Short update lang 'to. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko. Pasensya na.
Enjoy reading. Xoxo
Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Nikka. Lahat sila ay nandito na't kumakain, basang basa sila samantalang ako ay hindi pa. Iniisip ko ang lalaking nakita ko kanina. Bakit hindi ko siya maalis sa isip ko? Anong meron sa lalaking 'yon? Hindi naman siya espesyal sakin. Ni hindi ko nga kilala 'yon eh.
Ngayon ko lang siya nakita ngunit, bakit ganon ang epekto niya sa'kin? Hindi ko na siya maalis sa aking isipan.
Parang nakatatak na siya sa utak ko, ang mga mukhang iyon, mga ngiti't tawa niya. What the hell? Anong meron sa kanya?
Patuloy parin sa pagkain ang mga kaibigan ko. Nagtatawanan at nagkukwentuhan sila. Ako lang ang tahimik sa kanila, tahimik na nakaupo't maraming iniisip. Huminga ako ng malalim at iniling ang ulo ko. Di ko dapat isipin ang lalaking iyon dahil, wala naman siya sakin. Nothing special.
Napatalon ako sa gulat dahil may humawak sa'king kamay na nakapatong sa lamesa. Nilingon ko ang taong humawak at nakita ko ang mga mata niyang puno ng lungkot.
"I'm sorry" Halata sa boses niya ang pagkalungkot. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak do'n. "I'm really sorry Mm" sabi nito
Kitang kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtitig ng mga kasama namin siguro nagtataka sila kung bakit humihingi ng tawad sakin si Axel.
"What happend?" Tanong sakin ni Daniela ngunit hindi ko siya nilingon. Tinuon ko ang pansin ko kay Axel na nakatingin sa mga mata ko
"It's okay Axel, sorry din kung nasigawan kita kanina. 'Di ko sinasadya 'yon. Sorry" Yumuko ako dahil hindi ko kayang tignan siya. Ramdam ko parin ang titig ng mga kaibigan namin
"Ako dapat ang magsorry Mm, dahil nagalit ako. Nagalit naman ako kasi--" Naputol ang pagsasalita niya nang nagsalita si Nikka
"Teka, ano bang nangyayari sainyo? Nag away ba kayo?" Sakin natuon ang pansin nila. What? Bakit sakin ba't hindi kay Axel?
"Oo nga dude, what happen--"
"Nagselos lang ako" pinutol ni Axel ang pagsasalita ni Casper. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Napatitig ako sa kanya, nakayuko siya.
"What?! You are? Shit! Ano bang nangyayari ha? Mm?" Naiinis na sabi ni Nikka sakin. Sakin na naman ang titig nila. No way. Di ako magsasalita bahala kayo diyan.
Jelous? Why? At kanino naman. Duh? May dapat ba siyang ikaselos? Gosh! Naiilang na naman ako. Nakaramdam na naman ako ng hiya dahil sa sinabi niya.
Tumayo ako, gusto kong iwasan ang usapang 'to. Hindi talaga ako kumportable sa ganitong pag uusap.
Narinig ko ang mga tawag nila sakin pero hindi ko sila nilingon. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Hanggang sa makarating ako sa kung saan ako nakaupo kanina no'ng nag walk out din ako sa away namin ni Axel.
Naalala ko na naman ang lalaking iyon. Goodness, ano bang meron? Bakit di ko siya maalis sa utak ko?! Damn!
Ginulo ko ang buhok ko. Wala akong pake kung anong isipin ng mga nakakakita sakin. Ang gusto ko lang ay maalis ko siya dito sa utak ko, sa isipan ko. "Ugh"
"Macey?" Napalingon agad ako sa taong tumawag sa pangalan ko.
Umupo siya sa tabi ko at nilublob din sa tubig ng pool ang paa niya, tulad ng akin
"I'm really sorry Mace. Sorry" yumuko siya na parang nahihiya. Hindi ko pa rin alam bakit puno ng galit ang mga mata niya kanina, na parang gustong manakit ng tao. Pero, pinapigilan lang niya
"Axel, Ayos lang naman sakin 'yon. Ang hindi ko lang alam bakit ka galit kanina. Kaya, napagtaasan tuloy kita ng boses" Bahagyang humina ang boses ko
"I'm just je---" pinutol ko agad ang pagsasalita niya. Alam ko sasabihin na naman niya na nagseselos siya at hindi ako kumportable 'pag ganon ang topic, lalo na pag sakin.
"Yeah, i know. Don't say it" sabi ko. "Ayos lang 'yon. Axel, dapat nga ako 'tong magsorry kasi nasigawan kita. Saka, it's your day. Your birthday" nilingon ko siya. Nakangiti siya kaya ngumiti din ako
"So? Are we alright?"
"Yes. Happy Birthday" Matapos kong sabihin 'yon, nagulat ako ng hilain niya ako para yakapin.
Hinayaan ko na lang siya tutal kaarawan nita naman. Pagbibigyan ko siya ngayon. Ngumisi ako at niyakap ko din siya
'Pag may hindi kami pagkakaintindihan ng barkada, hindi naman nagtatagal 'yon. Hindi umaabot ng isang araw dahil inaayos din namin agad
"Thank you. This is the best birthday ever" Tumawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Lagi niyang sinasabi 'yan kapag binabati ko siya sa tuwing kaarawan niya. Walang bago
Bumalik kami sa cottage. Nakita ko na nagtatawanan parin ang mga kaibigan namin.
Napakunot ang noo ko dahil parang dumami sila. Nilingon ko si Axel sa tabi ko para tanungin siya ngunit nakita ko din ang nagtataka niyang mukha. Nagpatuloy kami sa paglalakad
Nang makalapit kami, lumingon sila samin
"Oh ayan na pala sila" masayang sabi ni Ally. "Come here"
Lumapit ako sa kanila at umupo sa gitna nila Nikka at Daniela. Nang makaupo ako, nanlaki ang mata ko dahil nakita ko ang lalaking hindi ko matanggal sa isipan ko kanina.
'Shit' sabi ko sa loob ng isipan ko.
A/N: Ngayon pa lang nagpapasalamat na 'ko sa mga reader/s na nagtatiyagang basahin ang kwentong ito Lalo na sa classmate / bestfriend kong si Jieselle Candido. Thank you be. Mwa! Hehehe