Chapter 4

43 3 0
                                    

(a/n: picture po ni abigail at the side)

*******************************************************************

Aemie's POV

Lecheng abi to. -____- sabi na eh, hilig manblockmail.

kaibigan ko ba yun?

at ayun nauuna sila ni aemie nagtatatalon pa ang mga gaga, mukhang enjoy na enjoy pa samantalang ako dito hirap na hirap

pano ba naman kasi gustong gusto ko na siyang yakapin at the same time sampalin

halikan at the same time bugbugin

hawakan ang kamay at the same time sunugin

oh diba? mababaliw ako dito

baliw ka na nga eh

nakikipagaway pa utak ko sa sakin ARGHH!!

habang nagshoshopping yung dalawang gaga ako dito sunod lang ng sunod

"hoy aemie! kanina ka pa tulala ano ba! uulitin ko po yung tanong ko po aemie po ano po bang mas maganda dito?" sabi ni abi habang pinapakita sakin ang dalawang dress na ang pinagkaiba lang may maliit na gold star sa isang dress -_____-

tinignan ko lang sya ng masama, jusko sana maligaw to si abi tas mabunggo ng tren tas wapak! patay na yay -__-

charot mahal na mahal ko yan since kindergarten

"tanga! walang pinagkaiba eh!" -Ritzi

"Meron shunga! tignan mo may star oh!!" sabay lapit ni abi yung dress sa mukha ni ritzi

"wow ang laki, ang laki laki laki laki laki kasing laki ng pwet ni aemie!" sinigaw niya pa yun jusme ang sarap walk outan nitong dalawang to

"pfftttt..HAHAHAHHAHAHAHAHAHA ganun ba kalaki?" -Abi

"mga leche talaga kayo!! che! makaalis na nga" at nagsitakbo na ko palabas pero bago pa ko makalabas

"AEMS DAHAN DAHAN YUNG PWET MO MALALAGLAG" -RITZI

LECHEEEE!!

*******

simula nung nagwalkout ako, naglalakad lang ko dito sa mall huhu ang loner ko

leche kasi yung dalawa nakakahiya sa mga tao dun sa shop na yun f21 pa naman yun jusme edi super dami ng tao

wala akong masyadong binibili kasi wala ko sa mood eh kung hindi nga lang dahil nakisabay ako kay ritzi kanina papunta dito sa mall , kanina pa ko nakauwi

maya maya may nakita ako lalaking HOT este YUMMY este EWAAAN basta may itsura! papalapit siya sakin hala takte baka gahasain ako nito

"Babe! Babe? Akala ko hindi ka pupunta! Thanks babe love you so much!!" sabay akbay sakin

sino ba to? tsansing to ah! Nakita ko naman na may kasunod siyang babae at mukhang kanina pa siya sinusundan kasi mukhang pagod na pagod na si ate XD haggard teh?

"Don't tell me siya yun ven? VEN! Yan yon?! yung pinalit mo sakin?! JUSKO NAMAN VEN!! Sana naman medyo mas maganda, nakakaoffend ka ah!" sabay tingin sakin from head to toe, aba aba! Wag mo kong sinusubukan

di ka kagandahan ulul!

"Excuse me?! kung yang mukha mo ang depinasyon mo ng maganda mas gugustuhin ko pa maging panget!" bulyaw ko sakanya, nakita ko naman na nagpipigil ng tawa tong mokong sa tabi ko

"Ha! hindi mo ba alam na model ako dito sa philippines and may tatlong condo units ako dito! Wag mo kong banggain babae! kasi for sure hanggang tuhod lang kita! cheap!" sabi niya sakin, uh-oh andaming tao nakatingin, ew i hate attention, pero sige you want a show? i'll give you a show!

The Bitch Falls Inlove.... again <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon