CHAPTER 47

80 3 0
                                    

Chapter Forty seven.

Samantha Angeles

"Jhope naman!"  Sigaw ko nang abutan nya ako ng isang kumpol na Santan flower.

"Peace offering namin 'yan. Tanggapin mo na."  Sabi naman nya kaya napatingin ako sa kanilang lahat.

"Humihingi kami ng tawad, Samantha kung mawalan man kami ng time sa'yo. Hindi ka naman namin ipinagpalit kay IU, Don't worry.."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Namjoon.

"Hindi nyo naman ako priority. Kaya ano ba, okay lang!" Sagot ko naman habang natatawang tanggapin ang Santan flower.

"Hindi ka nga namin priority kung iniisip mo, pero mahalaga ka na sa'min, Samantha. Napamahal ka narin sa'min bilang kaibigan." -Suga.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti ng malawak. Napaka bait ng Bangtan.

Ano ba ang ginawa ko para magkaroon ako ng mga ganito kakabait at kagu-gwapong mga kaibigan?

"Masyado nyo naman akong pinapakilig. Salamat sa Santan flower huh? Kamsahamnida, Bangtan Boys.."

"YOWN!" sigaw nilang lahat sabay nsg group hug kami.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti, mapatawa at magpasalamat dahil nagkaroon ako ng mga kaibigang katulad nila.

Tinignan ko si Jungkook na nakangiti sa akin. Napa kibit-balikat ako habang nakangiti.

Niyaya nila ako sumama sa kanila dahil may pupuntahan daw sila.

Tinabihan naman ako ni Jungkook sa kotse kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti.

"Ready ka na ba Samantha?" Tanong ni Jhope.

"Kung saan man tayo pupunta.. Go na go ako!" Sabay tawa nila.

Hinapit ako ni Jungkook palapit sa kanya at pasimpleng inilagay sa may bewang ko ang braso nya.

Medyo nakatago naman ito kaya hindi gano'n kahalata.

Siguro ilang oras din ang itinagal ng byahe namin at matapos ang tatlong oras ay huminto ang sasakyan.

"Nandito na tayo!" Masayang sabi ni Jhope.

Napaaangat ako ng tingin sa bintana.

Saan 'to?

"Saan dito?" Tanong ko na may halong pagtatakha.

Kasi naman, isang hinding kilalang building ang itinigil ng kotse.

"Tara na!" Pagkasabi ni Jimin ay nag si suot na sila ng mga kanya-kanyang mga shades sa mata para sa safety nila.

Pero bago pa makababa si Jungkook ay pinigilan ko muna sya.

"Wait." Sabi ko at halata sa kanya ang pagtatakha.

Inabot ko ang buhok nya para ayusin.

"'Yan. Sobrang gwapo na ang Jungkook ko." Sabi ko sabay ngiti.

Nakita kong napangisi sya at inilapit nya ang mukha nya malapit sa mukha ko.

"Palagi akong magiging gwapo para sa'yo." Sabay ngiti sya.

Nauna na syang bumaba pagkatapos ay sumunod na ako.

Takte naman, kinikilig ako!

Pumasok na sila sa loob ng isang building kaya tumakbo na ako para sumunod nang nakangiti.

"Hintayin nyo naman ako!"  Sigaw ko.


~•|•~
Vote and Comment!
=)

Seducing Jeon Jungkook (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon