Chapter Thirty-Eight

1 1 0
                                    

Galing ako sa aking OBY. check up kasi namin ni Baby -- by the way 3 months na siya and his a boy --.

" Mam, sabi ni Sir wag daw po muna magpapasok sa opisina niya " harang sakin nung mahadera niyang secretary.

" AALIS KA SA PINTO?!! 0 KAKALADKARIN PA KITA AT IHUHULOG SA BUILDING NA TO??!! ANO?! TABI!! " -- kainis na babae to bawal nga ko mastress ginagalit naman ako --

Tumabi sa gilid yung secretary ni Naru kaya pumasok ako sa loob ng opisina ni Naru.

" Kisha..  " si Naru

" mga HAYOP!! " sigaw ko at hinila ang buhok ni Jessica.

Hindi niya ko sinamahan sa OBY. dahil busy daw siya at ngayon maaabutan ko siyang kahalikan ang malanding higad na..  GGGRRRRR!!

" MOO tama na " awat sakin ni Naru

" BITIWAN MO KO!! " sabi ko sa kanya, pag bitaw niya sakin ay sinampal ko siya at lumabas ng opisina niya at nakita ko yung secretary niya -- patay kayo sakin --

Umuwi na ko sa bahay namin at umiyak nang umiyak hindi ko naman kasi alam ang gagawin ko -- MAKITA MO ASAWA MO MAY KAHALIKANG IBA!!!  HUDAS!! --

Bumaba din ako sa mini bar ng bahay at kumuha ng alak at baso dumaan din akong kusina para kumuha ng yelo.

" KISHA makakasama kay Baby yan " saway sakin ni Demmy nang makita niya ko sa pool side na umiinom.

" hayaan mo nga ko, lumayas ka sa harap ko " sagot ko sa kanya at inubos yung laman ng baso ko. Nagsalin pa ko para inumin ko pero may kumuha sa kamay ko ng alak at baso.

" anong ginagawa mo dito? " tanong ko kay Eleven

" wala 3rd check up ni PangeT eh, tska ito oh ito ang inumin mo gatas " sabi niya at inabot sakin yung baso ng gatas.

" ayoko " sagot ko sa kanya at sinipa sipa yung tubig sa pool.

" IBABA MO KO "  sigaw ko kay Eleven nang buhatin niya ko at dalin sa kwarto namin ni Naru.

" matulog ka na " sabi niya at kinumutan ako.

" teka lang Eleven " pigil ko sa kanya nang tatayo na siya para lumabas sa kwarto.

Tiningnan niya lang ako at hinawakan yung kamay ko.

" dito ka muna, samahan mo kami ni Baby " ewan ko pero umiyak ako nang sabihin ko yun kay Eleven -- tumabi siya sakin at pinunasan yung luha ko --

" let him explain, you deserve to have his reasonable explaination "

" why pa?? eh nakita ko siya at yung babaeng yun maybe he dont love me anymore? kawawa naman kami ni Baby " sagot ko sa kanya pero this time binaon ko na yung mukha ko sa dibdib niya para umiyak nang umiyak.

" hindi ka nga maselan sa pagbubuntis para ka namang bata..  tssk tahan na Kisha .. he love's  you...  I love you tahan na matulog ka na " 

Paggising ko wala na si Eleven sa tabi ko pero pagbaba ko si Naru ang naabutan kong nagluluto at hindi si Demmy.

" kain na tayo MOO " aya niya sakin, hindi ko siya pinansin kinuha ko yung susi ng kotse ko.

" san ka pupunta " tanong niya ulit

Hindi ko siya pinansin umuwi ako sa bahay ni mommy nang walang dala. Sinabi ko din kay mommy kung bakit ako umuwi at sinabi ko din na ayokong umuwi sa bahay na yun. Tinawagan ko din si Chelsie para may maka-usap ako sa bahay -- Si Kuya Adrian kasi nakakainis pinababalik na ko sa bahay namin ni Naru tas kinampihan pa ni Daddy, Si mommy naman umalis --

" HALA!! is it real, baka naman nanaginip ka lang " sabi ni Chelsie nang malaman niya kung bakit ako nasa bahay nila Mommy.

" mukha ba kong nagloloko ha?? "

" nag usap naba kayo? "

" hindi at ayoko siyang kausapin "

" SIRA!! pano maayos to kung ayaw mo kausapin.. malay mo valid  naman yung reason niya..  kausapin mo na "

" no way highway, sa nakita ko do I need to hear another lie?? "

" Hay palamig nalang tayo sa mall ang init sa kwarto mo, kasing init ng ulo mo tara na  nga "

Nagpunta kaming mall at namili na din ng kaunting gamit para sa baby ko.

" aray " nabunggo ako nung babae.

" okay ka lang?? grabe..  HEY YOU, don't  you even think to say sorry?? "

" ow sorry now happy?? "

" aba bastus ka ah " sabi ni Chelsie at susugurin yung babae pero pinigil ko siya 

" ow hi Kish " napalingon ako dun sa babae at si Jessica pala -- ewan ko kumukulo ang dugo ko nakakainis..  nakukuha niya pang ngumiti peste --

" tara na Chelsie, ilayo mo ko dito " sabi ko kay Chelsie dahil baka kung ano lang ang magawa ko at baka makasama sa baby ko..

" you're  husband is such a good dam kisser " nagpantig yung tenga ko sa narinig ko kaya sinugod ko siya at nagsabunutan kami. Inaawat kami ng mga tao at may mga security guard na din na umaaligid samin.

" get away from me "  sabi niya at itinulak ako dahilan para mabunggo ako sa parang paso??  -- paso kasi may nakatanim na puno pero semento --

" OMAYGOD!!! KISHA" sigaw ni Chelsie nang duguin ako -- ewan ko nanginginig ako sa takot at umiiyak na din ako lahat nataranta nang duguin ako --

" ANONG GINAGAWA NIYO CALL AN AMBULANCE!!  " sigaw ulit ni Chelsie

" Baby ko Che " sabi ko, hinawakan niya yung kamay ko.

Pagdating ng ambulansya sinugod nila ko agad sa hospital. Tinawagan ni Chelsie si Eleven at sila Mommy.

" Bakit ka nandito?? HAYOP KA!! hmmmmnn lagot ka sakin pag may nangyaring masama sa baby ko " banta ko kay Naru at pinasok ako sa emergency room hindi ko na alam kung anong mga sumunod na nagyari pero pag-gising ko nasa tabi ko si Eleven at Chelsie.

" may masakit ba?? "tanong ni Chelsie sakin

" yung baby ko? " sagot ko

" okay lang sila " sagot ni Eleven

" huh? " tanong ko

" Fraternal twin " sagot ni Chelsie at bumukas yung pinto.

" Okay kana ba MOO?? "  si Naru, tumalikod ako sa kanya.

" Kisha lalabas muna kami ni Eleven " si Chelsie.

" MOO sorry sorry sorry kasalanan ko talaga. Dapat umpisa palang nilayuan ko na si Jessica,  sana hindi pa kayo napahamak sorry talaga "

" lagi naman ganito eh..  hihingi ka ng sorry tapos mamaya bati na tayo. Naru nakakasawa na paulit-ulit nalang " sagot ko

" MOO " tuningnan ko siya -- parang gusto niya na umiyak pero hindi niya lang malabas..  sobrang pula na nang mata niya.

" Naru space, I want Off "

" I'll give you space to Off sa bahay natin "

" ayokong makita ka " sagot ko sa kanya, nginitian niya ko nang pilit at lumabas sa kwarto.

My One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon