Nessan's POV
After the class
Sumama ako kay Ian sa kanilang subdivision kung saan gaganapin ang laro nila, at ang sabi niya ay kalaban nila ay mga taga Shiozuka din.
Nandito na kami sa court ng subdivision nila Ian, medyo nahihiya lang akong lumapit at umupo sa isang tabi like hello, puro lalaki ang nasa court, buti ba kung nasa school ako. Nakaka OP din kasi dahil hindi naman ako taga dito.
"Ok I'm ready" bati ni Ian sa akin, nakahanda na si Ian para maglaro pero bakit full gear siya? Oo hindi na masyadong mainit dahil 5 pm na pero parang pormadong pormado siya. Long socks, naka knee pad, naka arms sleeves, kulang na nga lang hoodie ehh.
"Bat balot na balot ka? Malamig ba?"
"Anong masama doon?" –Ian
"Ano game na ba? Tara magshooting muna" sabat ng isa niyang kasama.
"Wala pa ba sila? Nga pala, si Nessan pala, kaibigan ko" pakilala ni Ian
"Kaibigan? Baka magka-ibigan hahaha" bastos tong mga to ahh. Nakitawa na lang ako kunyari di ako nayamot sa kanila.
"Hindi, kaklase ko lang siya" sabi ko nang tumahimik na sila.
"Ayun, kaklase-zoned si Solitario, teka Joey nasaan na ba yung mga makakalaban natin? Naiinip na yung mga taga labas ohh, gusto na tayong labanan" bakante ang court ngayon at may iilan na nagshushooting dahil nakaschedule sila na maglalaro, kapag hindi nagpunta ang mga ito ay no choice sila Ian kundi kalabanin ang mga tambay na naghihintay sa court.
Lumipas na ang 15 minutes ay wala padin ang mga kalaban nila, nakaupo lang ako sa bleachers, katabi ang mga bag ng mga ito. Atleast hindi ako soloflight noh. Kakausapin ko na lang yung mga bag baka sagutin pa ako, ano sila? Bagpack ni Dora?
"Ano wala pa ba mga kalaban ninyo? Tayo tayo na lang maglaro" bati ng mga tambay na nag aantay.
"Labanan na lang natin sila, sayang oras ehh, madaming naghihintay" sagot ni Adrian, classmate din namin siya ni Ian, pero hindi kami masyadong close.
"Ano game?" tumayo na ang mga tambay at nagpunta sa court upang simulan na ang laro.
"Teka!!" nagulat ang mga players na nasa court at humarap sa may entrance ng court, wait a minute!!?
RODNEY BABES!!?
Oo siya nga, Emegeshhh sila pala ang makakalaban nila Ian.
"Sorry na late kami ng dating, masyadong traffic" sagot ng isa sa mga kasama ni Rodney
"Sakto lang dating niyo, tara na at madaming atat na pumalit sa pwesto niyo" –Ian
Nagpunta sila malapit sa kinauupuan ko, hindi ko alam kung bakit ang lakas ng heartbeat ko, papalapit kasi si Rodney sa akin.
TUG.....TUG.....TUG.....
Oo siya nga mga readers, siya yung sinasabi ko sa inyo na tall, dark and handsome.
Napatitig ako sa kanya, at tinitigan niya ako. Huwag ka namang ganyan babe, baka matunaw ako at hindi ka makapagfocus sa game niyo.
Then after ng titigan moments namin, bigla na lang siyang nawala at ako namang si tanga, kanina pang nakatitig at hindi ko namamalayang nagsisimula na pala.
Na kina Ian ang ball possession.
Enebeyen!!! Kanino naman ako kakampi?? Kay Ian or kay Rodney?? Di naman pwedeng both.
Then nag start na sila, na kay Ian ang bola. nagcrossover siya para maiwan niya si Rodney, dahil sa laki ng Rodney ay nakarating siya sa gitna at hindi niya hinayaaang makapuntos si Ian. Pagka jump shot nito ay sinupalpal ni Rodney ang bola. Nakuha ng kakampi ni Rodney ang bola after ng block at bumaba para sa offense.
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
ActionSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...