Nagulat ako ng may yumakap sakin patalikod.
Bang!
Putok ulit ng baril, pero hindi na ko nag-abalang tingnan kung sinong natamaan.
Huminto ang mundo ko ng makita si Sabrina na naliligo sa sarili niyang dugo.
"I-Ivan.. M-Mahal na M-Mahal K-Kita.." Sabi niya ng nahihirapan.
"Sab, Sab please.. Please wag mo Kong iwan! Lumaban ka please.." Malakas Kong iyak.
"K-Kahit anong m-mangyare.. A-Always r-remember t-that I'm A-Always by y-your s-side.. I-I l-ove y-you so m-much...." Hanggang sa tuluyan na siyang pumikit.
"Sabrina!!!!!!!!!"
"Ivan anong nangyare?"
"Tumawag kayo ng ambulansya! Ano ba?!" Sigaw ko at natatarantang tumawag si Aleah.
Mga ilang minuto lang Ay may dumating na mga pulis at ambulansya.
Sinakay si Sabrina sa stretcher pati narin si Nicole.
"Sabrina, lumaban ka please.." Umiiyak sina Aleah.
"Walang hiya ka! Pano mo nagawa to? Pinagkatiwalaan kita!! Pinagkatiwalaan ka namin!!" Napatingin ako Kay Renz na nanlilisik ang mata Kay Tin.
Lumapit ako sakanila at sinampal si Tin.
Nang dahil sa kanya, nabaril si Sabrina. Anong klase siyang kaibigan? Paano niya nagawa lahat ng ito?
"Bakit gusto mo Kong patayin? Nang dahil sayo, delikado ang buhay ni Sabrina! Anong klase kang kaibigan??"
"Ginawa ko yun dahil papatayin mo si Tarah! Hindi ko hahayaang patayin mo ang pinsan ko Ivan pero ano! Pinatay niyo pa rin siya! Pagbabayaran niyo ang lahat ng to!" This time si Gwen at Agatha naman ang sumampal sa kanya.
"Pinsan mo si Tarah? Traydor ka!" Sabay sampal ulit ni Agatha Kay Tin.
"Sumama ka na samin." Pinosasan ng mga pulis si Tin pero may sinabi siya na mas lalong kinainit ng ulo ko.
"Sisiguraduhin Kong hindi kayo magiging masaya! Isinusumpa Kong gaganti at babalikan ko kayo! Buhay ang kinuha niyo, buhay din ang kapalit! Pagbabayaran niyo lahat ng to!"
RENZ POV
Hanggang ngayon hindi parin kami makapaniwala sa nangyare.
Isang linggo na ang nakalilipas Simula ng mabaril si Sabrina at hanggang ngayon hindi parin siya nagigising.
Si Nicole naman Ay dead on arrival. Nilibing na siya kahapon.
"Renz?" Lumapit sakin si Agatha. Nandito kami ngayon sa hospital para bisitahin si CM.
"Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang nagawa yun ni Tin." Minahal ko siya ng totoo pero hindi ko kayang magmahal ng demonyo. Galit ako sa kanya! Traydor siya!
"Naiintindihan kita Renz.." Sabi niya kaya napayakap nalang ako Kay Agatha.
SABRINA'S POV
Minulat ko yong mata ko at nakita Kong puro puti ang paligid.
"My god! Thanks god,Your awake.." Napatingin ako sa nagsalita.
Napangite ako ng makitang nandito silang lahat.
Si Gwen Ay mahimbing na natutulog sa balikat ni Ethan habang nakaupo sa couch.
Si Agatha Ay tulog na nakaupo habang nakapatong ang ulo niya sa mesa.
Si Renz at Vander Ay magkatabing natutulog sa isa pang couch.
Si Ivan Ay nakapatong ang ulo sa kama ko.
"Sab, okay ka na ba? May masakit pa ba sayo? Gusto mo bang kumain?" Napangite nalang ako dahil Alam kong concern na concern ang mga kaibigan ko.
"Ayos na ko Aleah. Anong oras na?"
"3:30 PM."
"AISSH.. ilang oras ba ko nakatulog?"
"Isang linggo kanang tulog Sabrina.. Alam mo bang sobra akong nag-alala sayo.." Naiiyak na wika ni Ivan.
"Ganon ako katagal nakatulog?"
"Oo kaya wag munang uulitin yun ha? Pinag-alala mo ko.. Akala ko iiwan mo na ko ee.." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.
"Sisiguraduhin Kong makukulong si Tin sa kulungan." Sabi ni Ivan kaya naalala ko yong nangyare.
Flashback..
Nakita Kong pinagtulungan nila si Tarah pero nakatayo lang si Tin sa likod ni Ivan. Nahulog yong baril ni Tarah at pinulot ito ni Ivan para barilin si Tarah pero nagulat ako ng maglabas si Tin ng baril at tinutok Kay Ivan.
Bang!
Naramdaman ko ang balang tumama sa katawan ko.
Pinipilit Kong wag pumikit pero hindi ko na kaya. Bago ako mawalan ng Malay Ay narinig ko pa ang sinabi ni Tin.
Paano niya nagawa lahat ng to? Napakasama niya? All this time trinatraydor niya lang pala kami? Tinuring ko siyang Parang tunay na kapatid.
IVAN'S POV
Masaya ako dahil sa wakas nagising narin ang babaeng mahal ko.
"Naalala ko na! Si Tin nga yong babaeng nakahood sa teries cafe noong nakilala ko yong fake Eya." Sabi ni Vander.
"Hindi kaya siya rin ang nagtext sayo noon Vander?" Tanong ni Aleah.
"Pwede rin, nakakapagtaka kasing ang dami niyang Alam tungkol Kay Eya."
"So sa Simula palang traydor na si Tin sa barkada? Bakit di man lang natin Alam na pinsan niya si Tarah?" Ethan.
"Oo nga." Sang-ayon namin.
"Nakakalungkot lang guys dahil kahit papano, naging part na ng barkada si Tin, kahit traydor siya.. Mamimiss ko pa rin siya."
"Ano kaba Gwen, kalimutan mo na ang bruhildang yon." Sabat ni Aleah.
"Ayos ka lang Renz?" Tanong ni Ivan Kay Renz na Kanina pa tahimik.
"Yeah." Maikli nitong sagot at ngumite. Alam Kong mahirap para sa kanya ang nalaman. Minahal niya parin si Tin.
"Pano ba yan? Kulang na tayo ng isa.."
"Sabi nga nila, kapag may nawala.. May dumarating.." Para namang nakakakilabot yong sinabi ni Vander. Diba sa mga horror stories kadalasan yong line na yan.?
"Hi:)" Biglang may pumasok sa room.
"Sino ka?" Hinarangan ni Ethan si Claud para hindi makalapit samin.
"Tama na yan Ethan." Tumayo ako at lumapit Kay Claud.
"Guys, meet Claud. Claud, si Ethan, Renz, Vander at Ivan mga kaibigan ko." Tinuro ko sila isa isa. Di na kailangan sa tatlong girls dahil kilala na nila si Claud.
"Nice to meet you guys." Naglahad si Claud ng kamay Kay Ivan pero tinitigan lang to ni Ivan kaya si Vander na yong nakipag-kamay.
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Dla nastolatkówSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...