GLAIZA POV
Ngayon na ang araw ng pag uwi ko sa Pilipinas. Sobrang excited na ako.
Inayos ko na ang mga gamit ko, at syempre, nagpaalam na kay Grandma, tapos hinatid ako na Lovi papunta sa airport. Such a sweet friend. Diba?
So yon, matapos kong magpaalam sa kanya. Pumasok na ako sa airport at naghintay na tawagin ang flight ko.
I told my parents na darating ako ako bukas and they were so happy. Ako rin sobrang happy ako, dahil makakasama ko sila pati na si mine.
Finally, makikita ko na sya at maaayos ang nangyari samin.
After a few minutes, tinawag na ang flight ko. Excited akong naglakad papunta sa eroplano.
Yes! I'm going home.
Nakaupo ako sa tabi ng bintana, kaya kitang kita ko ang pag angat ng eroplano.
Goodbye for now, L.A.
Nag eenjoy ako sa kakapanood sa labas ng bintana. Habang iniisip ang mga gagawin pagdating ko sa pilipinas. Ang gagawin ko, para kay Rhian.
Syempre, kailangan mag effort talaga ko, kasi grabe ang tampo sakin noon, kailangan kong makabawi.
Dahil malayo pa ang byahe ko, natulog na muna ako.
Pagkagising ko, lumilipad pa rin kami, kaya natulog ulit ako.
At nagising ulit ako, pero this time sumisikat na ang araw, umaga na pala. Ibig sabihin, malapit na ako sa Pilipinas.
Di nga nagtagal, nag announce na, na nasa Pilipinas na kami.
Walang pagsidlan ang kasiyahan sa puso ko. Nang makababa na ako ng eroplano at nang makapasok na ako sa airport, nakita ko ang parents ko na naghihintay sakin sa labas.
Tumakbo ako papalapit sa kanila at niyakap sila ng mahigpit.
Mama: "Welcome home anak. Namiss kita."
Papa: "Miss na miss na kita anak."
Me: "Namiss ko rin po kayo. Tayp na sa bahay."
Naglakad na kami palabas ng airport at sumakay sa taxi.
Habang nasa taxi kami, syempre, nag uusap usap kami nila mama. Matagal din naming di nakita ang isa't isa eh.
Okay naman yong pag uusap namin eh. Tapos imabot sa time tungkol na kay Rhian ang topic. Nahalata siguro ni mama na may problema kami.
Mama: "Anak, kung may problema kayo, ayysin nyo, kasi sayang naman ang relasyon nyo. Ang tagal nyo na anak."
Me: "Oo nga po eh. Kaya nga rin po ako nandito para ayusin ang problema namin."
Mama: "Mabuti yan anak."
Tapos yon, nakarating na kami sa bahay.
Napangiti ako ng sobra ng makita ko ang improvement dito sa bahay, ang nagawa ko, ang pinaghirapan ko.
Malaki na ang bahay namin, at sila mama at papa ay pinag negosyo ko nalang para hindi na sila nagpapakahirap sa pagtatrabaho sa ibang tao. Diba?
After noon, nagpaalam muna ako sa parents ko na pupuntahan ko si Rhian. Pumayag naman sila, syempre, malakas si Rhian sa kanila eh.
So pumunta muna ako sa flower shop to buy bouquet of roses and a chocolate cake, para malaman nya na ako ang nagpapadala ng rose at cake araw araw. Diba? Ngayon na ang rebelasyon.
So yon, pumunta ako sa kanila. Pagkababa ko ng sasakyan, I was smiling, kasi nandito na ako sa bahay na tinitirhan ko dati. Bahay namin ni Rhian. Ang mga memories namin dito, sobrang dami. At sobrang saya sa pakiramdam na isipin at balik balikan.
I knock on the door at binuksan ito ng isang babae. Naka uniform sya, kaya alam kung sya yong kasambahay ni Rhian.
Me: "si Rhian?"
Lumingon ang babae para tawagin si Rhian, and that's where I saw her hugging a girl, na alam ko na katulad ko rin, isang lesbian.
Nakaramdam ako ng sakit sa puso, I feel betrayed.
She look at my direction, and she was shocked to see me standing at her door and crying.
