Alex's Note

493 2 2
                                    

ALEX’S  NOTE

 Dear Readers,

Hello po! Ako nga pala si Alex. Ako ang bida sa kwentong to. Ohh! Unahan ko na po kayo ah, ang kwentong  ‘to ay hindi nakakakilig. Tama! Medyo lang pero hindi talaga pang-kilig. Pero pag pinilit natin baka kiligin na din kayo. I-Push nalang natin para maging romance-rumor-terrible story to!

Ito ay hindi pa masyadong maiintindihan ng mga asa teenage years na nasanay sa mga love story na nagsimula at nanyare sa eskwelahan, Highschool lover na nagkahiwalay nung nag-college, nagka-inlovan na mayaman at mahirap, ng pangit na biglang gumanda dahil nagkalove-life. Ito ay storyang ng normal na taong, nabigla sa totoong kulay ng normal na tao. steady lang.

OO!  Medyo madrama tong kwento to, Hindi dahil broken hearted ako. Kundi sensitive lang po.

Dedicated to sa mga taong walang mapagkwentuhan kaya dinaan nalang sa kwentong babasahin din naman. Kung medyo intriggera po kayo, yung tipong mahilig magbasa ng posts, magreact sa  buhay ng ibang tao,  Makaintriga lang po! Feeling ko magugustuhan nyo to kasi totoong nanyare ang mga bagay na ikwekwento ko. Well, hindi lahat pero may pinaghugutan din yung halos lahat ng eksena dito.  

Sa lahat ng mga sinabi ko, tignan natin kung magustuhan nyo ang kwento ko. Medyo weird pero pwede na din. Medyo patawa pero corny pa din. May kwenta na din, kung talagang babasahin.

Pwede nyo po tignan yung video created para sa kwentong to para tulungan po kayo sa paunang storya. Tignan po sa: http://www.youtube.com/watch?v=XMQIaE-l4Uw

Basta, wag po kayo mag-expect.. mag-basa lang po kayo.

At Isipin nyo lang nagbabasa kayo ng diary ng ibang tao. Enjoy! 

Love,

Alex

38th Day of Summer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon