Chapter 9 - From The Past

117 0 0
                                    

Simula nung kinuha ni Kim yung salamin ko sa party kung saan naramdaman ko ang sakit ng pag-ibig. Nagpagawa na lang ulit ako ng bago, tumaas pala ang grado ko. Di ko na sinubukang kunin pa kay Kim ang salamin ko dahil ayoko nang makipagusap pa sa kaniya, hanggang maaari lalayo na ako sa kanilang grupo. Hindi dahil di ko sila kayang laban kundi dahil wala akong dahilan para pa makipagaway sa kanila.

2nd week na ng december, malapit na ang aming christmas party. Halos wala nang teacher ang nagtuturo, puro practice na lang ang aming ginagawa. Hindi na ako sumali sa dance number ng class namin kasi ako at si Erol naman ang napili para sa singing showcase. Dahil siguro alam namin na medyo nakakasawa na sa aming dalawa yung una naming kantang kinabisado. Nagisip kami ng isa pang kanta, bukod daw kasi sa una niyang kantang na master meron daw siyang unang natutunan yung "Keep Bleeding by Leona Lewis" kaya naman nagsimula na kaming magpractice nun, sa labas kami ng classroom habang yung mga sumasayaw naman sa loob. Yung iba naman naming classmates di na sumali pero konti lang naman sila. Si Erol naman kasi ang marunong mag gitara kaya siya na yung hinayaan kong magdesisyon.

Keep Bleeding - Leona Lewis

Closed off from love, I didn't need the pain

Once or twice was enough and it was all in vainTime starts to pass, before you know it you're frozen

But something happened for the very first time with you

My heart melted to the ground, found something true

And everyone's looking 'round, thinking I'm going crazy

But I don't care what they say, I'm in love with you

They try to pull me away but they don't know the truth

My heart's crippled by the vein that I keep on closing

You cut me open and IKeep bleeding, keep, keep bleeding loveI keep bleeding, I keep, keep bleeding loveKeep bleeding, keep, keep bleeding love..

(Di ko alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng sinasabi nilang bitter, ang pagkakaintindi ko. Isa ka lang bitter na tao kung gumagawa ka ng mga bagay na ikakasama ng relasyon ng mahal mo at ng mahal niya. Ang pagiging bitter ay hindi kailanman naging masama kasi naging bitter ka lang dahil mahal na mahal mo yung taong di ka naman mahal, di dahil hindi mo kayang tanggapin na sila siguro nasasaktan ka lang kasi di ikaw ang mahal niya.)

(Gaya ng pagmove on, bakit ba nagmomove on ang isang tao? Kasi nawalan siya ng isang bagay na mahalaga sa kaniya, taong mahal niya, o dahil may isang pangyayaring nakasakit sa kaniya. Para maka move on ang isang tao, kailangan niya ng oras. Oo, naniniwala ako na oras lang ang makakapagpagaling sa isang pusong umiiyak o nagdurugo dahil kung bibigyan mo ng oras ang sarili mong kalimutan ang dahilan kung bakit ka naging isang taong di mo na halos kilala. Para bumalik ka sa dati, kung sino ka, yung malaya sa sakit at hirap.)

Siguro para na lang akong timang, feeling ko kasi konektado sa akin o sige aminin na nating pati sa kaniya, sa aming dalawa ang kantang pinapractice namin ni Erol. Para kasing yan yung puso ko, saka ko lang naman kasi nakakalimutan yung naging problema ko sa kaniya pag may ginagawa ako kasi di ko naiisip. Ganun talaga siguro yun..

[Christmas Party]

Ang preparatory at elementary ay nagdaos ng christmas party sa kaniya kaniyang rooms samantalang kaming high school, eto magpapakita muna ng pinaghandaan naming intermission numbers bago pumunta sa kaniya kaniyang classrooms.

Siyempre nauna kaming mga freshmen, natapos na lahat ng upper sections pati ang dance number ng class namin pero nung kami na ni Erol ang magpeperform di ko siya mahagilap.

Di ko alam kung nalate ba siya o kung ano pero isa lang ang nararamdaman ko nahihiya ako at malapit na kong umiyak. "Okay, last number from the freshies. Let's welcome Alexa and Erol." sabi ng MC bilang pakilala sa amin ni Erol sabay palakpakan ang mga tao. Di ko alam ang gagawin ko, umakyat na lang ako ng stage. Magaacapella na lang sana ako ng makita ko si Justin na nanghiram ng gitara sa mga katabi niyang lalaki at tumakbo sa stage. "Lemme play for you.." sabi niya sabay tingin sa akin, tumango lang ako. 

Keep Bleeding - Leona Lewis

Trying hard not to hear 

But they talk so loud 

Their piercing sounds fill my ears 

Try to fill me with doubt 

Yet I know that the goal 

Is to keep me from falling 

But nothing’s greater 

Than the rush that comes with your embrace 

And in this world of loneliness 

I see your face 

Yet everyone around me 

Thinks that I’m going crazy, maybe, maybe 

But I don’t care what they say 

I’m in love with you 

They try to pull me away 

But they don’t know the truth 

My heart’s crippled by the vein 

That I keep on closing 

You cut me open and I...

Palakpakan lahat ng tao, tumingin lang ulit sa akin si Justin. Matagal, di ko alam kung pakiramdam ko lang ba pero parang ang gaan sa pakiramdam. Masaya, "Yeah!" sabi ng isip ko habang parang gustong sabihin sa akin ng puso ko na sumayaw ako sa sobrang galak ko. Nanatili akong gulat sa mga pangyayari, paano niya alam yung kanta?

Nagbigayan na ng regalo pero wala pa rin si Erol, nagulat ako at may inabot sa akin yung adviser namin. Dalawa pa yung regalo, isang kwintas na pamilyar sa akin. May infinity sign na may nakalagay na heart sa gitna. Pinipilit kong alalahanin kung saan ko to nakita pero di ko talaga matandaan. Wala pang nakalagay kung sino nagbigay, yung isa naman dress na may tag price. 500 ang nakalagay at galing kay Erol. Natawa ako kasi kailangan talaga makita ko yung presyo.

Nagkayayaan na maunod ng "Twilight" after ng christmas party, siguro almost 20 kaming magkakasama pero si mokong hindi sumama. Kahit naman galit ako sa kaniya gusto ko pa rin naman siyang makita, ewan ko ba to kasing puso ko eh. Pagdating namin sa SM, may ilang boys na humiwalay after naming bumili ng pagkain at punta na sa ticket booth. Iba daw panunuorin nila gusto nila horror, kaya mga 10 na lang kaming magkakasama.

Habang papasok sa loob ng sinehan, bigla ko na lang naisip yung kwintas na niregalo sa akin na ngayo'y suot suot ko na. Naalala ko, yun yung katabi ng kwintas na niregalo ko kay Justin.

"Teka, ang ganda nito ah" sabi ko, "Geh, bilhin ko para sayo.." sabi ni Justin "Wag na no, wag ah. Ayokong gumastos ka haha.." sabi ko naman sabay hila sa kaniya.

Bigla na lang akong napangiti pero pagkatapos ng ngiting yun nalungkot ako kasi ang mga bagay na tila nagpapasaya sa akin ay ala-ala na lang mula sa nakalipas..

Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures. - Bob Ong

Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon