http://www.phr.com.ph/https://www.preciousshop.com.ph/home/
http://www.booklat.com.ph/
1
NAKATAYO si Lani Contreras sa kitchen counter at nagbabalat ng mansanas. Para iyon kay Valtus. Nakasanayan na nito na matapos mag-ulam ng maanghang na pagkain ay kumakain ng mansanas o ng kahit anong prutas na makatas.
Ala-una na ng tanghali. Katulad ng maraming araw na dumaan ay wala siyang ganang kumain. Pero pinilit niyang kumain. Iyon ang pinakatamang gawin kung ayaw niyang mahirapan ang sarili. Kailangan niya ng lakas at sustansiya na magmumula sa bawat pagkaing isusubo niya.
Biglang nabitawan ni Lani ang hawak na kutsilyo at mansanas nang may mga kamay na sumaklit sa baywang niya at kumapa sa maseselang bahagi ng kanyang katawan. Kahit hindi niya ito lingunin, alam niyang iisang tao lang ang maglalakas ng loob na gawin iyon sa kanya. Natakot siya na nang tumalbog ang kutsilyo sa granite counter ay muntik nang tumusok sa kanyang tiyan. “V-Valtus, teka lang naman. May ginagawa pa ako-”
Nakagat na lang niya nang mariin ang kanyang labi nang maramdaman ang kahandaan nito sa kanyang puwitan.
Hinawi ni Valtus ang lahat ng bagay sa ibabaw ng kitchen counter bago siya nito iharap. Tumalsik sa malayo ang paring knife na ginagamit niya at gumulong ang mansanas sa granite floor. Sa isang kisap-mata ay hinaltak nito pababa ang kanyang panloob hanggang sa mahubad. Kusunod noon ay mabilis siyang inialsa nito sa kitchen counter. Marahas na pinaghiwalay nito ang kanyang mga tuhod. Napadaing siya sa sakit nang basta na lang siyang angkinin nito nang walang habas.
Wala pang limang minuto ay nakaraos na ito at niyakap siya nang mahigpit. At kahit anong gawin nitong pang-aalo sa kanya, hindi niyon mapapahupa ang pangit na pakiramdam na iniwan ng ginawa nito. Nang hindi siya mapatahan ay umalis na ito.
Umaagos ang luha sa magkabilang mata ni Lani habang inaayos niya ang sarili. Pinulot niya ang kutsilyo sa sahig at ang mansanas na kalahati pa lang ang nabalatan. Itinapon niya iyon sa trash bin at muling kumuha sa fruit holder ng isa pa.
Patuloy siya sa tahimik na pag-iyak habang nagbabalat ng mansanas. Araw-araw na nagdadasal siya na sana ay maiba ang buhay niya. Na sana naging katulad na lang siya ng isang simpleng babae. Mas gugustuhin pa niya ang magkaroon ng isang ordinaryong mukha. Mas nanaisin pa niya ang mabuhay sa kahirapan, na ang tanging iniisip ay magtrabaho para kumain ng tatlong beses sa isang araw.
Hindi pa siya tapos magbalat ng mansanas nang marinig ang tawag ni Valtus. Hinahanap na nito ang mansanas na binabalatan niya. Tinapyas na lang ni Lani ang natitirang balat at nagmamadaling nagtungo sa lanai.
“Maligo ka,” utos nito sa kanya nang maiabot dito ang mansanas.
Inaasahan na iyon ni Lani. Nasa mood si Valtus para siya gamitin. True enough, paglabas niya ng banyo, hindi pa man niya gaanong nakukuskos ang basang katawan at buhok nang pahaltak siyang dalhin ni Valtus sa kama.
Sinibasib siya nito ng halik hanggang sa halos mapugto ang kanyang hininga. Pagkatapos, ang katawan naman niya ang halos ngabngabin na nito. Nasasaktan siya kapag pinanggigigilan ni Valtus ang kanyang dibdib. Hindi haplos kundi lamutak ang ginagawa nito. At habang ginagamit siya nito, pakiramdam niya isa siyang rag doll sa kamay ng isang salbaheng bata na ipinagdidikdikan sa sahig. Ang pagkakaiba lang ni Valtus, sa kama siya nito idinidikdik.
Pangkaraniwan na kay Lani ang magkapasa sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Sanay na siyang magkaroon ng maliliit na galos ang kanyang suso, ang kanyang likod, ang kanyang mga braso. At hindi na nawawala ang mapupulang marka sa kanyang leeg, at sa iba pang delicate parts ng kanyang katawan.
Walong buwan, labing walong araw mula nang ikasal sila ni Valtus Sotto sa maliit na chapel ng Sitio Minanga. Ganoon katagal na niyang hindi nakikita ang Mama niyang si Lota, dahil matapos ang kasal ay dinala na siya ni Valtus sa Cagayan De Oro City. Ganoon katagal na rin siyang nahihirapan sa sitwasyong bumulaga sa kanya sa unang araw pa lang ng kanilang pagsasama ni Valtus.
Ilang ulit na niyang hiniling sa asawa na dumalaw sila sa mama niya sa Minanga. Lagi itong nakakahanap ng dahilan para tumanggi. At kapag naging makulit siya, magagalit si Valtus at pahihirapan na naman siya sa kama.
Narinig ni Lani ang pagsasara ng front door. Umahon na siya sa kama para muling pumasok sa banyo. Nilunod niya sa tubig ng shower ang mapapait na luha na tahimik lang na dumadaloy sa kanyang mga mata. Umaasa siya na malilinis ng luha at tubig at sabon ang duming itinatapon sa kanya ni Valtus tuwing gagamitin siya nito.
Napakarumi na ng pakiramdam niya sa sarili. Hindi nakakatulong na kasal sila ni Valtus. Para sa kanya, hindi lisensiya ang kasal para siya halayin nito tuwing gustong makipag-sex.
Oo, sex lang ang mayroon sila. They never made love. Traumatic para kay Lani ang unang coital experience. Puwersahang napunit ang kanyang hymen sa unang gabi ng kanilang honeymoon. Napapasigaw siya sa sakit ngunit hindi napigilan noon si Valtus para tuluyan siyang angkinin. At kahit pinaulanan nito ng halik ang kanyang katawan pagkatapos, hindi noon nabago ang katotohanan.
She was raped on her honeymoon.
She was being raped everytime Valtus and she was having sex.
For eight months and eighteen days now, she was being repeatedly raped by her husband.http://booklat.com.ph/
https://www.preciousshop.com.ph/home/
BINABASA MO ANG
Alias (COMPLETED)
Любовные романыAbout a woman who needed to escape from the sex-starved man she loved with all her heart. (Submitted July 2017) Unedited Rated R-18