Lumapit sya sakin and she hugged me.
Rhian: "Glaiza, You're here."
Parang casual lang kaming magkakilala sa pagkakasabi nya ng ganon. Ang sakit sakit lang!
Me: "Yeah, actually paalis na rin naman ako. I just came by to say that I'm really sorry for what I've done, and I want you to have this. You're favorite flower and cake. Everyday, I let my friends give you a rose and a cake, for you to remember me. Pero mukhang hindi mo na yon maaalala dahil iba na ang pinagkakaabalahan mo."
Tinanggap nya ito.
Rhian: "It's not what you think it is, about us."
Me: "Aalis na ako."
Rhian: "Glaiza please."
Hindi ko na sya pinakinggan, tumalikod na ako at naglakad pauwi.
It hurts a lot.
Kaya naman pala hindi sya nagrereply sakin at hindi nya sinasagot ang tawag ko, dahil busy na sya sa ibang tao.
Ang bilis naman nya akong nakalimutan. Ang babaw lang ng nagawa ko, pero ganito na ang nangyari samin? Ang sakit lang.
Five years, five years na kami, pero bakit parang hindi nya manlang naramdaman yon. Hindi manlang sya nasayangan sa matagal na panahong iyon.
Naramdaman ko ang paghabol nya sakin kaya binilisan ko ang lakad ko. Pero naabutan nya pa rin ako.
I was crying so hard.
Rhian: "Hear me out. Please."
Me: "Ano pa ba ang dapat kung pakinggan sayo? Kitang kita na ng dalawang mata ko."
Rhian: "Mali nga kasi ang iniisip mo."
Me: "Kagaya ng nangyari noong pumunta ka sa L.A? Na mali din ang inisip mo sakin o baka naman sinadya mo talaga itong gawin para makaganti sakin?"
Sinampal nya ako. Wow! Ngayon nya lang ako nasaktan physically.
Rhian: "Kailanman hindi ako nag isip na gantihan ka sa ginawa mo sakin. Hindi ko naisip yon eh. Ang kailangan ko lang ay ang personal kang maghingi ng tawad sakin para makita kong nag eeffort ka, na nagsisisi ka sa nagawa mong mali sa relasyon natin."
Me: "Do you think maniniwala ako sayo na wala lang kayo ng lesbian na yon?"
Rhian: "Wala nga."
Me: "I don't believe you."
Rhian: "Glaiza naman. Ano ba? Nandito ka ba para ayusin ang relasyon natin o para dagdagan ang problema natin."
Me: "Akala ko nga nagpunta ako para ayusin ang sa atin, pero mukhang wala ng dapat ayusin. Dahil may iba ka na. Kahit ideny mo pa, hindi ako maniniwala sayo."
Rhian: "Ang babaw naman ng tingin mo sakin Glaiza. Hindi ko na alam ang gagawin sa relasyong ito."
Me: "Ako rin, nakakapagod na Rhian. Nakakapagod na, para tayong mga bata na naghahabulan."
Rhian: "Siguro mas mabuti pa kung....."
Me: "Kung ano? Maghiwalay tayo? Yon ba ang gusto mo?"
Rhian: "Hindi ko gusto na maghiwalay tayo, pero tingin ko, mas mabuti ito. Para mahanap mo ang sarili mo. Ang layo mo na sa dating Glaiza na nakilala ko. Parang hindi na kita kilala."
Me: "So yon nga talaga ang gusto mo. Sige, pumapayag ako. Goodbye, Rhian."
Rhian: "No Glaiza. Please."
Me: "It's over."
Pareho kaming nagulat sa sinabi ko, pero paninindigan ko ang nabitiwan kong salita, dahil nakakapagod na.
Hindi na ulit sya nagsalita, pero umiiyak sya. Tumalikod na sya sakin, kay ganon na rin ang ginawa ko. Naglakad na kami palayo sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Love me, Teacher! -RASTRO Fanfic Story..
FanfictionRhian-The New Teacher Glaiza-The Student Chynna and Katrina-Glaiza's friend and classmate Solenn-Rhian Co-teacher This is a fanfic story of Glaiza and Rhian. Nagawa ko ang story ko through my imagination and love for Rastro. I hope you enjoy readi...