Ang Simula
Tinanghali na ako ng gising,
Kaya late nanaman ako
makakapasok nito.Binilisan ko nang mag ayos ng sarili ko at pumasok na, sakay ang bike ko.
Nang makapunta na ako sa likod ng school namin, kung saan ako palaging lumulusot para hindi mahuli na late na ako sa klase.
Tumungtong ako sa isang kahoy at sinubukang umakyat sa bakod,
Nang may biglang humawak sa kamay ko at tinulungan akong umakyat.Tumingin ako doon sa lalaki at mukhang transferee siya dito.
Pag baba na pag baba ko,
May biglang sumigaw;
"Tumigil kayong dalawa diyan!""Tara na." Sabi ni kuyang tumulong saakin umakyat at hinila ang kamay ko patakbo.
"Baka mahabol nila tayo!" Sabi ko sa kanya.
"Hindi yan! Hahaha." Sagot niya naman.
Takbo lang kami ng takbo nang may nakita kaming isang maliit na lusutan at pumasok doon.
Pag pasok namin, narinig namin na dumaretso lang sila ng takbo, at hindi kami nakitang lumiko dito.
Nang may nakaamoy ako na mabaho, tambakan pala dito ng mga basurahan. Kaya naman pala ang baho.
"Sabi ko sayo, Hindi nila tayo mahahabol eh." Sabi niya at napansin niya akong masusuka na.
"Ayos ka lang---" Hindi na niya naitapos ang kanyang sasabihin dahil nasukahan ko na ang uniform niya.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Maling Akala
Teen FictionDedicated to; "The Teenage Psychic" series. ♡ Enjoy reading guys!