Para sa mga TANGA sa Pag-ibig (Short Article)

313 5 1
                                    

Naramdaman mo na bang umasa? Yung feeling na halos ibigay mo ng lahat sakanya. Pero sa bandang huli wasak ka pa din. Na nagmahal ka lang pala sa wala. Na yung mga mata nya kaylanman di nakita ang worth mo?

Tanga na kung tanga. Pero ganyan naman daw talaga pag nagmamahal diba?

Nagiging TANGA.

Na kahit alam mong mali go pa rin. Na kahit alam mong wala namang pupuntahan sige ka pa rin. Na kahit paulit-ulit ka na lang nasasaktan ayaw mo pa ring bumitaw. Na kahit ilang beses ka ng mabalewala tuloy ka pa din. Nakakapagod din minsan at mararamdaman mong gusto mo ng sumuko. Gusto mo ng itapon lahat. Pero susubukan mo pa lang tumalikod heto't babalik ka na naman. Di mo sya matiis. Di mo kayang hindi replayan ang mga messages nya.  Na para kang si wonder woman/ superman sa bilis ng response pag tinawag ka nya. Mga simpleng bagay na dapat di mo binibigay sakanya pero wala kang magawa. Dyan ka masaya e, aminin mo na kaligayahan mong nabibigyan sya ng ngiti kahit nahihirapan ka. Tapos kikiligin ka sa mga simpleng Thank You nya. Na ang lakas-lakas ng impact sayo ng mga salita nya. Yung kahit minsan wala namang ibig sabihin ay pasimpleng kikiligin ka. Yun ang kahinaan mo e. Lambingin ka lang ng konti. Bigyan ka lang ng konting motibo panghahawakan mo na. Kahit sobrang labo basta may naaninag ka, aasa at aasa ka. Hanggang sa tuluyan na ngang nahulog kaya hirap na hirap kang bumangon. At darating ang isang araw na maiisip mo na ilang beses mo ng sinubukang lumayo pero yung puso mo na sobrang pasaway ay eto na naman at naglalakad pabalik. Paulit-ulit. Paikot-ikot. Nakakasawa. Nakakapagod. At higit sa lahat sobrang sakit. Masakit na ikaw na halos ibigay na sakanya ang lahat ay di man lang mapansin. Na kahit ata buong 24 hours ng araw nya ay nasa harap ka, iba pa rin ang hahanapin nya. Na ikaw isang timang na umaasa sa wala.

Hanggang kelan ka ganyan? Hanggang kelan mo sasaktan ang sarili mo? Hanggang kelan ka magiging tanga? Hanggang kelan mo sasayangin ang napakahalagang oras at panahon mo sa taong di kayang maapreciate ang existence mo?

Siguro kailangan mo ng simulan ngayon. Kaylangan mo ng maglakad palayo ng hindi lumilingon. Try mong gamitin muna ang utak at wag pairalin ang puso. Tingnan mo ang sarili mo, gaano ka na katagal nagpapaka-tanga sakanya? Siguro naman walang taong gustong maging tanga habang buhay?

Simulan mo na. Kaya mo yan. Kaw pa. Darating ang araw magpapasalamat ka sakanya para sa experience at lessons. Life lessons na magiging foundation mo para sa isang magandang relasyon sa tamang taong nakalaan sayo. Maghintay ka lang. Alam NYA ang tama at ibibigay NYA yun sa tamang panahon. Kaya tigilan na ang pagiging TANGA. Wala ka din naman mapapala. Ayusin ang sarili at maghanda. 

Maghandang magmahal muli at maging masaya.

Yung pagmamahal na hindi mo kaylangang magpaka-tanga. :)

🎉 Tapos mo nang basahin ang Para sa mga TANGA sa Pag-ibig (Short Article) 🎉
Para sa mga TANGA sa Pag-ibig (Short Article)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon