Chapter Thirty-Two

0 1 0
                                    

Sabay kaming pumasok pero kahit mag-asawa na kami hindi kami yung tipong PDA. Alam na din sa school na kasal na kami at yung absent's namin na halos two weeks okay na dahil inayos na nila Kenjie -- dapat lang anu pang silbi niya --.

" President, tawag ka sa faculty  " tawag nung isa kong classmate -- hindi ko siya kilala --

Pumunta ako agad sa faculty at hinanap si Ms. Halley Mao, hindi daw siya makakapasok sa klase namin ngayon dahil may importante daw siyang gagawin at kahit daw yung iba pa naming prof. ay hindi makakapasok kaya ibinilin nalang nila sakin yung section namin.

Bumalik din ako agad sa room at pagbalik ko parang mga batang nakakagulo sa room dahil lang sa pakikipaglandian ni Ayla sa Asawa ko.

" Ano? aalis ka sa upuan ko o kakaladkarin pa kita?? " tanong ko sa kanya, tumayo naman siya agad at bumalik sa upuan niya.

" Classmate may goodnews ako sa inyo, hindi tayo mapapasukan ng mga prof. natin ngayong araw " sabi ko at nag ingay nanaman sila.

" wag kayo magdiwang dahil kahit hindi nila tayo papasukan ay hindi pa din tayo pwedeng umuwi, pwede nyo gawin ang gusto nyong gawin pero--- wag kayo maingay "

Nagtipon agad yung mga classmate ko at nag simula nanamang magkagulo.

" so kamusta honeymoon? " si Chelsie, nakakatawa yung ngiti niya parang ewan.

" okay lang " sagot ko at kinuha yung librong regalo sakin ni Eleven -- regalo niya nung kasal namin ni Naru, actually  maganda yung libro kaya kahit makapal masarap basahin --

" how's the first night? " pabulong niyang tanong sakin at tumawa pero binatukan ko lang siya -- " hey that's hurt --

" ewan ko sayo baliwag ka talaga "  sagot ko at binuksan yung libro sa pahina kung saan ako natapos magbasa.

" ginamit mo ba yung regalo ko sayo? " tanong niya ulit -- yung regalo niya kasi sakin is red and black night piece, nakita nga ni Naru yun at napagkatuwaan --

" sira hindi at hindi din namin ginawa yung iniisip mo " sagot ko sa kanya

" awww how sad the first night " sabi niya tumawa tawa pa.

Pinagpatuloy ko yung pag-babasa ko, minsan minsan ko din pinapatahimik yung classmates ko pag sumosobra sila sa ingay. Hinahayaan ko naman si Naru na i-entertain yung mga classmates naming usesero at usesera -- wag lang silang magkamali na landiin yan patay sila sakin, sa dami ng iniyak ko mamatay na mang-agaw sa asawa ko --

" President, laro tayo spin the bottle " aya sakin nung clasmate ko -- still hindi ko pa din kilala -- tumango ako sa mga nakatingin sakin kaya inayos nila yung upuan namin nang pabilog.

" sige mechanic's  ng game natin is pag yung may cap ang tumapat yun ang taya at pag yung bottom part naman is ikaw ang responsible na mag-tanong o mag-utos so game na " paliwanag nung Ex- president namin -- I think Allia yung name niya --

" GAME!! WHOOO!! " sigaw nung mga classmates ko.

Si Allia yung taga spin kaya madaya excempted siya sa Truth or Consequence.

" ELEVEN!! "  everyone  except  me exclaimed

" Truth nalang " sagot ni Eleven at ngumiti

" so sinong crush mo sa room? " tanong nung katapat niya -- kinikilig naman ang bruha --

Tiningnan ako ni Eleven kasunod ng tingin ng classmates namin tska ulit tumingin sa katapat niya at ngumiti.

" ikaw, ikaw ang crush ko " sagot niya -- parang ewan yung mga clssmates namin lalo na mga babae -- then nag spin pa ng isa at kay Ayla naman tumapat -- consequence  yung pinili niya.

"  We all know na gustong gusto mo si Naru at Kisha please for fun lang naman Can Ayla kiss Naru kahit sa cheeks lang please " pakiusap saking nung nakatapat ni Ayla -- if I know sinasadya nila yan --

" Sige pwedeng ikiss ni Ayla si Naru " tuwang tuwa naman ang bruha -- kainis -- at lumapit pa agad kay Naru.

" pero dapat hindi sasayad yung lips mo sa cheeks niya " pahabol ko

Natigilan ang lahat na nakatingin sakin at kay Ayla na nasa likod ni Naru.

" panu yun?? " tanong nung friend ni Ayla.

" slow lang?? that means Kisha don't  want the consequence  of Ayla " sagot ni Chelsie -- nakss sumasagot na si Chelsie ahah nahahawa ata sa kagandahan ko XP --

" let just stop this nonsense  game " sabi ko at tumayo na ko sa table ko para ayusin.

" Anu bang problema mo? " mataray na tanong sakin ni Ayla.

" wala naman bakit? ikaw meron? " sagot ko sa kanya.

"  alam mo hindi ka naman ganyan dati eh, ang tahimik mo nga lang at ayaw makihalobilo eh " sabi niya pa.

" hindi pa din naman ako socialize person ah kayo nga lang na mga classmate ko ang sinasamahan ko ah " sagot ko sa kanya

" you're  making a bitch " sagot niya kaya tinaasan ko sya ng isang kilay.

" ano naman sayo, remember Ayla fellings fade and people change hindi mo alam ang nangyari sakin noon at wala kang karapatang sabihin sakin kung sino ako ngayon " sagot ko sa kanya at hinarap ko yung classmates namin

" Umuwi nalang kayong lahat, ako nang bahala sa mga prof natin if ever they ask why we left " sabi ko sa kanila, Umalis naman sila. Inaya ko na din umuwi si Naru kasama namin umuwi sila Eleven, Kenjie, Jeric, Adrian at Chelsie sa bahay namin.

Nagprepare ako ng Sandwich at juice para may makain kami sa bahay, nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano.

" Kisha bakit pagdating kay Naru masyado kang sensitive? " tanong sakin ni Jeric

" wala natatakot kasi ako na baka maagaw siya sakin ng iba " sagot ko

" mahal na mahal mo talaga ako MOO " Yumakap sakin si Naru at hinalikan ako sa pisngi

" Naku madami lang umaaligid dyan pero tiwala lang Kisha walang makakaagaw diyan sayo, mahal na mahal ka niyan eh " si Kenjie

" dapat nga si Naru ang matakot e " si Eleven

" bakit? "tanong ko

" kasi ang daming dumadamoves sayo "

" madami ngang dumadamoves taob naman din agad " si Chelsie

" wala pang strike three out na sila agad ahaha " si Adrian at nagkatawanan kaming lahat...

My One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon