chapter 1

5 1 0
                                    

"Sorry Alexa may mahal na kong iba" hindi ko alam kung ano bang pagkukulang ko kung ano bang nagawa kong mali kung may mali ba sakin? Sa itsura ko? Panget ba ko? Kapalit palit ba ko? Ang daming tanong na tumakbo sa isipan ko ng marinig ko ang mga salitang yan. Mga salita na nanggaling pa mismo sa taong nangako sakin na ako lang at wala ng iba.

"Andrew..." tanging pagtawag nalang sa pangalan nya ang naisagot ko dahil hindi ko na talaga alam ang isasagot ko ng mga oras na iyon. Napayuko nalang ako dahil sa hindi ko na kaya pang pigilan ang mga luha na namumuo sa mga mata ko.

"Sorry ulit Alexa pero..." hindi ko na  siya pinatapos sa sasabihin  niya. Sapat na siguro yung salitang may mahal na siyang iba para saktan ako ng sobra at hindi na siguro kakayanin ng puso ko kung dadagdagan niya pa.

Tumalikod ako. Lumayo ako sa lugar kung saan kame nagtapos. Kahit sobrang hirap para sakin na hayaan nalang siya na tapusin ang relasyon namin at hindi man lang naipagtanggol ang nararamdaman ko ay ok lang.

Kahit gusto kong lumingon ay di ko nagawa. Ayokong makita pa siya kahiy sobrang sakit ng ginawa niya sakin ay mas nangingibabaw padin yung pagmamahal ko sa kanya.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng aming bahay "salamat sayo" napangiti nalang ako sa mga paa ko dahil hindi niya ko pinabayaan. Kahit pala  papaano ay may nagmamahal pa sakin. Hindi padin naalis ang mga ngiti sa aking labi pero bigla namang tumulo ang mga luha sa  mata ko.

"Alexa ano ba lalaki lang yan tahan na" sabi ko sa sarili ko.

Inayos ko muna ng sarili ko bago ako pumasok ng tuluyan sa aming bahay . And  as  always  wala nanaman sila mommy and daddy tanging si yaya lou lang ang nadatnan ko na naghuhugas sa may kusina. Busy si yaya lou sa ginagawa niya kaya hindi niya napansin ang presensiya ko. Sinara ko nalang ang pintuan at dumiretso na sa kwarto ko.

Ng makapasok ako sa kwarto ko bigla ko nanamang naalala yung mga panahon na dito pa kame tumatambay ni Andrew after class lagi kase kameng dumidiretso dito sa bahay pag tapos ng klase.

Bigla na lang tumulo ang luha ko ng makita ko yung picture naming dalawa sa may table na malapit sa kama ko. Kinuha ko iyon at umupo sa gilid ng aking kama.habang pinagmamasdan ko ang aminh litrato ay bigla nalang bumalik sakin lahat ng mga masasaya naming alaala. Ang saya saya namin sa litratong ito para bang wala ng bukas ang aming mga ngiti tapos kitang kita pa sa mga mata namin dito na sobrang mahal namin ang isa't isa.

Napahiga nalang ako sa may kama habang yakap yakap ang litrato naming dalawa. Iyak lang ako ng iyak walang katapusan na iyak. Tanging ang kwarto ko lang ang may saksi sa lahat ng sakit na pinagdaraanan ko ngayon.

"Mahal na mahal kita Andrew" bigla nalang bumigat ang mga mata ko at tuluyan na nga itong bumigay at nakatulog na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Second chance Where stories live. Discover now