GLAIZA POV
Ngayon na ang araw ng pag alis ko. Andito ako ngayon sa bahay, andito rin si Rhian, Chynna at Katrina. Wala eh, iyakan time kami. Lalo na si mama at papa. First time kong mawawalay sa kanila eh.
Isa isa ko silang niyakap, at hinalikan sa pisngi, pero kay mine tumagal ang pagkakayakap ko.
Habang magkadikit ang katawan namin, hindi namin mapigilan ang maiyak. Ayaw nyang bumitiw sa pagkakayakap sakin, at ganon din ako sa kanya.
Magkayakap lang kami, walang salita. Pero ramdam na ramdam ko ang lungkot naming dalawa.
Nang bumitiw na si Rhian. Pinahid ko ang mga luha nya.
Me: "Pakabait ka dito ha? Wag kang titingin sa iba." Biro ko sa kanya.
Rhian: "Ikaw ang umayos doon, lagot ka sakin pag niloko mo ako."
Me: "Hinding hindi po ako magloloko."
Tapos hinalikan ko sya sa pisngi.
Chynna: "Tol, sumulat ka sakin ha? Padala ka din ng mga postcards."
Natawa kami sa sinabi nya. Alam ko namang nagbibiro lang sya, para mabawasan ang kalungkutan namin.
Me: "Sira ka talaga tol. Di na uso yon eh."
Chynna: "Alam ko, pero gusto ko ng ganon."
Me: "Ewan ko sayo."
Katrina: "Glaiza, pagdating mo don, ayudin mo na hindi mo kami makakalimutan ha? Pupuntahan talaga kita, pag nagkataon at aawayin kita."
Me: "Ano ka ba? Hindi ko kayo makakalimutan no? Kayo pa ba."
Tapos niyakap ko silang dalawa.
Mama: "Anak, alagaan mo sarili mo doon ha? Wag mong papabayaan ang pagkain mo, ang pagtulog mo, at higit sa lahat ang sarili mo."
Me: "Opo ma."
Papa: "Nak, tatawag ka palagi ha? Mamimiss kita. Anak."
Me: "Opo, pa."
Niyakap ko sila ng sobrang higpit at hinalikan sa pisngi.
Me: "Pano, aalis na ako, baka maiwan ako ng eroplano."
Si Rhian lang ang maghahatid sakin, para daw wala ng dramang mangyari.
As if naman pag kami lang, walang drama. Eh sa tingin ko nga mas malala pa eh.
So yon, nilagay na namin lahat ang mga dala ko sa likod ng kotse ni Rhian. At I wave my last goodbye sa parents ko, sa dalawang kaibigan ko.
Sumakay na kami ni mine sa kotse nya. At tinahak ang daan papunta sa airport.
Habang nasa byahe kami, hinawakan ko ang kamay nya. Gusto kong sulitin ang natitirang oras namin.
I look at my watch, may oras pa naman ako. Kaya pinahinto ko sya sa gilid ng daan.
Rhian: "Why?"
I grab her face and kiss her intensely. Gusto kong gawin ito dahil matagal na panahon bago ko sya muling mahahalikan.
Tinugunan nya ang mga halik ko, napakaspecial ng moment na ito. After that long kiss, we were both catching our breaths.
I kissed her one more time and then, bumyahe na ulit kami.
Soon enough, nakarating na kami sa airport.
I have to say goodbye to her, dahil ako nalang ang papasok.
Tumulo ang mga luha ko, hindi ko kayang pigilan eh.
She was crying too.
Me: "I love you so much mine."
Rhian: "I love you too so much!"
Then we hugged each other, and then pagkatapos noon, I wave to her at pumasok na ako sa loob.
Pinunasan ko ang mga luha ko, at huminga ng malalim. Kailangan kong maging matatag.
Pagkalipas ng 30 minutes, my flight was called. Kaya naglakad na ako.
Goodbye for now!
*****************************************
RHIAN POV
Maaga akong pumunta sa bahay ni Glaiza, dahil ngayon na ang flight nya.
Kadadating ko palang, iyakan na kaagad ang nangyari saming dalawa.
Maya maya, dumating si Chynna at Katrina. Katulad din sakin, naiyak din sila. Syempre, ngayon lang din mawawalay sa kanila si Glaiza. They were friends since childhood. Oh diba? Nakakamiss talaga ang ganoon.
Then yon, nag usap usap na kung ano pa ang bilin, tapos one final hugs and kisses para sa aming lahat from Glaiza.
Sobrang lungkot talaga ang nararamdaman ko sa pag alis nya.
Pagkatapos, nilagay na namin ang lahat ng mga gamit nya sa likod ng kotse ko, dahil ako ang maghahatid sa kanya papunta sa airport.
Then habang nasa byahe, bigla syang nagsabi na magpark sa gilid.
I was hoping that she would say na hindi na sya tutuloy, pero iba ang nangyari.
She kiss me intensely, it's a very memorable kiss, you know! Kaya I enjoyed the moment.
Pagkatapos ng halik na yon, napangiti ako, dahil nag iwan pa sya ng very memorable moment sakin. First time naming magkiss sa kotse ng ganoon eh.
Tapos yon, bumyahe na ulit kami papunta sa airport. Magkaholding hands. She was kissing my hand ng paulit ulit, kaya napapasmile ako.
Atleast nababawasan ang lungkot na nararamdaman ko.
Nakarating na kami sa airport. This is our final moment. And so I hugged her one last time, I was crying again.
Glaiza: "I love you so much."
She said, feel na feel ko ang pagkakasabi niya noon, dahil tumagos sa puso ko.
Me: "I love you too so much!"
Then nag goodbye na sya sakin at pumasok na sa loob.
I held my breath while seeing her leaving me behind. Parang gusto ko syang sundan, at magmakaawa na wag ng tumuloy, dahil hindi ko kaya. Pero mas pinili ko magpakatatag para sa relasyon namin.
Nang mawala na sya sa paningin ko, saka lang ako bumalik sa sasakyan, at doon umiyak ng umiyak.
It took me 30 minutes to calm myself. Saka ko nakita ang eroplanong lumipad sa taas. Alam kong nakasakay sya roon.
Kaya I wave goodbye to the sky. And nagdrive na ako pauwi sa bahay nila Glaiza para sabihin na nakaalis na sya.
Siguro, one or two days from now, kukuha ako ng yaya para may kasama ako sa bahay. Nasanay na kasi ako na si Glaiza palagi ang kasama. Baka maloka ako pag mag isa lang ako.
Pagdating ko sa bahay nila Glaiza, I told them na nakaalis na sya. And her mama hugged me tight. She's so sweet.
We eat lunch, kasama ang friends nya, dito sa bahay nila at pagkatapos nagpaalam ma kami para umuwi.
Uuwi muna ako sa bahay tapos mamaya doon muna ako sa bahay ng parents ko. Para makapaghanap ng yaya, baka yong mga kasambahay namin doon, may kakilala na pwedeng pagkatiwalaan diba?
Hay ngayon palang, miss na miss ko na si Glaiza.
BINABASA MO ANG
Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..
FanfictionRhian-The New Teacher Glaiza-The Student Chynna and Katrina-Glaiza's friend and classmate Solenn-Rhian Co-teacher This is a fanfic story of Glaiza and Rhian. Nagawa ko ang story ko through my imagination and love for Rastro. I hope you enjoy readi...