CHAPTER 10

3K 51 3
                                    

Elysis POV
Natigilan ako nang lumuluha na siya. Parang sumobra yata ako. Bintitiwan ko ang mga braso niya , sa lahat nang binully ko ngayon pa ako naawa. Mag so-sorry sana ako pero nakita ko si Jalery na papunta dito. Kaya umalis nalang ako. Sumilip ako nang saglit at nakita kong umiiyak na talaga si Ethyl. "Ano ba ang ginawa mo Elysis!" bulong ko sa sarili ko.

Papunta na ako sa classroom nang harangin ako ng taong kina-iinisan ko at walang iba kundi ang taong transferee na akala mo kung sino.

"Ba't mo ba pinahihirapan ang pinsan ko?! pati babae pinapatulan mo?! Duwag ka pala ehh!--" naputol ang kanyang pagsasalita dahil sinuntok ko siya dahil sa inis ko. "Totoo naman ang sinabi ko, ba't ayaw mo harapin yung ex mo! bakit? dahil nahihiya ka?! O natatakot ka sa katotohanan!--" Pinutol ko ulit ang pagsasalita nang sinuntok ko siya ng malakas.

"And dami mong daldal! Alam mo ano ang katotohanan? Kung hindi ka lang sana bumalik sa Pilipinas. Wala sana akong magiging problema, wala sana akong pahihirapan. Kasalanan mo ang lahat. Hanggang awa ka nalang sa pinsan mo dahil mas papahirapan ko pa siya" galit na sabi ko sa kanya.

Umalis nalang ako na parang walang nangyari at bumalik sa room. Habang nag ka-klase kami ay hindi ako makapag pokus dahil naiisip ko parinang nagawa ko kanina. Nag iisip ako na humingi ng tawad kay Ethyl pero ba't ko naman gagawin yun. Pag tatawanan lang ako nang mga barkada ko. Huwag na nga, pero nakokonsensya na talaga na ako sa ginagawa ko sa kanya.

Nag ring na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Pumunta agad ako sa basketball court kung saan magkikita kami sa mga barkada ko. Mag babasketball daw kami. May pustahan kasi kami na kapag ang team nila ang mananalo ay ipa hihiram ko ang sasakyan ko sa kanila for 3 months pero kapag ginawa ko yun siguradong pag ibinalik nila ang sasakyan ko ay buto nalang ang makikita ko sa sasakyan ko. Pero kapag ang team ko naman ang manalo ay gagawin nila ang lahat ng utos namin for 1 month.

Pag dating ko sa basketball court ay nakita ko sila Nathan, Joseph, Ian, Drake, Gab, Luke at Matthew, Rejan. Nilapitan ko sila at binati nila ako.
"Ano na? Laro na tayo?" anyaya ko.
"Hindi pa tayo makakapaglaro" sagot ni Joseph.
"Hinihintayin pa natin yung isa pang kasama namin, eh kulang kami" Paliwanag ni Matthew.
"At sini naman yung bagong kasamahan niyo?" Tanong ko.
"Hindi naman siya bago" sabi ni Ian.
"Sino naman siya?" tanongbko ulit.
"Si--" naputol ang pagsasalita ni Ian nang sumigaw si Nathan "Bryan!!! Dito"

Parang nangdilim ang mga mata nang madinig at makita ko ang pagmumukha ng isang hindi ko kilalang tao. Binati nila si hindi ko kilaka. Sa lahat ng tao sa school na pwede si sumali ba't siya pa.

"O ano laro na tayo?" anyaya ni Nathan. "Bakit siya pa ang sinali niyo sa team niyo? ehhh ang lamya niya" tanong ko kay Matthew. "Anong sabi mo?" tanong niya at tumingin sa akin. "Bakit hindi ba?" panghahamon ko sa kanya. " Tignan lang natin" sabi niya at tinapon ang bola sa akin.

Ang nasa team ko ay si Nathan, Joseph Luke at Rejan at ang team naman ni Brrrrr ayaw hindo ko masalita ang pangalan niya basta ang team niya ay sina Matthew, Ian, Gab, at Luke.

* Game starts
14- 26 nangunguna ang team namin.
48-45 nangunguna na ang team nila.
57-56 isang puntos nalang para lumamang ami.
77-85 lang kami ulit. Sisiguraduhin kung matatalo sila.
95-93 Malapit nang matapos dalawang puntos ang lamang nila
103-97 final score. Nanalo sila ang lamya ni Gib kaya kami natalo nakakainis.

Ang saya nang team nila Brra.. di ko talaga masabi ang pangalan niya. Lumapit si di ko kilala sa akin. "Mukhang mali ka yata kanina. Natalo yung team niyo" pagmamayabang niya. Kinuha ko yung backpack at lumapit sa kanya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya "Wala akong paki sayo, kung ano ang tingin sayo di na yun magbabago"bulong ko binanga ko siya at umalis na.

Pauwi na ako nang makita ko ai Ethyl. Alcohol pala siya pangalan yan ng alcohol Ethyl. "Hoy alcohol!" sigaw ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at nag patuloy sa paglalakad. Sinundan ko siya pero ayaw niy talaga akong pansinin siguro galit pa siya sa akin. Tumakbo ako para ma una ako sa kanya at humarang sa dindaanan niya. Ayaw niyang tumingin sa akin. Tumitingin lang siya sa baba. "Ethyl tumingin ka nga sa akin" demand ko sa kanya. Pero ayaw niya. "Pag di k tumingin hahalikan kita. Bibilang ako hanggang lima pag hindi ka titingin hahalikan talaga kita. "Isa dalawa tatlo apat..." naputol ang pagsasalita ko nang biglang nilapit niya ang mukha niya para halikan ako. Pero mabilis din akong naka iwas pero ang lapit-lapit na nang mukha namin. Natigilan ako tinititigan ko ang mukha niya na napakalapit sa akin ang ganda pala niya yung mata niya ligh brown sobrang ganda niya. Bumalik ako sa sarili ko nang mag salita siya "Hindi mo naman pala kaya ehh hanggang salita ka lang pala". Umalis agad siya parang akong pinako ang mga paa ko at hindi ako makagalaw sa hiya at gulat.

Ano bang nangyayari sa akin? ba't nagugustuhan ko na siya. Parang lumalambot na ang puso ko para sa kanya. Handa na nga ba akong umibig ulit at kalimutan na si Jalery.

______________________________________________/End of the Chapter\_________

Anong tingin niyo magugustohan kaya rin ni Ethyl si Elysis kahit napaka pangit ng ugali niya?

Don't forget to vote, comment, and share.
Follw me in wattpad
also in instagram @shainaC_april

Keep on reading I love you all. ❤

The Mr. Bad Boy's DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon