It's over now.

11 1 2
                                    

CHAPTER 1

"Naranasan mo na bang ma-in love? Eh, naniniwala ka ba na first love never dies? Ako? OO. Naranasan ko na yan. Kahit nga hindi maging crush ng crush ko eh. By the way, I'm Nicole. 1st year college ako ngayon..."

Aarrgh!

"Ano ba yan?" naiiritang sabi ni Alex. "Pano ko ba to sisimulan?"...

Isang blogger si Alex. Mahilig syang gumawa ng mga love stories. In fact, marami na syang followers at lahat sila eh hindi na makapaghintay na mag-update at gumawa ng bagong love story si Alex.

Habang naiirita at nag-iisip kung paano nya sisimulan ang kwento nya ay biglang may lumabas na notification sa blog nya.

Binabasa ko lahat ng works mo. Actually, idol nga kita eh. Sana makilala kita in person. Yan ang comment na nakita nya sa isang story na ginawa nya.

"No way", sabi nya sa kanyang sarili.

Nagulat sya nung nakita nya yung picture nung guy na nagcomment.

"Mark?" tanong niya.

Si Mark. Siya ang first love ni Alex. Mula kindergarten hanggang ngayon eh crush niya. Magkaklase sila nung kinder pero nagkalayo nung papasok na sila ng grade 1. Masyado pa kasing bata si Alex para maging grade 1 kaya ipinasok siya sa isang preparatory school. Kaya ang ending, lumalabas na isang taon ang agwat nila kahit ang totoo ay 3 buwan lang naman.

Sobrang natulala si Alex. Hindi niya ineexpect na mababasa niya ang mga stories nya kasi sa totoo lang, para kay Mark lahat ng yun. Masyadong nasaktan kasi si Alex nung mareject siya ni Mark.

Flashback lang tayo ng konti sa mga features nitong si Alex dati nung high school pa siya. Si Alex yung tipo ng babae na may brace, may pagka-curly ang hair, hindi proportion ang katawan, at clumsy. To sum it up, mala-Betty la Fea ang dating. Wala nga lang glasses.

Si Mark naman yung tipong Boy-next-door ang dating, magaling maggitara, gwapo at kasama sa varsity team ng school. In short, talagang sikat sa school itong si Mark.

Tumayo si Alex sa kinauupuan niya at humarap sa salamin.

Iba na siya ngayon. Proportion na ang katawan niya, wala na din siyang brace, makinis ang kutis, at nagmature na din siya.

Bumalik lahat ng sakit na naramdaman ni Alex nung unang beses na nareject siya ni Mark.

*FLASHBACK*

Valentine's day, St. Louis Academy.

"Mark! Hi! Uhm..Alex nga pala. Gusto ko lang na ibigay sa'yo 'to. Ginawa ko yan para sa'yo. Ang totoo, crush kita, matagal na." sabi ni Alex habang inaabot ang pick ng gitara na ginawa niya mismo.

"Alex, uhm, salamat sa pick pero didirechohin na kita. I have no feelings for you. In fact, may gf na ko. Isa pa, hindi ka ganoong kaganda kaya I'm sorry." sabi ni Mark.

*END OF FLASHBACK*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's over now.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon