You're a falling a star, you're the get away car
You're the light in my sand, when I go too far
Oh my god! Ang suave ng boses. Nakaka-inlove talaga yung kanta lalo na kapag si Daniel ang kumanta.
Haaay! Ang gwapo talaga. :"">
You're the swimming pool, on an August day
And you're the perfect thing to say"
Btw, ako nga pala si Gennine Rosales, 15 years of age. Incoming fourth year high school sa pasukan. At pinakacrush ko si Daniel Padilla sa lahat ng mga crush ko.
And you play it coy, but its kinda cute
Now when you smile at me you know exactly what you do
Baby don't pretend, 'cause you see me when I look at you
And yes, tama yung nabasa niyo, marami akong crush. So what kung marami akong crush? Siguro iniisip niyo na malandi kapag maraming crush noh? Well, hindi naman siguro. Pero kung yun nga iniisip niyo wala na akong magagawa. Ako kasi yung tipo ng babae na kapag sobra akong nagagwapuhan sa lalaki ay magiging crush ko na siya agad. Except lang siyempre sa bading. XD
And in this crazy life, in this crazy time
It's you, it's you, you make me sing
In every line, in every word, you're my everything
So la la la la la la la...
Nagtataka ba kayo kung anong ginagawa ko ngayon? Well ito, maliban sa soundtrip sa mga kanta ni Daniel, eh nagdedaydream about sa crush ko sa school. Matagal ko na rin kasi hindi siya nakikita kasi nga bakasyon at isang buwan na lang bago ang pasukan.
Bukod sa pagdedaydream na ginagawa ko eh, eto ako ngayon nakaharap sa laptop, nagpapakafangirl. Hahaha. Eh sa walang magawa. Marami ring naka-open na tabs at kasama na dun siyempre ang twitter, facebook, wattpad, at youtube.
Habang nagfefacebook ako eh scroll lang ako ng scroll hanggang sa naisipan kong tignan yung profile ni crush. Ang pangalan niya nga pala ay Ian Ibasco. Kaklase ko siya since first year. Noong una, hindi ko pa siya crush tapos hanggang sa tumagal napapatingin na lang ako sa kanya hanggang sa ayun, crush ko na pala siya. Haha XD
Hindi kami close kahit sa school. Tapos tinitignan ko yung convo namin sa facebook. Oh diba, may convo kami kahit hindi kami close. Alam niyo kung anong laman ng convo namin? Naiinis nga ako habang binabasa ko eh. Sobrang ikli lang napapag-usapan namin, paano ba naman kasi ichachat niya ako kapag may tatanungin lang siya tapos eto naman ako siyempre sasagutin yung tanong niya. Edi parang isang tanong, isang sagot lang ang nangyayari. Wala rin naman akong maisip na topic namin.