Chapter 53 : Akin Lang

401 7 0
                                    

Chapter 53


Kylie's POV

Time Check: 5:30 AM

Bumangon na ako at ginawa yung daily routine ko. After kong maligo at magayos. Bumaba na ako para mag-almusal. Pumunta ako ng kusina at kumuha ng bottled water sa ref.

"Anong ginagawa mo dito?" rinig kong sabi ni Lays. Nasa kusina na ako nyan ha! Agang-aga, bumibida nanaman ang bunganga niya!

At sino naman yung kausap niya? Mukhang beastmode agad ang babaita. Baka isa sa mga manliligaw niya?

"Chill. Hindi mo ba ako namiss? Kasi ako, miss na miss na miss na miss na kita." sabi nung kausap niya. Well, lalake nga yung kausap niya.

"Don't me. Sapak you want? Alam ko naman na si Kylie ang pinunta mo dito!"


Kieran's POV

Kanina pa ako andito sa tapat ng apartment ni Lays. Actually 5 AM ako dumating dito. Gustung-gusto ko na siya makita. Not only today, but everyday. Sa totoo nga, miss ko na siya agad.

Ganito na ba talaga ako kabaliw sakanya? Hindi naman kasi ako ganito kay Hailey dati. Ngayon lang talaga ako naging ganito.

Pumasok na ako sa loob. Sure ako na gising na ang dalawang yun. Lalong-lalo na si Lays. Maaga magising ang babaeng yun! And speaking of her. Ayun siya at busy sa pagwawalis.

"Hi, beautiful." sabi ko at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Pero imbis na suklian niya ako ng ngiti, sinamaan niya ako ng tingin!

"Anong ginagawa mo dito?" badtrip nyang sabi. Grabe siya oh! Agang-aga, beastmode agad?

"Chill. Hindi mo ba ako namiss? Kasi ako, miss na miss na miss na miss na kita." I said and do the pout thingy.

"Don't me. Sapak you want? Alam ko naman na si Kylie ang pinunta mo dito!" sigaw niya. Napailing nalang ako.

"Alam mo naman pala, dami mo pang sinabi."

"Kung tadyakan kaya kita dyan?" sabi niya at umarte pa na sisipain ako.

"Wag naman!" sabi ko.

"Pumasok ka na nga kung papasok ka!" inis nyang sabi at inirapan ako. Mga babae talaga! Papasok na sana ako ng bigla kong maalala yung kagabi.

"Lalay.."

"Ano nanaman?"

"Sa susunod nga na makakasalubong mo ulit si Kylie, pwede bang ipaalam mo sa'kin na hihiramin mo siya? Pinagaalala niyo ako!" nakita ko na nag iba yung itsura niya.

"Anong pinagsasasabi mo dyan?"

"May amnesia lang? Hindi ba't nagpasama ka sakanya kagabi? Alas nueve na nga kayo nakauwi eh." nakakunot pa din ang noo niya na para bang wala syang alam sa sinasabi ko.

"Ako? Nagpasama kay Kylie kagabi? Paano naman nangyari yun eh kararating ko nga lang galing trabaho!" pero bakit ang sabi niya sa'kin kagabi.. kasama daw niya si Lays? Kung hindi si Lays yun.. sino naman yung kasama niya kagabi?

"Kalimutan mo na yung sinabi ko." sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

"Baliw ka talaga! Mag stay ka nalang dito. Naalala ko na hindi pa nga pala ako nakakapaglinis. Ako nalang ang tatawag sakanya para sa'yo." sabi niya at tumango lang ako.

Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung sino yung kasama niya kagabi. Sino siya at nagawang mag sinungaling sa'kin ni Kylie.


Kylie's POV

I'm In Love With An Idiot (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon