Chapter Thirty-Six

3 0 0
                                    

NARU POV

" AYAW!!  " parang bata si Kisha, aalis kasi kami ngayon yung mga maletang naabutan niya sa bahay gamit namin yun inayos ko para pag gising namin ni Kisha mag-aayos at aalis nalang kami.

" sinabi ko na kila Daddy at sabi ni Daddy okay lang daw kasi si Adrian na daw ang bahala sa company  beside isipin mo magbabakasyon lang tayo kila lolo " pilit ko parin sa kanya.

Kilala ko na ang asawa ko at kaunting lambing lang sa kanya papayag na yan. Mga dalawang oras ko siya pinilit at isang oras ko siya nilambing at pumayag na siyang pumunta kami sa China.

After ng apat na oras na byahe sa eroplano nandito na kaming China. Sinalubong kami ni Eleven at nag umpisa nanaman sila ni Kisha ng bangayan.

" APO !! " sinalubong kami ni Lolo, ang ganda parin ng bahay ni Lolo kahit luma na -- " siguradong pagod kayo sa byahe, umakyat na muna kayo sa kwarto niyong mag-asawa at

magpahinga bukas na tayo mag kwentuhan --

Umakyat na kami sa kwarto namin at inayos yung mga gamit namin.

" puro pinoy kasama ni lolo dito? " tanong ni Kisha

" malaki kasi tiwala ni Lolo sa mga Filipino " sagot ko at itinabi yung maleta namin.

Tumabi din ako sa kanya sa higaan namin at katulad ng lagi kong ginagawa niyayakap ko siya ng maghigpit at hinahalikan siya sa collar niya then sa lips at matutulog na kami -- hindi ko naman siya pinipilit pag alam kong pagod siya marunong naman ako makiramdam at isa pa mahal na mahal ko si Kisha at ayokong nagagalit siya or something man --

Pag-gising ko wala si Kisha sa tabi ko kaya bumaba ako agad at nakita ko sila ni Lolo na nagtsatsaa malapit sa mini pond ni Lolo.

" Apo halika maupo ka at mag tsaa tayo " imbita sakin ni Lolo pero lumapit muna ko Kisha at kiniss siya sa cheeck tska naupo sa bakanteng upuan.

" Mag dadalawang taon na kayong mag-asawa at matanda na ko at sakitin, gusto ko sanang bigyan niyo na ko ng Apo " sabi ni Lolo

" Lo bibigyan naman po namin kayo at tsaka Lo wag na nating pag-usapan yan " sagot ko -- ayaw kasi ni Kisha ng ganitong usapan --

" osige pero mas maganda sana kung maaga niyo ko bibigyan " sabi ni Lolo at pumasok na sa loob ng Bahay.

" Ang kulit ni Lolo " sabi ni Kisha --  " nung nasa pilipinas siya ganyan na sinasabi niya pati ba naman dito "

" matanda na kasi si lolo " sagot ko at tumabi sa kanya -- kung napapansin niyo ako lagi ang lumalapit sa kanya, ahah mahal ko eh ganyan talaga -- " tsaka ginagawa naman natin eh baka lang --"

" no, wala sakin ang problema " putol sakin ni Kisha

" lalo naman sakin "

" what do you mean? " tanong niya at lalong naningkit yung mga mata niya.

" mamasyal tayo " sabi ko nalang at parang bata namang nagmamadaling gusto na gumala ang asawa ko.

Dinala ko si Kisha sa mga lugar na madalas namin puntahan dati ni Eleven. Kumain din kami sa mga tent house sa tabi ng kalsada. Maggagabi na din nang umuwi kami at tulog na din si lolo.

Paggising ko wala nanaman si Kisha sa tabi ko kaya bumaba ako agad para hanapin siya.

" grabe ANG PANGET MO!! " narinig ko si Kisha

-- sino kaya nanaman ang kausap niya --

hinanap ko kung saan nanggaling yung boses niya at nakita ko siya sa may treehouse.

" MOO!!  " tawag ko sa kanya, sumilip siya sa baba at pati na rin si Eleven.

" kala ko kung saan ka na nagpunta " sabi ko, bumaba naman na sila sa treehouse at pumasok din kami sa loob at kumain. After kumain nanuod kami ng TV.

* na na na na na na Panget Panget -- * ringtone ni Kisha, sinagot naman niya agad iyon

" ANO?!!, hindi pwede, uuwi na ko aayusin natin okay " sunod sunod na sabi ni Kisha sa kausap at umakyat sa kwarto namin sinundan ko naman siya at nakita kong nag-iimpake na siya ng gamit niya.

" anong problema? " tanong ko

" kailangan ko umuwi baka maghiwalay sila mommy at daddy " sagot niya at patuloy na inayos ang gamit niya. Kinuha ko na yung maleta ko at inayos ang gamit ko.

" anong ginagawa mo?  " tanong niya

" papayag ba ko na umuwi ka mag-isa " sagot ko sa kanya

" MOO sorry ah, hindi natin masusulit yung baksyon dito sa lolo mo "

" mas mahalaga ang pamilya " sagot ko sa kanya at kiniss niya ko sa cheecks.

After magempake tumawag siya sa airline para magpabook ng ticket. Lumabas na din kami.

" san kayo pupuntang mag-asawa " tanong ni Lolo

" kailangan po naming umuwi agad nagkaproblema po kasi sila mommy at daddy " sagot ni Kisha

" naku ganoon ba sige, sandali lang at sasama nalang ako sa inyo sa Pilipinas "

Kaya hinintay namin si Lolo.

" aalis ka? " tanong ko kay Eleven, may dala kasi siyang maleta.

" sasama kami ni Lolo, kakatawag ko nga lang sa airline eh " sagot niya at bumaba na din si Lolo.

Umalis rin kami agad sa bahay at nagpuntang airport.

My One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon