit din ang kapit ko sa dalang basket na puno ng prutas.

"Oh, Queenie. Pumasok ka na." Biglang sumulpot si Cassidy sa gilid ko. Dala niya ang cellphone niya at mukhang kakatapos lang nila mag-usap ng kung sino man sa phone. Mukha rin siyang blooming. "May problema?" Nakangiting tanong niya.

Umiling ako at kumalma. Ilang araw na rin niya ako pinipilit na pumunta dito pero wala akong lakas ng loob. Ngayon lang talaga.

Nagulat ako nang hawakan niya 'ko sa balikat kaya agad akong napatingin. "Sa tingin mo makakayanan niyang magalit sa'yo? Pagkatapos ng lahat ng pinaghirapan niya para sa'yo?"

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now