2.
FLARE'S POVSABAY kaming napatigil at lumingon, "Sana mali ang naiisip ko pero... it's not him, is he?" Binalingan ko siya ng tingin.
Huminga siya ng malalim at tinitigan ako sa mata. "It's him." Goodness, i knew it. Para bang hudyat ang mga katagang binitawan niya upang mapatakbo ako at tumungo sa pinagmumulan ng komosyon.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dun kung sakaling makasingit nga ako pero bahala na. "I know everything Lucca, and based from what I know you don't have the right to shut me up." Medyo nakahinga na ako ng maluwag nang kumalma na ang boses nito. Nakalapit na kami, sinundan pala ako ni Blaire.
Naka T-shirt lang ito na puti, habang ang pambaba ay uniporme. Gulo ang buhok nito at pawis na pawis kahit pa naka aircon dito. Jusme, anong nangyayare dito?
Nilingon ko ang paligid, may mga kumukuha ng litrato at nagvivideo. Hinawi ko sila at pasimpleng tinakpan. "Hehehe, tapos na po ang palabas. May bayad na po ang sunod na episode, 50 pesos tatlong minuto, sa mag-aavail ng ticket, dm me on twitter. Tsupi tsupi. Bbye po. Thank you for watching." Sinamaan ko sila ng tingin habang nakangiti. Pinaalis ko na sila, pagkalingon ko ay nag aayos na siya ng uniporme. At yung dalawa pang kaaway niya? Ayon, umiskapu na. Hindi niya pa ata kami napapansin.
Kinapa ko ang bulsa ko at binato sa kanya ang ano mang nahawakan ko. Tinamaan siya sa ulo, kaya napahagalpak ako sa tawa HAHAHAHAHAH. Una ay medyo napangiwi siya sa sakit, pero parang may tinignan siya sa baba at napahagalpak din ng tawa. Doon naman ako napatigil.
"Anong tinatawa tawa mo dyan? Ako lang dapat tumatawa eh!" Halos hindi na siya makahinga kaya lalo akong nainis, tinuro niya yung maliit na bagay sa bandang paanan ni Blaire na siya naman ngayong pigil na pigil sa pagtawa.
Parang nagslo-mo ang lahat ng lingunin ko ang tinuturo niya. Napansin ko ang kulay pink na batong marahil ay natanggal dahil sa pagkakabato ko. Dali-dali ko itong pinulot at sumalampak sa sahig, jusmiyo basag nanaman tong phone ko.
"Uy HAHAHAHAHAHAHAHAHAH tuma- HAHAHA -yo ka nga diyan." Tuloy-tuloy pa rin ang tawa ng walangya. Huhu. Tinignan ko ang phone ko kung nagana pa. At mula sa sira nitong screen ay nakita ko ang oras, 3:28 PM... "Ate... it's already 3:28 PM here."
Nagseryoso bigla ang mukha ng walangya kong kakambal sabay takbo sa Choffee Haven. Paano ba naman kasi, 3:30 ang susunod naming subject. At iyon, si kuya namang kanina pa tuwang tuwa sa katangahan ko, oo kuya namin iyan, ay pinilit umayos. "Asan gamit niyo? Hatid ko na kayo HAHAHAHAHA" at ayon, tawang-tawa pa rin siya.
"Lol, kala mo naman may lisensya ka." Pinulot ko na rin yung sira kong phone at binulsa, ano kayang idadahilan ko kay mommy neto?
"Di ako magdadrive, sira. Ang lapit-lapit ng SWA dito oh." Sabagay. Naglakad na ko papuntang coffee shop since andon nga pala ang gamit namin.
Pagdating don ay nadatnan kong nakaupo si Blaire, ayos na ang gamit at nagsscroll sa phone. Yung gamit ko? Ayon, nakabuyangyang pa rin. Nga naman, hindi niya naman gamit iyon.
"Bakit pa ba ko nag-expect diba, ang sakit sakit lang. Kasalanan ko rin naman diba? Asa ng asa eh." Pagpaparinig ko.
"Ah, Flare. Aren't you thanking me for not leaving your things?" Jusmiyo, sa lahat ng santong nakakarinig sa akin, nagdadasal po ako ng mataimtim, pigilan niyo po akong sabunutan ang long wavy hair ng walangya kong kambal.
BINABASA MO ANG
Death's Plan
Misteri / ThrillerNapalingon sakanya ang lalake dahil sa nagawa niyang ingay. Di maikakaila ang bakas ng gulat at pagtataka sa mukha nito. Dali-daling humakbang ang lalake palapit sakanya, kasabay ang daglian niyang pag-atras "saglit la-" hindi niya ito pinatapos sak...