Chapter 1: Sino Yun!?

373 8 1
                                    

Shana's POV

♫ Beautiful my girl! ok~ Let's fly~ B1A4.. Ooohhh ooohhh come closer baby ♫~ tunog ng malakas ng alarm ko sa kwarto.

Pinatay ko ang alarm ng nakapikit at halatang inaantok pa *biglang mulat ng mata tingin sa kaliwa at kanan ng natataranta sabay talon papaalis ng kama*

"magsigising na kayo! wahhhh~" malakas na sigaw ko.

"tito, tita, hamster, gising na! malalate nanaman tayo" gising ko sa Cha Family

Nagmadaling nagsibangon ang lahat at parang palengke ang bahay sa sobrang ingay at pagka taranta ng lahat habang ako naman ay nagluluto ng umagahan para mauna narin kumain at huli makaligo pagkatapos ng lahat ng biglang ~Ding dong~

"Ay! ayan na si pato. Hamster bilisan mo!" sigaw ko baro habang binubuksan ang pinto

"Uy! sakto di ako nabusog sa umagahan ko" malakas na sabi ni Sandeul *sabay subo ng tinapay sa bibig* kahit muka namang naubos nya na laman ng refregirator nila

Umalis na sina tito at tita baon ang pagkain na ihinanda ko. Nasa hapag kainan naman sina Sandeul at Baro, kumakain at hinihimtay ako habang ako naman ay nag aayos para sa pagpasok.

After 10 minutes

"Okay! Tara na!"higit ko sa Pato at Hamster na halatang di pa tapos kumain

Paglabas na paglabas namin ng bahay ay tumakbo na agad kami papuntang school para di ma late pero malayo layo palang ay nawalan nako ng pag asa ng matanaw ko ang saradong gate.

Bigla akong nahinto

"Bunny Bilisan mo!" nagmamadaling sabi ni Sandeul

"Sarado na, Patay!" sagot ko naman sa kanya

"Alam ko na! Sumunod kayo saking dalawa, ppalli!" nagmamayabang na sabi ni Baro

ako at pato "*tingin kay Baro*Ano nanaman yang kalokohan mo?" sabay na sabi namin ni Sandeul habang nagpapadyak na parang bata.

"Ayaw nyo? Okay, bahala kayo. Gusto nyo ata maparusahan eh." mapanuksong sabi ni Baro habang naglalakad na papalayo samin

hinila ni Sandeul ang Kwelyo ng damit ni Baro at sinabing "Sige na nga! basta di mo kami ipapahamak dyan"

"sige sige na! bilisan nyo nalng" naiiritang sabi ko

Sumunod kami kay Baro at huminto sa likod ng school kung saan ay mababa ang bakod na kaya naming akyatin at talunin.

Naunang tumalon sa Bakod si Baro

"Hamster! kamusta? okay naba?" mahinang tanong ko kay baro

Walang sumasagot kaya nagpatulong nako kay Sandeul na lumiban sa bakod.

Tumalon nako at tumingala ng laking gulat ko na may ibang lalaki na nasa harap ko. "hindi naman si Baro" sabi ko sa isip ko. Di ko makita ang mukha nya dahil sa sinag ng araw.

Tumayo ako at *biglang ngiti na parang timang* dahil si Teacher Paul pala na crush ko ang kaharap ko na napaka seryoso, gwapo, at napaka talino. yun ang ang pagkakaalam ko.

Bigla nalang ako nagising sa pagpapantasya ng biglang sumigaw si Sandeul

"~AAAHHHHHHH~" sigaw ni pato

"~WAHHHHHHH~" sigaw ko din ng wala sa sarili

"Hoy! ang ingay nyong dalawa umayos nga kayo" Kontra ni Baro

"Ay! Hello po Sir, nag eexcercise lang po kami ng pagtalon talon" palusot ni pato

"oo nga po sir! may balak kasi kami sumali ng high jump this year" payabang na sabi ko sabay biglang ngiti

"sumunod kayo sakin, 2hrs kayong luluhod sa harap ng gate habang nakataas ang dalawang kamay" kalmadong sa bi ni Teacher Paul w/*killer smile*

"Ano?" sabay sabay na sabi naming tatlo

"Kelangan ko pa ba ulitin? Dapat lang yan para di na kayo ma late sa susunod" sabi ni Teacher Paul

After 2hours

Natapos dn ang parusa at nagkasugat ako sa tuhod dahil maikli ang palda ko kumpara sa dalawang kumag na naka pantalon.

Dumiretsyo kami sa canteen para bumili ng tubig dahil nauuhaw na daw ang Pato.

"Pato, Hamster! punta lang ako sa bookstore para bumili ng band aid" paalam ko sa dalawa

"Sige bunny kakain lang muna din ako, bilisan mo ha?" gutom na sabi ni Sandeul

"Samahan na kita Bunny" alok ni Baro

"Wag na! mabilis lang ako promise. Samahan mo nalang yang matakaw na pato baka mabilaukan pa" sabi ko ng nagmamadaling alis

*Habang bumababa sa hagdan* may lumapit na lalaki sakin abot ang band aid.

"Noona, may sugat ka sa tuhod. Gusto mo ba pumunta sa Clinic?" tanong ng lalaki

"Nako wag na, malayo sa bituka" sagot ko sa lalaki

"Ahh sige noona, nice meeting you. Kelangan ko na bumalik sa klase" nagmamadaling sabi ng lalaki

"Sandali! anong pangalan mo?" tanong ko pero di nya ata narinig

Bumalik ako sa canteen at umupo sa tabi ni pato. kinuha ni pato ang band aid na hawak ko at tinulungan na idikit sa sugat ko habang iniisip ko kung kilala ko ba yung lalaki na nakita ko.

napansin ni baro na naka tulala ako kaya *kaway sa harap ng muka ko* "uy! okay ka lng? lalim ng iniisip ah" mahinang sabi ni baro

"Ah Ay! Uy! tara na, baka magalit nanaman si Teacher paul" sabi ko sabay biglang akbay sa dalawa papalakad papunta sa klase

Gongchan's POV

Nakasakay ako sa magarang kotse papasok sa school ng may nakita akong tatlong magkakaibigan na tumatakbo papasok ng school na pagmamay ari namin. masasabi ko yun dahil sa uniform nila

Natuwa ako sa kanila at naramdaman ang inggit dahil mukang ang saya nilang magkakaibigan

Napatitig ako sa babae at mukang na love at first sight ata ako. Di sya kagandahan pero ewan ko ba at parang tinamaan talaga ako.

Maya maya ay nakarating nako sa school at saktong nag bell at sinarado ang gate

"Sinarado na ang gate, wala pa sila" nag aalalang sabi ko sa isip ko

Dumiretsyo nako sa Classroom at umupo sa upuan kong katabi ang bintana at nasa may bandang likuran. pag dungaw ko sa bintana ay nakita ko ang tatlong magkakaibigan na pinaparusahan. Natatawa ako sa kanila kase nagsisihan sila kung bat sila pinaparusahan.

After 2hrs nakita kong mukang pagod na sila lalo na yung babae. Pinaalis na sila habang recess naman namin. nagmadali akong lumabas ng Classroom para makipagkilala sa kanila kaso di ko sila makita.

mayamaya ay nakita ko yung babae at masasabi kong mas matanda sya sakin dahil 2nd yr high school na sya at ako naman ay 1st yr high school palang.

lumapit ako sa kanya at inabot ang band aid na galing sa walet ko. Lagi kasi ako nasusugatan kaya may baon ako parating band aid.

gusto ko pa sana sya makausap pero mag be bell na at ayoko ma late sa klase.

Tropa Kong BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon