Prologue

22 1 3
                                    

"Hmm, Aaahh.."


"Ugh! Ang sakit."




"Teka kasi, wag kang malikot.."




"Aaaahh!! Shiiit...Diana.."




"H'wag kang gumalaw Ian.."




"Ang sakit sakit na kaya!"



"Ang likot mo naman! Ang gaan gaan ko lang naman sa ibabaw mo!"


"Eh nangangalay na ko.."


"Sssshh wag kang maingay.."


Tumaas ang ulo ni Ian Verhel ng tignan nito si Diana kaya lalo itong napa-ungol ng malakas. Bumaba si Diana sa pagkakapasan kay Ian Vergel at halata mo sa itsura nito ang iritasyon.


"Pisti ka! Hindi ko tuloy makita yung crush ko!!"




"Aba! Kanina pa kaya ako nakayuko dun! Sa tingin mo ba hindi ako nangangalay at nabibigatan sayo?!"





"Eh kasi naman Ian eh! Alam mo namang super crush ko si Jim Alfred gusto ko lang naman sya mapanood mag Basketball kaso bawal pumasok sa loob. Tsk!"



"Bakit naman kasi hinahabol mo pa 'yang si Amman, eh nandito naman ako."



Kinindatan ni Ian Verhel si Diana Dizon at nag pogi sign pa. Nais masuka ni Diana sa itsura nitong mukang si Makibao.





"Ew, ha. Alam mo namang hanggang best friends lang tayo Ian. Wag ka naman mag pakilabot."





"Napakasama mo naman. Ikaw na nga 'tong tinutulungan gaganyanin mo pa ako."




"Eh ikaw naman keshe eh."




"Bakit ba kasi pinipilit mo yung sarili mo sa mga crush mo na hindi ka naman magustuhan? Ni hindi ka nga napapansin!!"


Tinignan ng masama ni Diana si Ian Verhel.



"Nung una si Ralfh Castro. Yung Mvp ng Chinese Garter. Hindi ba't lagi kang nakiki-epal makipag laro sa mga yun para lang mapanood mo syang mag laro nun? Pero nung nalaman mong pati barbie ay meron 'sya, nandiri ka at muntik pang ilubog ang sarili mo sa lupa."





"H'wag mo na nga yun ipaalala sakin!!" Galit na wika ni Diana ngunit hindi tumigil si Ian.




"Tapos matapos kang makapag move-on, doon ka naman nahumaling sa Singer na kumanta nung, One day tsaka nung 'Ano ang iyong pangalan🎶 Nais kong malaman~' Sino ba yon? Si L-limuel Ford?! Basta yon! Lahat ginawa mo, magpapansin lang dun! Tuwing naririnig mo yung boses 'nya, nagwawala ka na sa kilig, tapos nung binigyan mo sya ng maliit na note na may number mo, sinabi 'nyang wala silang Loading station kaya nabobohan ka sa kanya at naturn-off."




"Eww, he's so tanga naman kasi. Tsaka Akala ko makinis yung mukha nya nung makita ko sa personal. Pinapakinis nya lang pala yung mukha nya sa facebook!"


Natawa ng malakas si Ian.




"Uy makatawa ka, kala mo ang linis ng muka mo ah?!" Dagdag ni Diana kaya natigil si Ian at napa kamot sa ulo.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY KOREAN CLIENT (Saranghae Oppa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon