Secret Admirer- Letters from an Admirer

1.5K 50 0
                                    

Chapter 59
*************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Hindi ako makatulog hanggang ngayon. Iniisip ko ang pa rin ang misteryosong taong yun. Kanina kasi nakausap ko si Hans at hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya.

Nung mga nakaraang araw kasi, nakakatanggap na ako ng ilang mga sulat sa locker ko.

Ang dami ring nangyari ngayong araw. At sa pangyayaring yun, naiinis ako sa sarili ko. Inis na inis.

Flashback:

Lumabas ako papunta sa hallway. Wala kaming klase plus may break time pa kaya lumabas muna ako. Ang boring doon. Di ko naman makausap yung mga kaibigan ko.

Habang naglalakad, nakarinig ako ng isang tawa na pamilyar sa pandinig ko. Tumigil ako at nakita ko si Shin na katawanan si Yana. May naramdaman akong kakaiba pero di ko alam kung selos ba ito.

Basta ang alam ko, tumakbo na lang ako. Di ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang makalayo. Bigla ko naman nakita si Kevin pero nilampasan ko siya. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo.

Ang weird ng pakiramdam ko. Tama kaya si Ayana. Na sana dalawa na lang ang puso natin para di natin kailangan mamili sa pagitan ng dalawang tao?

Di ko alam. Naupo na lang ako sa tabi ng ilang minuto. Nakatulala lang ako. Bakit ba ako umaakto ng ganito? Bakit?

Tumayo ako pagkatapos ng mahabang pagiisip. Pumunta ako sa locker room namin. Para kasing may dumidikta sa akin na pumunta doon. Ewan. Naguguluhan ako. Ganyan lagi ang nararamdaman ko. Walang malinaw. Laging magulo. Dahil takot akong masaktan. Ayoko maulit yung nakaraan.

Pagkapunta ko, agad akong pumunta sa locker G117 at binuksan yun. May nakita na naman akong letter na nakalagay doon. Ilang beses na ito nangyayari. Napapangiti nga ako nito pero tinatapon ko ito pagkatapos. Baka isa na naman itong kasinungalingan.

Binasa ko siya. At katulad ng dati, mensahe ito na nagpapagaan sa loob ko.

******

Di mo kailangang magpanggap na nasasaktan ka. Ilabas mo yan. Iiyak mo. Basta kung kailangan mo lang ako para i-comfort ka, nandito lang din ako palagi, katulad ng sinasabi ko sayo.

-Admirer

******

Kanino ba ito galing? Bakit ba lahat na lang sikreto? Bakit kailangan ko pang malaman sa mahirap na paraan?

Lahat tago. Sawang-sawa na ako. Gusto ko lahat walang tinatago. Lahat totoo.

At dahil sa malakas na kuriosidad, tinawagan ko si Hans. Kailangan kong malaman kung kalokohan lahat ng inaakala ko.

(Casey? Bakit di ka na nagpapakita sa akin? Ilang araw ka na kasi hindi nagpapakita sa akin. Ano bang nagyayari sayo?)

"Alam ko na ang totoo Hans. Alam kong pakana ninyo ito ni Leila. Bakit? Ano bang nagawa ko?"

(Alam mo? Sorry Casey. Pero sinabi ko naman sayo na lahat ng pinakita ko sayo ay totoo. Kaibigan kita.)

"Kung kaibigan mo ako, bakit mo nagawa sa akin yun?"

(Kasi may utang na loob ako kay Leila.)

"Utang na loob? Yung babaeng yun gagawa ng tama?"

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon