(otor's nowt: nasa kanan yung pic nung durog durog na lucky me. This chap is dedicate kay ate rida. dejk lang dedicate kay NikoleiLuis dahil wala lang trip ko lang haha. enjoy)
"DI MO ALAM DAHIL SAYO!! AKO'Y DO MAKAKAIN!! DI RIN MAKATULOG BUHAT NG IYONG LOKOHIN!! KUNG AKO'Y MULING IIBIG SANA'Y DI MAGING KATULAD MO!! TULAD MO NA MAY PUSONG BATO!!~~" pagkanta ko ng hawak hawak yung toothbrush. Walang tabo dito eh. Shower na. Wala akong pake kung sintunado.
*Tok Tok Tok*
"HOY IKAW JAN!! WAG KA NA MANGBULAHAW!! SAKIT SA TENGA NG PAGKANTA MO!! AYOKO PANG MANGHIRAM NG TENGA SA ASO!! PUPUTOK EARDRUMS KO DAHIL SAYO EH!!"
"Ang dami mong sinasabi jan!! daig mo pa babae kung mag-ingay!!"
"WALA AKONG PAKE!!"
"tsaka... pano ka nakapasok dito?! sisilipan mo ko no?!"
"Asa ka. Baket may masisilip ba sayo?"
"Lumabas ka dito! Alis!" lesheng yon! Di tuloy ako makalabas baka anjan pa eh. Lumabas na ko nung tahimik na. Nasa kama kasi yung pangbihis ko eh. Yung damit at mga pang-ilalim. Nasa ibabaw ng kam---- NASA IBABAW NG KAMA YUNG MGA DAMIT KO?! TAPOS PU-PU-PUMASOK SI JOSE DITO SA KWARTO KO?! huwaaaaaaaaaaaaaaaat da!! bahala na!! nakita lang naman.
***
"Bukas may party yung kaibigan ko at isasama kita." sabi ni Jose habang kumakain ng nilgang manok. Alangan naman itlog ulit! baka mabugok na tong lalaking to pag nagkataon.
"Bat naman ako sasama sayo?! di ko nga sila kilala eh!" pagrereklamo ko
"Kailangan mo kong samahan! bka mamaya dumigin ako ng fans ko don eh!"
"weh? akalain mo yon may fans ka pala! bwahahahaha--- *ubo ubo*" taeng kanin yan. Nabilaukan tuloy ako ng wala sa oras.
"Sa pogi kong to? di magkakaron ng fans?"
"Sino sino mga fans mo? Sila elektrik FANS? dustFANS? FANStasy? paFANSin? FANtalon? FANsala----"
"Isa pa hahampasin na kita!" sabi nya sabay amba ng tinidor. Grabe nanatakot ako ah. Sobra. bwahahahahaha. Tinuloy ko nalang yung pagkain ko. Sarap kaya ng luto ko!
"Sa ayaw at sa gusto mo. Sasama ka! pero may pagpipilian ka pa naman eh...." ayos! meron naman palang pahpipilian eh!! gusto ko yan!
"Ano?" eksayted ko ng sabi.
"Pili ka sa dalawa.... sasama ka o....." pabitin naman!
"Wag ka ng pabitin jan! sabihin mo na! ibigti kita ng patiwarik sa puno eh! o ano na?" tagal kasi eh.
"O..... sasama ka!! mwahahahahaha!!"
"Edi sana sinama mo na sa pagpipilian ang magpatiwakal ng sarili."
"Ayoko nga. Wala na kong mapagtitripan"
"Tse!" kumain ako ng madali. Nilagyan ko ng madaming pagkain yung bunganga ko.
"Pe....nge....tu.....tu......tu......big......naba.......ra.....yu........yung.......ka......nin" tumakbo naman si Jose sa kusina. Pagbalik nya ay dala syang balde. Tapos yung laman na tubig binuhos nya sakin. May buo pang yelo.
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! HAN.....HANLAMIG..." nangangatog ako dahil sa lamig. Sya naman tawa lang ng tawa. Takte naman eh!! antayin mong makabawi ako Jose! mananahimik ka pag bumawi ako!
BINABASA MO ANG
Inday Wanders!
RandomStorya ito ni Inday at ang kanyang wonderful katangahan. Namasukang syang katulong. Dahil sa clumsy at bobita si Inday ay di maialis na lagi syang pinagtitripan ni Joe Reyes. Ito ay istorya ng malokong buhay nila... Leave comments... tanging hiling...