Ikaw Lamang (ViceRylle & VhongAnne)

958 10 3
                                    

"I have a boyfriend. But I don't see myself having married with a man. Sa babae? I don't think so. Siguro. Tadhana nalang yata talaga ang magsasabi.Maghihintay ako. Ayokong maghanap. Baka mali pa ang mahanap ko."



"Omg! Narinig ko na 'yan! Saan nga ba 'yan, girl?!", seryosong sabi sa'kin ni Anne. "Girl hindi ko nakuha sa line 'yan. Ako talaga nagsabi niyan.", pagmamataray ko sa kaniya. "Ay sorry akala ko lang naman. Seryoso ka masyado. Hahaha! Nasaan na ba si Vhong? Wala pa ba sila?", hay nako. Halatang namimiss na niya ang kaloveteam niya. Paano ba naman kasi, kami nanaman ni Karylle ang magkasama. Tapos ininvite lang namin siya, malay ko bang mao-OP siya?


"Wala pa. Busy pa sila girl eh. Haha. Hay nako. I can't stop thinking about my future with someone na hindi ko pa kilala. O baka kilala ko na? Grrr ano kaya? Hay kasalanan ni Anne to e. Hahahaha!", paninisi ko. "Why me?!", ah at talagang seryoso siya ha! "Nothing."


"Siya nga pala. Diba magbabakasyon kayo nina Liz? Pasalubong ha.", UTUT MO Anne. "Hindi ko maipapangako.", panghohopia ko. "Hay nako kuripot ka naman talaga lagi! Nasaan na ba si K? Diba nandito rin 'yun? Tinatamad nanaman?", pang-uusisa ni ngangabu. "Ewan ko dun. Baka tumulog na rin sa taas. Dinamayan 'yung asawa niyang laging tulog. Hahahah!", patawa kong sabi.


"Oh wait. Hindi pa rin ba kayo okay ni Karylle?", tanong ni Anne. "Hindi naman kami nag-away eh. Sana lang hindi siya serious dun sa joke ko kanina. Haha!", sabi ko naman kay Anne. "Ikaw kasi! Para kang tanga. Sineryoso ka na nga kanina eh.", panenermon nanaman niya. "Hindi kaya! Joke lang kaya 'yun! Ako? Papatol sa girly? No way.", pagpapaliwanag ko.


"Hay nako girl. 'Yan naman ang hirap sa'yo eh. Lahat nalang, joke para sa'yo.", seryoso niyang sabi. "Teh naman. Hindi naman ganun. Seryoso naman ako kanina kay Karylle no.", bato ko sa kaniya pabalik. "Ayan nadulas ka rin. Hahaha!", sabay turo ni Anne sa mukha ko. "Oyy ha! 'Dun sa usapan namin kanina!", pasigaw kong sagot. "Palusot ka pa Viceral! Sasabihin ko kina Bully este Billy 'yan! Hahaha! Matutuwa si Jugs!", asar ni Anne. Ayaw ko nalang intindihin pero, "Hindi ah! Uy wag! Ehhhh!"


"Haha wala! Lagot ka kina Vhong!", pautut ni Anne. Narinig naman naming nagsalita si Karylle papalapit sa amin. "Haha! Ano 'yan, Vicey?" Kakagising lang siguro niya. "Karylle may sasabihin ako sa'yo."



"HAHAHAHAHA! VICEY! Na-convert na e?!"



Malakas na tawa ni Karylle. "ANNE! Uhm. Karylle listen. What I mean is that serious ako na joke lang yung sinabi ko kanina. Anne naman eh! Hindi ako ang 3rd converty mo K! Hahaha!", paliwanag ko.


Ewan ko rito kay Anne. Nababaliw na ata. Palaging ipinipilit ang mga bagay na hindi naman dapat. Luka 'to eh. Buong araw kaming inaasar ni Karylle sa isa't-isa. Hanggang sa...


"Guys, may asawa na 'ko.", seryoso niyang sabi. Bakit ko ba kasi sinasakyan si Anne sa pang-aasar kay Karylle tungkol sa'kin? Ang awkward tuloy. "At may mahal na rin akong iba.", sabi ko. Para naman hindi ako ma-OP.  "Ayun naman pala eh!", tawa ni Karylle. "Ewan ko diyan kay Anne. Hahahahaha! Oh well. Hindi natin siya masisisi. Masyado tayong bagay. ", pang-aasar ko nanaman.


"Oh! Nasaan na nga pala si Yael?", usisa ko. Palagi kasing kami ang magkasama eh. "Lumabas. May concert sila ng banda niya. Well, kailan ka ba hahanap ng babae?", usisa niya naman. Ano bang pumasok sa kokote nito? Haha! Ayan nanaman. Uulitin ko nanaman 'yung sinabi ko kay Anne kanina. "Ewan. Ayokong maghanap. By this time, aasa muna 'ko sa tadhana. Kapag may dumating, edi maganda. Kapag kasi naghanap pa ko, may tsansang mali 'yung
mahanap ko. Sana lang panghabang buhay na kapag sakaling may dumating nga."


"Paano ba 'yan, e hindi mo nga mapakawalan 'yang jowa mo.", sabay tawa niya sa'kin nang konti. "Papakawalan ko naman siya. Pero 'wag ngayon kasi ayokong malungkot. Paano ako makakapagpasaya ng ibang tao kung ako mismo, hindi masaya diba? Basta gusto ko mag-asawa nalang siya ng babae.", sagot ko. "Nandito lang ako.", naks naman Karylle! "Oh well thanks for always being there for me. Haay. Haha I can't stop thinking."


"Oh yes! Naglalandian na sila! HAHAHA!", sabay tawa ni Anne.


-


Natapos ang araw na 'yun. Nakauwi na kaming lahat. Tapos na Showtime. Bakasyon na! At siyempre. Hiwa-hiwalay kami nang isang linggo. Kaya naman sa group chat kami nagdadaldalan.


WeCHAT.

Vice : Gandang araw! Gumising na kayo! Tanghali na!

Karylle : Opo inay! Hahahaha!

Vice : Morning! Musta na bakasyon natin? Toroy Mrs. Yuzon na talaga siya! Hahaha!

Karylle : Okay lang Viceey! Ikaw?! Hahaha!

Vice : Keri lang din. Ang saya mo yata?

Karylle : Hahaha! Hyper lang!

Vice : Haha! Kumusta asawa mo? Naoffend nanaman ata sa mga anak natin.

Karylle : Siguro! Nagmana kasi 'yung mga anak natin sa'yo! Hahaha!

Vice : Hahahahahahaha! Wala eh! Mga witty! Lol!

Karylle : Hahaha lakas Viceral ah! Ang sensitive ng asawa ko minsan eh.

Vice : "Nagkamali ka lang na sinagot mo si Yael eh." Chos! Haha!

Karylle : Hahahah! Sino ba dapat sagutin ko?

Vice : Basta! Haha wala! Wala pala!

Karylle : Hahaha! Kung hindi ko sinagot si Yael, ikaw sasagutin ko.

Vice : Ewan ko sa'yo! Hahaha!

Karylle : Haha!

Vice : Pero paano nga kung niligawan kita? Sasagutin mo 'ko? May pag-asa tayo, ganern?

Karylle : Kung sa'yo, siyempre wala. Kasi diba sabi mo, kung magiging lalaki ka, ang liligawan mo, si Kaye Abad lang.

Vice : Hahahahaha! Nga naman...

Karylle : Kumusta sa HK?

Vice : Keri lang. Haha! Si Yael?

Karylle : Basta. Haha medyo boring ng konti rito. Wala kaming topic ng asawa ko. Hahaha!

Vice : So kayo lang dalawa ng husband mo diyan?

(biglang lumitaw si Anne)

Anne : Asus Vice! Gusto mo lang malaman kung may kasama ni Karylle para mapuntahan mo eh!

Vice : Timang ka! Nasa HK ako! Paano ko pupuntahan 'yan? Tumigil ka nga! Hahaha!

Karylle : Oo nga may wifey na 'yan.

Anne : Ayiee nagseselos! Hahah!

Vice : Ikaw Anne. Vicerylle baby ka? Ha? Hahaha!

Anne : Ah basta!! Haha!

Karylle : Hahaha!

Vice : Ano ba kayo?! Ano KA BAYO?!

Karylle : Buwahahaha! Havey 'yun, Vicey!

Vice : Sabi ko naman sa'yo Karylle eh. ;) Ikaw lang eh.

Anne : Ikaw kabayo diba?

Vice : Ikaw bunganga diba?

Anne : Atlist tao! E ikaw?

Vice : Tao ako! Mukha lang akong kabayo! Ikaw, tao ka rin! Natatakpan lang ng bunganga mo kaya di halata!

Karylle : Ayy?!

Vice : Bakit Karylle?

Karylle : Nakakainis kayo. Nao-OP nanaman ako. Lalo ka na Vice.

Anne : Anong pinag-uusapan niyo?

Vice : 'Yang bunganga mo! Trending eh!

Anne : Atleast nagtrend! Di tulad ng mukha mo! Nagtrend?! Kailan?

Vice : Ayokong isa-isahin! Baka umabot tayo ng Holy Week 2015.

Anne : Yabang mong kabayo ka. Haha!

Vice : Joke lang Anne I love you! Haha!

Anne : It's okay Vice. Kahit ano namang sabihin mo, hindi mababago ang kagandahan ko.

Vice : Okay lang din Anne. Kahit anong laki ng bunganga mo, hindi mababago ang ganda ko.

Anne : Omg girl nakakatawa joke mo! Hahahahaha!

Vice : Omg girl nakakatawa bunganga mo! Hahahahahah!

Karylle : -__________- Goodnight. Tutulog na 'ko.

Vice : Okay! Goodnight Karylle! Tulog na! Lamyu! Haha!

Anne : Ako rin tutulog na.

Vice : Ge.

Anne : Ay oh! Wala bang goodnight diyan, sis?

Vice : Ayoko. Goodnight-goodnight, nightmare ka! Hahahaha!

Jhong : (biglang litaw) Hoy matulog na kayo! Hahaha!

Vice : Haha okay cutiepie! Goodnight! Labyu!

Jhong : Goodnight din, cutiepie! I love you!

Anne : Ay ako, wala talagang goodnight?!

Vice : Wala. Matulog ka na.

Anne : Ah ganiyan ha!

Vice : Joke lang Anne I love you! Goodnight! Pakahimbing ka! Hahahah!

Anne : Haha goodnight sis!

Karylle : Tss. Tulog na.





"Goodnight Karylle. I love you."
...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw Lamang (ViceRylle & VhongAnne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon