"Hoy! Kakasuhan kita! May kilala akong abogado, sisigu--"
"Sino? Yung lalaking yun ba? Yun ba yung abogadong sinasabi mo?" He said after letting go of my hand.
Inirapan ko ito at hinawakan ang kamay. Namumula ito at may bakas ng kamay nya dahil sa higpit sa pagkakahawak niya kanina. I can also feel a stinging pain in my ankle. Ikaw ba naman kaladkarin sa spiral na hagdanan 'di ba naman sasakit paa mo. Para bang kahit mapahiga ako sa pagkakaladkad nya ay walang pakialam itong isang 'to.
"Anong akala mo sa akin tanga? Bakit ako hihingi ng tulong sa tarantadong yun?"
"And why the hell did you make a scene there?!" Halos pasigaw na sabi nito kaya nagulat ako.
Nakakatakot naman pala itong isang ito. Gusto kong magtaray pero para akong kuting ngayon. Para akong kuting ngayon sa sulok habang may tigre na nasa harap ko. That's really terrifying.
"Where's the ring?" Seryosong sabi nito at hinarap ako.
"Ha?" Mabilis at kabadong sabi ko.
Ano nang gagawin ko?
Hinahanap niya na yung singsing pero wala sa akin. Hindi ko alam kung nasaan. Kulang na lang baligtarin ko yung condo ko at baka sakaling may singsing na bumagsak pero hindi ko talaga mahanap. Pero isa lang ang sigurado ko, sigurado akong hindi ko iyon tinapon. Hindi ko man mahanap sa condo pero hindi ko tinapon.
"Do I really have to repeat myself?" He said and started walking infront of me.
"Hindi naman, pero kasi ano..."
Kitang-kita ko kung paano tumaas ang isang kilay nito. Mukhang magtataray pa itong lalaking 'to sa akin. Hindi niya alam expert pa naman ako sa larangan na yan pero heto ako ngayon, tatanggapin ko lahat ng pagtataray nito dahil hindi ko talaga mahanap ang singsing.
Napalunok ako at tumingin tingin dito sa paligid. Bukod sa isang malaking piano at fountain sa gitna ay wala ng laman itong taas. Sobrang tahimik at peaceful ng tubig na nagmumula sa fountain pero, sino ba namang tatahimik at kakalma sa lalaking nasa harap ko?
Para akong papatayin sa tingin. It looks like those eyes are like laser pointing at me.
Inayos ko ang sarili at sinubukan mag-crossarms kahit na ilang beses akong nangatog habang ginagawa. "W-Wala sa akin." Matapang na sabi ko.
"Is that so? I can clearly remember your face here."
He handed me a phone.
Pinlay ko ang video na naroon. Sa first three seconds pa lang nito ay gulat na gulat na ako. Kitang kita ko kasi ang sarili ko na parang may pinipindot.
"Hello!" Masiglang bati ko sa video. Halatang halata mo na lasing na ako dahil hindi ako matigil sa paggalaw ng ulo ko at pagngiti. Dahil sa totoo lang, dapat umiiyak ako ng sobra sa videong iyon. Ito yung araw na iniwan ako ni Theo sa kasal. I can clearly see myself and I am so embarassed.
Handa ko na dapat ibalik dahil hindi ko na kinakaya mga nakikita doon sa video pero nagulantang ako sa sunod kong ginawa.
"Ayan, nakikita niyo 'yang lalaking yan? Tanga tanga yan! Nagpropose tapos nireject naman!"
Halos manlaki ang mga mata ko doon sa sinabi ko sa video. Marami na akong nagawang katarantaduhan pero ito na siguro ang pinakamalala. Talagang tumawa pa ako doon sa video pero ngayon hindi man lang ako makangiti.
"Ang tanga nga noh?" Nakangising bulong nito sa akin.
"Hehehe..."
"Go on, watch it."
BINABASA MO ANG
The Moment You Left (Marupok Series #2)
Fiksi RemajaTotoo talaga ang sinasabi nilang kapag may umaalis, may bigla namang darating. Who would've thought that Gianna Clio's long time boyfriend would still break her heart on her special day? Love is all about sacrifices. Love is all about pain. But Cli...