-CERYS-
Tahimik na naman si Phaedon... Ano kayang problema nito? Ako naman, wala na kong problema, nandito na ako eh, may magagawa pa ba ko? Saka kung gulo man to, edi okay lang, unang beses pa lang naman akong masasabit sa gulo.
Isa pa, dahil wala naman na akong magagawa, at kailangan kong tapusin tong special project kasama si Phaedon, wala na kong pakialam sa sasabihin ng iba.
Sa gitna ng playground dito sa park, wala kang maririnig saming dalawa ni Phaedon. Wala pang ano-ano'y sabay kaming bumuntong hininga, nagkatinginan at tumawa.
Nawala bigla ang "cool" na si Phaedon, ngayon, para bang pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Oo, matagal ko na siyang kilala pero... hindi ko siya kilala sa puntong alam ko lahat ng tungkol sa kanya.
Ngayon kasi, familiar siya. Hindi ko maipaliwanag pero para bang kumportable kami at walang awkwardness sa pagitan naming dalawa.
"Salamat." Sabi ni Phaedon habang nakatingin sa akin.
"Bakit ba kasi hindi ka pumapasok sa klase?" Tanong ko sa kanya. Ayaw ko namang magmukhang nanenermon pero gusto ko rin malaman kung bakit.
"Eh kasi, palagi na lang akong pinagsasabihan ni Papa, wag na daw akong mag-aral kasi wala naman akong kwenta." Sabi niya tapos natatawa pa siya sa lagay na yun.
"Eh bakit mo naman pinapanindigan na wala kang kwenta? Ano bang sitwasyon niyo ngayon?" Tanong ko na naman. Ang alam ko kasi nung highschool kami, kung tama yung pagkaka-alala ko, namatay yung Mommy ni Phaedon.
"Ganun pa rin, ayos naman lahat eh, lalo na pag wala ako dun. Saka, di naman din nila ko napapansin, laging yung ate ko yung magaling." Sabi niya. "Simula nung namatay si Mama wala na akong ginawang tama. Pabigat lang naman ako sa kanila eh." Dagdag pa niya. Tapos kitang-kita mo na malungkot yung mukha niya.
Di ko inaasahan na may mas malalim pa palang problema tong lalaking to.
Hindi ako sanay makipag-usap masyado sa mga may problema saka wala naman ako sa kalagayan niya para magsalita, isa pa, hindi rin naman ako nakikipag-usap sa mga lalaki kasi di rin naman sila open. Awkward kasi ako pagdating sa mga ganitong bagay.
"Yung mga barkada mo dati?" Tanong ko.
"Busy na yung mga yun. Saka, hindi naman nila alam yung mga problema ko dati." Sabi ni Phaedon. Mas lalo ko tuloy naramdaman na kailangan niya ako.
Pero teka, bakit nga ba pakiramdam ko kailangan niya ko? Ano ba kasing pumasok sa kokote mo Cerys?
"Alam mo, kaya mo namang patunayan yung sarili mo eh, pero hindi kailangang sila yung makapansin nung effort mo. Hayaan mong makita nung iba. Kasi, hindi naman ibang tao ang makakapagsabi kung may kwenta ka o wala eh. Sarili mo." Sabi ko na lang bigla.
"Sanay naman na ako na sarili ko lang, pero alam mo, tama ka. Saka ngayon, andyan ka na. Salamat talaga Cerys." Sabi niya at medyo ngumiti na siya. Buti naman.
"Bakit ka naman nagpapasalamat?" Tanong ko.
"Kasi ramdam ko na may tiwala ka sakin. At hindi ko yun sisirain." Sabi niya habang nakatingin sa mata ko.
Lahat ng inis na nararamdaman ko sa tuwing tumitingin siya sakin kanina ay napalitan ng tuwa kasi sa kabila ng lahat, kahit nagka-cutting class ako ngayon at sobrang init ng araw, may isang taong nagpapasalamat na nakilala niya ko.
BINABASA MO ANG
Differences And Coincidences
HumorNakakilala ka na ba ng isang tao na di mo naisip pero kapareho mo pala? Yung di mo inaasahan na magkatulad pala kayo ng mga trip sa buhay, kaya lang, sa harap ng ibang tao di mo aakalaing ganun pala siya, kasi sayo lang siya nagpapakatotoo. Magulo b...