Chapter 6

3K 134 4
                                    

The whole week na wala si Sam ay si Adam ang lagi kong kasama. Nakasanayan ko na rin ang presinsiya nya hatid sundo nya ako bilin daw mi Sam. Habang tumatagal na kasama ko sya hindi ko na naramdaman ang pagitan ng edad namin, pakiramdam ko nga magkapareho lang ang level ng pagiisip namin hindi ko alam kung ako ba yung nag mature na ng husto dahil sa kanila ni Sam o sya talaga yung isip bata.

Dahil sa pagiging sobrang malapit namin sa isat isa, marami na ang naniniwala  na boyfriend ko nga sya, marami ang kinikilig pero may mga nagtataas din ng kilay.

Nakakapagtaas din naman talaga kasi ng kilay kung ang simpleng service crew ay magiging boyfriend ng isa sa mga boss at stock holder ng pinagtatrabahohan nyang kompanya.

Pero wala akong pakialam as long as alam ko sa sarili ko ang totoo na best friend sya ni Sam kaya best friend ko na rin sya yun lang.

But something inside me is battling with my mind.

Yun lang ba talaga.?

Weekend.

Tapos na ang shift ko at yun na rin ang huling araw ko sa supermarket, next week sa department store na ako.

"Samantha anong plano mo mamaya.?" Tanong sa akin ni  Nicole.

Naka close ko na rin kasi ang apat na girl na kasamahan ko.

"Mamaya..? wala naman. Bakit.?"

"Sama ka sa amin mag bar."

Napaisip ako. Isang linggo na nga pala ako sa Pilipinas pero hindi pa ako nakakapag unwind man lang pagkadating ko mula sa states trabaho na agad ako, at yung pagpunta ko sa S&A bar para puntahan si Sam hindi ko naman yun kinokonsedera na pag a unwind.

"Why not."

Natuwa naman ang apat.

"Great... saan tayo.?" tanong ni Josephine.

"S&A tayo." Sabi ko yun lang kasi ang bar na pwede kong puntahan na alam kong papayag si Sam.

"Hala ang mahal dun at ang sosyal hindi namin kerebels dun te... sa bar sa tabitabi lang tayo."

Natawa ako sa sinabi nya.

"Treat ko." Sabi ko.

"Seryoso."

Hindi makapaniwala ang tatlo.

Hindi pa kasi nila alam ang totoo kong pagkatao, iilan pa lang ang nakaka alam at karamihan sa kanila yung mga nasa admin kasi doon ako madalas tumambay sa opisina ni Adam. At doon nga ako papunta ngayon.

"Yes seryoso ako, isasama natin si Adam para makalibre tayo, kasi isa sya sa may ari ng S&A"

Nanlaki ang mata ng tatlo.

"Talaga.?"

"Oo magkasusyo sila ng daddy ko."

Biglang natahimik ang tatlo.

Pagtingin ko sa kanila nakatingin din sila sa akin na tila ba may sungay na tumubo sa aking ulo .

Muntik ko ng masapak ang sarili ko.

Bakit ba nawala sa isip ko, masyado kasi akong excited na makita si Adam.

Okay I think its the right time na malaman na rin nila ang totoo, kaibigan na rin kasi ang turing ko sa kanila, ayaw ko namang isipin nila na niloko ko sila.

"Okay close na naman tayo di ba.?" Tanong ko sa kanila.

Magkakasabay silang tumango.

"Marunong naman kayong magtago ng sekreto di ba.?"

Magkakasabay uli silang tumango.

"Lets go may pupuntahan tayo."

Sumunod naman sila sa akin alam kong marami silang gustong itanong pero sinabihan ko sila na mamaya na lang magtanong kasi maraming tao.

"Hala bawala tayo dyan.?" Sabi ni Nicole ng makitang nasa tapat kami ng private elevator.

"Trust me." Sabi ko sa kanila sabay ngiti.

Itinapat ko ang kamay ko sa scanner at umalinaw ngaw na naman ang mechanical voice na nagsasabi kung sino ako.

Lalong nanlaki ang mata ng dalawa.

Wala sa kanilang nagsalita hanggang sa makarating kami sa 18th floor. Kulang na lang mamutla sila at himatayin sa nerbiyos.

"Samantha anong ginagawa natin dito.? baka mawalan tayo ng trabaho nito." Parang gusto ng maiyak ni Josie sa takot.

Seriously ano bang tingin nila sa Admin office pintuan sa papunta sa hell.

Kulang na lang ay hilahin ko sila papasok sa loob ng opisina ni Sam, kaya naman pinatitinginan na kami ng ilang empleyado. Kahit kaylan talaga hindi nawawala ang Uzi.

"They are my friends." Nakangiting sabi ko sa mga Uzi.

Ng makapasok kami sa loob ay nagsipagsik sikan sa gilid ng pinto ang apat.

"Hey relax okay... hindi po kayo hahatulan ng kamatayan." Pagbibiro ko sa kanila to lighten the mood.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito sa opisina ng CEO.?" Si Andrea na namumutla na.

"Maupo nga kayo." Natatawang sabi ko sa kanila.

Para naman silang mga batang sumunod, magkakatabi silang naupo sa mahabang couch.

Nailing na lang ako sa hitsura nila.

Naupo ako sa swivel chair ni Sam.

Pinindot ko ang intercom.

"Yes maam."Sagot ng receptionist sa harap ng office ni Sam.

"Can you please bring us something to drink coffee for me and juice for my 3friend here."

"How do you prefer your coffee maam.?"

"With cream and low sugar please."

"Right away maam." Magalang na sabi ng receptionist.

I don't like this kind of act yun bang ipinapakita mo yung authority mo over other people, kaya lang sa mga tulad namin sometimes we need to do it para ipakilala yung totoong pagkatao namin not to boast but to stand on our ground na kung saan wala akong choice but to accept the reality of who i am the heiress of CGC and the only daughter of the bussiness tycoon Samuel Collin.

Yes Samuel Collin is my Dad. Pero mas gusto nyang tawagin ko syang Sam at mas gusto nyang ipakilala ko syang man of my life kaysa father.

Papano nangyari yun.

He have me when he was 16.

Sya ang tunay na bagito ang batang ama.

But he did everything to be a good father to me and a best friend as well.

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon