RHIAN POV
Parang kailan lang bago palang kaming mag girlfriend ni Glaiza at kakikilala palang namin. Pero ngayong araw na ito, mag cecelebrate kami ng 4th anniversary namin.
Kasalukuyan akong nagluluto ng cake sa bagong bahay ko. Bumili kasi ako ng sariling bahay ko para malapit lang sa University at malapit kayla Glaiza. Kalilipat ko lang nong isang araw at tinulungan ako ni Glaiza na mag ayos ng gamit.
Ito ang unang araw na mag istay ako sa bahay na ito kaya gusto kong maging special ang araw na ito. Yong tipong sobrang napakamemorable nito. Kaya naman, madami akong plans for today. Buti nalang sunday, kaya pareho kaming free ni Glaiza.
Habang busy ako sa kusina, dumating naman si Glaiza.
Glaiza: "Hi mine." Lumapit sya sakin at niyakap ako mula sa likod. Habang may hawak na bouquet of white roses.
Glaiza: "Happy Anniversary."
Humarap ako sa kanya at hinalikan sya sa lips.
Me: "Happy Anniversary too, mine."
Tapos bumalik na ulit ako sa cake ko. Sya naman ay pumunta sa kwarto namin. Oh diba? May kwarto na kami. Then paglabas nya, nagpaalam muna sya saglit para bumili ng iba pa naming kakainin later.
After four hours, ready na ang celebration namin, kasama sina Chynna, Katrina at si Solenn. Ang mga kaibigan namin.
May mga dala silang food. Para daw parang fiesta ang araw na ito at gift na rin daw nila samin.
Si Solenn? We became bestfriends. Buti nalang na ganito ang nangyari. Thanks to Chynna, dahil may gusto sya kay Solenn. Niligawan nya ito, kaya okay na. Pero hindi pa sya sinasagot ni Solenn. Haha ang arte din ni Solenn eh.
Napakasaya namin ngayong araw na ito, dahil na rin sa may supportive friends kami at walang hanggang pagmamahalan namin.
We eat and dance and ger drunk. Pero sila lang ang nagpakalasing. Siguro mga 12 na nakauwi ang mga kaibigan namin.
Pareho kaming hindi lasing ni Glaiza dahil ayaw din naming maglasing.
Naunang pumasok si Glaiza sa kwarto, ewan ko kung bakit. Kaya sumunod naman ako, pagpasok ko, may hawak syang box. At alam ko na singsing ang laman nito. Napanganga ako.
Binuksan nya ito at ipinasok sa daliri ko.
Glaiza: "I want you to wear this everytime. Ito ang simbolo ng pagmamahal ko sayo. I love you Rhian, and I'm so happy that you came into my life and that you became my girl. I want you to be happy, and I'll do anything to make that happen. Happy Anniversary."
Hindi ko iniexpect na may ganyang sasabihin sya and it really touch my heart.
I hugged her tight and kissed her deeply.
Me: "I love you too so much. You're the best thing that ever happened to me. I want to be with you for the rest of my life. Hintayin lang natin na makagraduate ka, para maging free na tayo sa lahat. Konting tiis nalang mine, and we'll be together always."
Hanggang ngayon kasi, tinatago pa rin namin ang relasyon namin sa University. Mabuti nalang may friends kami na tumutulong samin na manatiling sekreto ang relasyon namin.
Humiga kami sa kama ng magkahawak kamay, wala pa naman kaming balak matulog. We're just staring at the ceiling and enjoying each other's hand.
*****************************************
GLAIZA POV
I went to the flower shop at namili ako ng bulaklak para kay mine. Fourth Anniversary namin ngayon ni Rhian.
Parang kailan lang, naging kami palang tapos ngayon, fours years na kami. Oh diba? Ang bilis ng panahon. Tapos gagraduate na ako, ilang buwan nalang. Malapit na kaming maging malaya.
Pagkatapos kong bilhin ang bulaklak para sa kanya. Pinuntahan ko sya sa bagong bahay nya. Ngayon ang unang gabi namin na magkakasama kami. Kasi nagpaalam na ako sa parents ko na sa kanila matutulog. Pumayag naman sila dahil alam nilang very close kami sa isa't isa.
Actually, hindi ko pa nasasabi sa kanila ang tungkol sa relasyon namin. Kasi nag aaral pa ako, ayokong mag alala sila. Saka ko na sasabihin pag graduate na ako.
Pagkapasok ko sa bahay, alam ko kaagad kung nasan sya kaya pinuntahan ko sya sa kusina. At binigay ang flower para sa kanya.
Napakabusy ni mine kaya nagpaalam muna ako sa kanya. Naisip ko na bilhan sya ng singsing. Matagal ko ng gustong gawin ito eh. Pero ngayon ko lang mabibili ito. Kaya naman napakasaya ko. Infinity ring ang binili ko para sa kanya.
Tapos pagbalik ko sa bahay, nagdatingan na ang mga bisita namin. My friends at si Solenn. Yes! Kasali si Solenn. Alam na nya ang tungkol samin. Buti nalang madaling mag move on ang babaeng ito. Kaya tanggap nya kami at happy sya for us. Si tol naman, do ma the moves na kay Solenn. Haha Naks! Sana maging sila na.
Umabot hanggang hating gabi ang party namin at nagsiuwian na sila, kaya kami naman ay pumunta na sa kwarto namin.
I gave her the ring and said my message for her. Ramdam na ramdam ko ang araw na ito. Ang dami kong plano para samin. Pagkagraduate ko at pag nakahanap ma ako ng stable job. Yayain ko ng magpakasal si Rhian. Para maging akin na talaga sya.
Kasalukuyan kaming nakahiga ni Rhian, habang magkahawak kamay. I really am happy with this beautiful lady beside me and I can't imagine my life without her.
Hay, sana kami na talaga hanggang sa huli.
Humarap ako sa kanya and I kiss her.
Me: "I love you so much."
Rhian: "I love you too so much!"
Then tumayo na si Rhian at nagpunta sa banyo para mag half bath. Ako naman ay naiwan sa kama at naglaro nalang muna ako sa CoC.
After 20 minutes, lumabas na si Rhian wearing a night gown. Napalunok ako ng laway ko. I can see her body. She is so sexy. I have to look away para hindi ako malapitan ng tukso. Pero mukhang nananadya ang pagkakataon eh. Lumapit sakin si Rhian at humarap sakin.
Rhian: "Why don't you take a shower first?"
Me: "Okay."
Yon lang ang tanging nasabi ko at tumakbo ako papunta sa banyo, para mapalayo kaagad sa kanya.
Pagkapasok ko sa loob, nilock ko kaagad ang pinto at tumayo sa likod nito.
Oh tukso layuan mo ako!
Pano ako makakatulog mamaya nito kung ganon ang suot ni Mine. Hay! Pinagpapawisan tuloy ako.
Kaya naman naghubad na ako at nagsimulang magshower. Bahala na mamaya!
BINABASA MO ANG
Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..
ФанфикRhian-The New Teacher Glaiza-The Student Chynna and Katrina-Glaiza's friend and classmate Solenn-Rhian Co-teacher This is a fanfic story of Glaiza and Rhian. Nagawa ko ang story ko through my imagination and love for Rastro. I hope you enjoy readi...