CHAPTER 49

67 2 0
                                    

Chapter Forty nine.

Samantha Angeles

"Wow! Ang galing nyo naman!" Nakangiti kong puri sa kanila nang mag time break sila sa pag practice.

Kasalukuyan kasi kaming kumakain ngayon.

"Haha, sakto lang." Sagot ni Jimin kaya ngumiti ako.

"Hindi ah. Sobra pa sa sakto!" Depensa ko naman na ikinatawa nila.

"Ayaw naming lumaki ang ulo namin kaya para sa'min, ang kagalingan namin ay sakto lang." Sabi naman ni Suga na ngayon sy umiinom ng tubig.

"Nga pala Samantha, malapit na ang pagpunta namin sa Japan. Support mo kami ha?" Paalala naman ni Namjoon sabay nag thumbs up ako.

"Okay! Makakaasa kayo!" Nakangiting sabi ko.

Bigla naman nagsingit si Jin ng kalokohan na dinagdagan pa ni Jungkook.

Ayan na naman sila sa pagiging isip-bata e.

Matapos nilang magharutan ay Bumalik na sila sa kanya-kanya nilang mga puwesto.

Habang ako naman dito ay nakaupo lang na nonood.

Grabe, bakit ang ganda ng boses nitong mga 'to?

~•|•~

"Nag enjoy ako!" Sabi ko habang nakangiti.

Paalis na kami dito sa building na ito dahil pa gabi na rin.

"Saan ka nag enjoy? Baka nga na bored ka na." -Jimin.

Nasa tabi ko si Jungkook habang palabas kami ng building na ito.

Hindi ko parin maiwasan ang kiligin kapag malapit lang sa'kin si Jungkook.

Masisisi nyo ba 'ko? Napaka gwapo nya e!

"Ako? Ma bo-bored? Hindi kaya! Super nag enjoy ako sa pakikinig ng live na pagkanta nyo."

Tumawa lang sila kaya naman napangiti ako.

Grabe, kung kayo lang nasa posisyon ko, para narin kayong nakarinig ng banda na live na kumakanta.

Pagkapasok namin sa kotse ay as syempre, katabi ko si Jungkook.

Nag kanya-kanya na silang suot ng earphones sa tenga habang ako ay nananahimik lang.

Kasi naman, wala akong dalang earphones!

Sa kalagitnaan ng pagtahimik ng lahat ay nagulat ako nang may nagsuot sa kaliwa kong tenga ng earphone.

Nilingon ko ito pero nakita ko si Jungkook na nakapikit lang.

Masasabi ko na bang napaka sweet ng mga galawan nitong si Jungkook?

Hindi ko parin maiwasan na mapapatitig sa makinis na mukha ni Jungkook habang nakapikit sya.

Bakit ang bango nya?! Naliligo ba 'to ng pabango sa araw-araw?

"Kinikilig ka na naman.."

Nanlaki ang mga mata ko sa biglang pagsalita ni Jungkook.

Nakapikit parin kasi sya. So sinong hindi magugulat nang magsalita ang nakapikit?!

"H-hoy! A-anong kinikilig? Asa ka naman.." Bulong ko sabay iwas ng tingin.

"Sus." Narinig kong bulong nya kaya naman napairap na lang ako.

Hay nako!

~•|•~
Vote and Comment!
=)

Seducing Jeon Jungkook (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon