CHAPTER 4
**GALIT SYA?**
"pasalamat ka at hindi pa nakauwi sina daddy.."umalis agad sya..
pewh!!salamat akala ko..hoooo..
pumunta na ako sa room at nagbihis..
"were here!!"sigaw ni mommy
lumabas ako ng kwarto para puntahan sila..at ganun din si ate nagmadaling pumunta sa kanila..
tapos nun nagyakapan na sila ni mommy
"Anak I miss you!"sabi ni mom na tuwang tuwa
"miss you too mom.."tapos pumunta sa kay dad para yakapin din..
lumapit ako sa kanila at yumakap..pero hindi nila ako niyakap pabalik at mukhang nag aalanganin silang ngumiti..
ramdam kong hindi sila masaya..
kaya kumalas nalang ako at nagdederitso sa kwarto...
ganyan sila palagi sa akin ..parang hindi nila ako anak....hindi nga sila nag alala sa akin kung anong mangyayari
sa akin sa daan tuwing uwian e..hindi nila ako gusto sumakay sa kotse namin..ewan....
ang drama ng buhay ko noh?
parang O.A lang pero yan ang totoo..talaga mula pagkabata hanggang ngayon ganito palagi...
**KINABUKASAN**
maaga akong pumasok hindi pa nga ako nag aalmusal e.
hindi naman talaga ako nag aalmusal sa bahay na kasama sina daddy,,mommy at ate..
kasi mawawala daw ang gana nila pag andun ako..
___FAST FORWARD____
Uwian na ngayon...
umuwi na agad ako..kasi nahihiya ako sa sundo ko na nagligtas sa akin kahapon....dumeritso na ako sa gate....
SOMEONE'S POV
Nasaan na yung babaeng yun?kanina pa ako naghihintay dito..
teka...
baka naman nauna na syang umuwi..
SHIT!!
dali dali kong pinaandar ang kotse ko..aargh..ang tigas ng ulo...sya panga tong tutulongan....
ewan ko nga kong ba't ko naisip na tulungan yung babaeng yun...ni hindi ko nga sya kilala..
parang may nagsabi kasi sakin na dapat ko syang protektahan...hindi ko alam kung bakit...
siguro..dahil sa may kapatid din akong babae,...
siguro nga ganun yun...