KISHA POV
" Kisha nakita ko si Naru, grabe ibang iba na yung itsura niya parang tumanda siya ng 5 taon " si Chelsie
Magkasama kami ngayon sa hospital 7 months na pala sila Baby -- Ang bilis ng panahon diba XD, excited na ko maging mommy. Si Naru ewan ko dun si Chelsie lang naman laging nakakakita dun eh --
" talaga "
" Bruha ka asawa mo yun tapos yan lang isasagot mo sakin, pwede namang kamustahin muna siya diba?? "
" eh para naman kasing walang pakielam samin si Naru ayaw niya magpakita samin " sagot ko
" eh pano nga magpapakita sayo, Malayo palang siya nagngangalit kana sa galit kung ikaw naman kaya ang lumapit siguradong matutuwa yun "
" ayoko nga ako babae ako pa lalapit anu sya sinuswerte "
" hay naku, ang hirap ng gusto mo kawawa naman si Naru.. hay umuwi na nga tayo "
" punta muna tayong mall bibili ko ng gamit yung baby girl ko "
Nagpunta kaming mall at namili ng maraming stuff para sa magiging baby girl ko..
" Kisha si Naru yun diba " turo niya sakin sa baby shoe section.
" bakit nandito yan? " tanong ko sa kanya
" alam mo Friend kung hindi ka lang buntis binatukan na kita, lapitan mo na kaya makipag-ayos kana para sa mga baby nyo "
" naku ako-- " ---- " ikaw ang babae, oo na paulit ulit ikamamatay mo ba ang pakikipagbati sa asawa mo?? " si Chelsie
" eh kasi " gusto ko sana siya sagutin pero wala na kong maisip na isagot sa kanya.
" hay naku go na ibaba mo na yang pride mo "
" umuwi na tayo " sabi ko sa kanya at hinila siya palabas ng boutique.
Hinatid muna ko ni Chelsie sa bahay namin tsaka siya umuwi.
Sa bahay isang linggo ako nagkulong at inaayos ang gamit ng mga baby ko.
" KISHA!! " narinig ko si Kuya Adrian na nagmamadaling umakyat sa kwarto ko.
" problema mo? " kunot noong tanong ko
" wag ka mabibigla ah " -- " ANO BA YAN??!! " medyo naiinis kong tanong ayoko kasi talaga sa lahat may pasuspense effect pa.
" si Naru "
" hay naku kung pipilitin mo kong bumalik sa bahay namin wag mo na ituloy "
" KISHA!! makinig ka nga muna si Naru PATAY NA!! "
" talaga edi mabuti " sagot ko at pumasok sa kwarto ko pero nun lang nagsink sa utak ko yung binalita niya sakin kaya binuksan ko din agad yung pinto.
" SI NARU!!? Hindi pwede " sabi ko.
Nagmamadali kaming pumunta sa bahay namin at ang naabutan ko lahat ng kaibigan at kamag-anak nila Naru.
Wala akong katawan na nakita kundi isang Jar lang na may katapat na picture ni Naru.
Paglapit ko sa harapan automatic na tumulo ang mga luha ko.
" 3 days siyang hindi pumasok sa opisina. Nag alala kami ng barkada tapos pagpunta namin dito sa bahay nyo nakita nalang namin siyang nakabulagta sa kama at hawak tong bote ng gamot na to " salaysay sakin ni Eleven at kinuha yung boteng ipinakita niya sakin.
" ito pa Kisha " abot niya sakin ng isang kahong malaki.
Binuksan ko yung kahon at nakita kong may dalawang sapatos ng baby at isang sulat.
BINABASA MO ANG
My One and Only
Teen FictionKahit ganong karami man ang babaeng umaligid sa kanya ako pari ang kanyang ONLY ONE...