Chapter Fifty one.
Samantha Angeles
"Pasmado ka na! Bakit ka kasi nagpapaka pagod? Sinabi ko naman sa'yo na maglaan ka ng oras para magpahinga. Tsk,tsk!"
Pinisil ni Jungkook ang ilong ko at pinang-gigilan.
"Hahaha yes boss." Sabi nya at nagulat nalang ako ng maghubad sya sa harapan ko.
"Omg!" Agad akong napatakip ng mukha ko.
Omg, omg, OMG! ANO BA! BAKIT BA GANITO 'TONG SI JUNGKOOK?!
hindi ko maiwasan ang mamula.
"Jungkook ano ba! Mag bihis ka nga!" Suway ko.
"Ay! Sorry.." Sabi nya kaya umiwas naman ako ng tingin.
Maya-maya ay naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko na nakatakip sa mukha ko.
Pag-alis ko ng kamay ko sa mukha ko ay nakita ko sya sa harapan ko na naka damit na.
Sht. Ang angas walanyaaaa!
"I'm sorry." Paghingi nya ng sorry kaya naman tumango ako.
"Sa susunod huwag mo nang uulitin!" Sabi ko tapos umiwas ng tingin.
Pero pilit nyang hinuhuli ang tingin ko kaya naman nagpa-patintero ang mukha namin.
"Jungkook ano ba!"
"Bakit?"
"KINIKILIG AKO!"
O.O
hindi sya nagsalita at tinitigan lang ako.
"Bakit ba ang cute mo?" Sabi nya sabay titig pa sa akin.
"Ayan ka na naman.."
"Bakit? Hindi mo ba alam na kinikilig din ako kapag kinikilig ka sa'kin?"
Asdfghjkl pwede na bang magpakamatay sa kilig?!
"Sus," pakipot na sabi ko.
Medyo sumeryoso ang mukha nya tapos hinawakan nya ang baba ko para mai-harap nya ang mukha ko sa kanya.
"Ang lakas mo naman kasing magpakilig.." Sabi ko habang naka pout.
"I know. Well, hindi lang naman ikaw ang kinikilig sa'kin pero sabihin mo lang na ako lang ang kinakikiligan mo, kuntento na 'ko."
Napataas ako ng kaliwang kilay ko bago sumagot.
"Okay. Sa'yo lang ako kikiligin." At ngumiti ako.
Ayan na naman sya sa pa ngiti-ngiti nya ng parang bunny.
"Yown. Tara na?" Sabi nya at naglakad na kami papunta sa iba pang Bangtan.
Nandito kami ngayon sa tagaytay para mag picnic.
Nandoon ang ibang Bangtan na busy sa pag iihaw ng karne.
Alright, hindi sila sanay sa ganito pero dahil inimpkuwensyahan ko, ginagawa na nila.
Naglakad-lakad kasi kaming dalawa ni Jungkook nang sermon-an ko sya.
Ba naman, sabi ko huwag magpaka pagod ayan nag a-ala superman na handang iligtas 'yong pusa sa puno.
"READY na ba?" Tanong ni Jungkook nang makarating kami sa puwesto namin.
"Malapit na! Kung tumutulong ka kaya?" Sabi ni Jhope na ngayon ay todo paypay.
"Hahaha! Oo nga." Dagdag naman ni Jimin.
"Hahaha ito na nga e." At dali-dali nang lumapit si Jungkook doon pero bago sya lumapit ay sinenyasan nya nya muna ako.
Ngumiti naman ako sa kanya na sinasabing 'Sige tumulong ka na.'
Dumiretso naman ako doon sa sapin namin at inihanda ang mga plato at chopsticks na nasa basket.
Habang nagliligpit ako ay nilapitan ako ni Taehyung.
"Wait, tutulong ako." Sabi nya at dali-daling inabot ang basket para mag-ayos din.
Ngumiti ako sa kanya at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
Ang saya ng araw ko ngayon. Nasingit namin ang gala na'to dahil sabado naman.
Palagi kasing nire-request ni Jhope ang gumala simula pa no'ng una ko silang makilala.
Habang nag-aayos kami ng mga gamit ay biglang nagsalita si Jhope.
"Wohoo! Pupunta raw si IU dito.."
O.O
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
Napatingin kaagad ako ng mabilis kay Jungkook sa narinig ko.
Binigyan ko sya ng Ano'ng-ibig-sabihin-no'n-look
Halata ring nagulat si Jungkook agad na nag protesta.
"Ah.. H-hyung.. S-sabihin mo muna na h-huwag na muna.." Halatang hindi mapakali ang pagsabi ni Jungkook ng mga salita.
"Bakit?" -Jhope.
Nakatingin parin ako kay Jungkook at parang sinusuri ang mga salitang sasabihin nya.
I cleared my throat atska sumingit sa usapan.
"Bakit daw pupunta si IU?" Masungit na sabi ko.
Bakit pupunta 'yang bruha na 'yan ha?! Epal lang?
"Gusto daw sumama sa bonding natin." -Jhope.
Binalik ko naman ang tingi ko kay Jungkook at parang binabalaan sa mga nangyayari.
Subukan mo lang papuntahin dito 'yang IU mo..
"Ako na ang magte-text sa kanya, hays," sabi ni Jungkook na ikina ngisi ko naman.
Good. Makuha ka sa tingin!
Ayaw ko ngang makita 'yang IU na 'yan tapos pupunta pa dito?!
Tss. Panira sya sa moment!
~•|•~
Vote and Comment!
=)
BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
Random•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.