CHAPTER EIGHT
NARARAMDAMAN ni Ava ang pag-aalala sa mahigpit na hawak ni Cleon sa kanyang kamay.
Mula sa pagmamasid niya kay Glaiza na natutulog sa hospital bed ay tumingin siya kay Cleon. Nakita niya ang sakit at takot sa mga mata nito na nagpapahirap sa kanya.
Pinilit niyang ngumiti para rito at pinisil ang kamay nito. Kahit doon ay maiparamdam niyang hindi niya ito iiwan.
Ang sabi ng nurse na tumingin rito ay nagpapahinga lang si Glaiza at mamaya ay magkakamalay na rin ito. Hinihintay nila ngayon ang family doctor nina Cleon na tinawagan na nito at sinabing paparating na.
"Everything will be fine," nakangiting sambit niya.
Naging malamlam ang mga mata nito. "Please stay here... don't leave me." Lalong humigpit ang pagkakahawak sa kamay niya.
Tumango siya. "Dito lang ako sa tabi mo," masuyong tugon niya.
Ngumiti ito na na parang sapat na rito ang mga salitang iyon mula sa kanya.
Nasa ganoon silang sandali ng marinig ang pagbukas ng pinto.
Sabay silang tumayo ni Cleon ng makitang pumasok ang doctor kasama ang isang nurse.
"Cleon, hijo!"
"Doctor Morales..." saglit na bumitiw sa kanya si Cleon at kinamayan ang doctor.
"I'm glad na nandito ka at kasama ka ni Glaiza." Lumapit ito sa kinaroroonan ni Glaiza at minasdan ito bago tumingin kay Cleon. "Matagal ko nang sinasabi sa kanya na isama ka o kaya ang mga magulang niyo kapag nagpapa check-up siya dito sa ospital."
Nakita niya ang pagkalito sa mukha ni Cleon.
"Kapag nagpapa-check up? Ano'ng ibig niyong sabihin doc? Kumusta si Glaiza? How's her condition? She's okay, right?" sunud-sunod na tanong ni Cleon.
Nakita niyang natigilan ang doctor. Tumikhim ito. "Im sorry Cleon but... Glaiza is still my patient and I respect whatever her decision is."
Naguluhan siya. Alam niyang ganoon din si Cleon.
Umiling-iling ang binata. "Hindi ko kayo maintindihan doc. Please... sabihin niyo sa akin kung ano ang lagay ni Glaiza."
"Cleon..." lumapit ito kay Cleon at tinapik ang braso. "I don't know her reason... kung bakit ayaw niyang sabihin sa inyo ang kalagayan niya. Pero ngayong nandito ka na... sa tingin ko ay kailangan mo nang malaman ang kondisyon ni Glaiza."
Naging seryoso ang mukha ng doctor. Kinakabahan rin siya.
"C-Condition?" nauutal na tanong ni Cleon. Alam niyang kinakabahan ito. "Walang sinasabi sa amin si Glaiza, doc," iiling-iling na sabi nito bago humugot ng malalim na hininga. Muli niyang hinawakan ang kamay nito. Naramdaman niya ang panlalamig niyon nang humawak nang mahigpit. "Bakit po ba siya nag-collapsed? Ano ang sakit niya?"
Nakita niyang nilingon ng doctor ang natutulog na si Glaiza bago ito seryosong tumingin sa kanila.
"Aside from her bruises, you can see those tiny red spots on her skin. And she collapsed because of fatigue and weakness. Those are symptoms of her condition because Glaiza has..." huminga ito ng malalim. "She has Acute Myelogeneous Leukemia."
Laking gulat niya sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Cleon sa kamay niya. Tumingin siya rito. Para siyang sinaksak ng libo-libong patalim nang makita ang sakit sa mga mata nito. Umiling-iling ito na 'di makapaniwala ang mukha.
BINABASA MO ANG
The Day We Met (COMPLETED)
RomansaThis is AVA CLARIDAD story. A sequel from For You I Will.