MBT 6

356 19 2
                                    

A/N: Learn from Crown...
--

Matapos ang halos magdadalawang linggong hindi pagpasok ni Crown sa wakas ay makakapasok na siya.

" You sure you okay? What makes you get up easily on that bed? " Takang tanong ko nang matapos na siyang maligo at ngayon ay sinusuklay ang kanyang rebonded na buhok. Tapos na akong magayos ng sarili ko kaya tanging siya na lang ang hinihintay ko.

" Ayaw kong maabutan nila Mommy akong nagmumukmok at nasisiraan ng bait dahil sa isang walang kwentang tao. Pupunta sila Mommy ngayon dito..  Julia, alam kong mali ito pero umaasa kong walang lalabas tungkol sa mga nangyari. " Utos niya. Wala akong karapatan tumanggi matapos ang lahat ng itinulong niya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang tumango.

" Crown? So, pumasok ka na pala! " Panimulang bati ni Alicia—ang unang naging girlfriend ni Kenneth bago siya sumunod.

Hindi nag atubiling sumagot si Crown kaya hinayaan ko na lang din ang dumaplis na inis sa isipan ko.

Nilampasan namin ang bruha kasama ang iba pang kagrupo ni Kathryn. Huminga ako ng malalim nang mapagtantong wala sa tabi nila ang pabidang si Kathryn.

" ..Anyway, how do you work well on your 'moving-on thingy'? Was it hard? ..How do you feel being hurt that much? Like I've told you before you two won't reach at least 7 months! Bitch! " Ilang hakbang na ang layo namin sa kay Alicia ngunit sa salitang muli niya inilabas ay tila isang segundo lang ay nasa harapan na niya si Crown.

" Anong sinabi mo? ..Alicia, hindi ako naghahanap ng away pero dahil mukhang gusto mo akong simulan, sige! " Tumabi ako sa kanya sa tagiliran at hinawakan siya sa kamay upang pakalmahin.

" Oh my Gosh! Naloloka ka na nga talaga Crown! I'm just saying it and that's nothing to do with the fact that Ken just used you for his own purpose. Oh well, tulad ng ginawa niyong pagtratraydor sa akin dati heto at ikaw naman ngayon. Ganun talaga, dahil hindi lang ikaw ang ahas sa paligid! " May halong laro sa boses ni Alicia. Ngumisi siya bago umirap. Nakahalukipkip ang bruha sa harap namin habang ang mahinang si Crown ay unti unting pinupuno ng galit at poot.

" Hindi ako ahas Alicia, alam mo 'yan, tapos na kayo ni Ken ng minahal ko siya so stop whimpering around! He didn't use me I know, kaya wala kang alam sa mga sinasabi mo.. " Pagbibigay punto ni Crown sa mga nangyari. Hindi na ako umamba pang makisali sa alitan nila, dahil sa tingin ko isa itong magandang paraan upang matuto nang lumaban ang kaibigan ko. And I support her.

" Estupida! Hanggang ngayon ba umaasa ka pa rin magkakabalikan kayo? ..Hindi ko akalaing isang lalaki lang ang halaga ng pagkakaibhigan natin Crown? " Mariin sambit ni Alicia sa harap ng lahat. Naabutan ko ang paglunok ni Crown sa salitang isinampal sa kanya.

Naalala ko ang litratong ipinakita sa akin ni Crown noong naglilinis kami ng kwarto. Siya at ang inosenteng bata na si Alicia. Naikwento sa akin ni Crown na simula noong kinder pa lamang siya ay naging magkaibigan na sila bago pa man ako magMaynila. Dito na siya lumaki ngunit noong isang taon ay nagpasya ang magulang niyang tumira sa Cavite ngunit sadyang makulit si Crown kaya nagpaiwan siya kasama ako.

" Huwag mong mabanggit banggit ang inamag nating pagkakaibigan, Alicia. Ikaw ang sumira nun, bago ko pa man makilala si Ken! " Nakakunot ang aking noo habang pilit na ipanagdurugtong ang mga impormasyong nakakalap ko. Ibig bang sabihin kaya sumama itong si Alicia sa grupo nila Kathryn ay upang maghiganti?

" Just drop it, Crown. You're saying nonsense! " Ani Alicia. Gusto ko sana siyang supalpalin ng bag ko ngunit pinigilan ako ni Crown.

Maghapon kaming nakatutok sa klase at sa mga gawaing ipinapagawa ng mga teachers. At dahil si Crown ay dalawang linggong di pumasok nagrepresenta akong tulungan siyang upang makaabot sa lesson ngayon.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon