Mr. and Ms. Stalker
by:lhyz
Hay, Luigi Alcaraz.. kailan mo ba mapapansin na gusto kita? Kahit ano namang gawin ko parang wala lang naman ako sayo e. Araw araw nalang sinasadya kong makasalubong ka, hoping na makilala mo man lang ako kahit sa mukha lang o kaya ngitian. Pero wala eh. Isa lang akong malaking kulangot sayo. Hindi mo man lang ako matapunan ng tingin. Sabagay, ano ba naman tong mukha na to e? Di naman katingin tingin.. Bakit ba ganito ang trato sa aming mga hindi maganda? Hindi ito makatarungan! Dapat ipatapon na sa planet mars yung mga ganyang tao e. Porke ba hindi kami maganda hindi na namin deserve mapansin ng mga gwapo? Hindi dapat yan! Dahil ba siya si oh so hot! Luigi Alcaraz at ako lang si not hot! Roann Pellazar dapat ng ganun? Kahit hindi ako maganda may human rights rin ako no!:/
Less than 1 month matatapos na rin yung klase. 4th year college na ako and i'm one of the consistent president's lister! Kaya nga kahit mejo shonget ako, proud na proud ako sa sarili ko, ilang beses na rin akong naipanlaban sa mga various competitions and i always bring home the bacon naman, Political Science nga pala ang course ko and i'm studying at blank university, hindi kami mahirap, hindi rin mayaman, kabilang lang kami sa mga pamilya na nasusustentuhan lahat ng pangangailangan at may konting luho din. Si Luigi? Actually wala naman akong masyadong alam sakanya, ang alam ko lang ay Architecture student siya at maganda siya magdala ng damit, freelance model din yata siya saka single wahaha. Yun lang, hindi ko alam ang estado niya sa buhay saka vital statistics niya wahaha xD pervert lang dejk :).
Teka teka.. mamaya ko na itutuloy yung story telling ko sa inyo, dahil alam niyo ba kung nasaan ako? nandito ako ngayon sa labas ng building ng college of architechture! wahaha i guess you know why. ;')
Stalker mode ^_______^
Nakita ko kasi na lumabas yung ibang classmate ni Luigi e. Baka nandun na rin siya.
*silip..silip*
Ay! hindi ko pa rin siya makita ang lamok pa naman -___- kaya mo yan Roann! Aja! Para kay Luigi kayanin mo! at dahil malakas ang fighting spirit ko, maya maya nakita ko ng lumabas ang Luigi and Friends wahaha xD nakita kong lumingon sa akin yung isa sa mga classmates niya at parang nginuso pa nga ako tapos nung naramdaman ko na lilingon na si Luigi parang nahiya naman ako kaya umupo ako sa likod ng puno na pinagtataguan ko, napangiti akong mag-isa saka bumulong (oi kung iniisip niyong nababaliw na ako, nagkakamali kayo, kinikilig lang po ako^,^)
"Yes! nakita ko na si Luigi, worth it ang pagod :) Oh Luigi my loves, you made my day!<3"
"Really Roann? I made your day?"
napakunot naman yung noo ko nun tapos nagsalita ulit akong mag isa.
"Hala, sa sobrang pagmamahal kay Luigi my loves naririnig ko na yung boses niya. wahaha xD nubayan baka mamaya mabaliw pa ako, maka alis na nga."
Tumayo ako tapos naglakad na, ang tagal ko rin pala dun kasi architechture students pala yung pinakahuling na dismiss. Pero may naramdaman akong kakaiba.. Lumakas ang hangin at dumilim ang kalangitan... maya maya pa ay may white lady ng lumabas sa aking harapan. Joke lang! wahaha naiimagine ko lang yun! pero shet natatakot na ko >_< bakit bakasi ang likot ng utak ko e. Wag mo nalang pansinin Roann. Lakad beauty queen lang.. talbog yang mga mumu na yan. Pero shet hindi na ito pagkakamali, talagang may nilalang na naglalakad sa likuran ko, imposible naman na rapist yun dahil wala naman mag iinteres sa isang tulad ko, tapos naramdaman ko na palapit na ng palapit sa akin yung mga footsteps pero infairness ha, amoy bench eight yung pabango nung mumu parehas sila ng pabango ni.... bago ko pa matuloy yung sasabihin ko may gwapo, macho at mabangong nilalang na lumabas sa aking harapan at kung iniisip niyong si Luigi iyon! may tama kaaa! wahaaha