Chapter 1

405 16 2
                                    

Please vote and comment. :)

“Emo ka yata?” bungad ni Miya sa kasamahang nagmumok sa isang tabi. Nasa pantry sila ng opisina. Hindi nila break. Lakwatsera lang talaga siya. Si Celia naman ay problemado lang talaga.

“Namimiss ko iyong mga anak ko.” katahimikan naman ang nasagot niya sa drama nito. Alam ng buong kompanya na pinagtatrabahuan niya ang klase ng drama sa buhay meron si Celia. Nagwala ba naman ang asawa nito sa harap ng building nila. Hindi ka kaya maeskandalo? O mang usyuso? Nakipaghiwalay si Celia sa asawa nito dahil hindi na nito matanggap ang pang-aalila ng manugang nito dito. Mas heavy pa sa teleserye ang talambuhay ni Celia.

Kung siya gagawa ng libro, ang buhay ni Celia ang una niyang gagawan ng kwento. Pero dahil di niya kaya, ang mang usyuso na lang ang ginagawa niya.

Isa sa mga rason ng paghihiwalay ng mga ito ay ang kawalan ng backbone ng asawa nito. According to Celia, wala daw itong planong magsarili. Up until the end of their marriage, nakikibukod pa rin ang mga ito sa mga manugang. Kaya nga may karapatan ang buong family tree ng asawa nito na alilain ito.

Sa paghihiwalay ng mga ito syempre bitbit ni Celia ang mga tatlong bubuwit nitong ang kukyut. Iyon nga ang dahilan ng paghuramentado ng asawa nito sa harap ng building nila. At dahil nga may pera, may pagka hudas at may pagka-sakim nga ang pamilya ng asawa nito nilusob ng mga ito ang apartment na nilipatan ni Celia at kinuha ang mga anak nito. May props pang mga pulis at pinagbintangan itong kinidnap ang mga anak. Kung siya ang tatanungin isa iyong malaking kahangalan. Paano mo naman kikidnapin ang sarili mong anak? Kalokohan.

Kaya ngayon nasa korte ang kaso ni Celia. Nasa custody ng asawa nito ang mga anak and she’s fighting tooth and nail to get her kids back. She really admires Celia’s courage. Ni minsan hindi niya ito nakita ng kahinaan. There are moments like this that she would see her lonely. But that was it. She never for one second said she’d give up. If she was in her shoes, she would’ve gone crazy juggling her personal problems at par with her career. She never would’ve made it.

“Kumusta na ang kaso mo?” tanong niya. Umiling ito. Isang senyales na hindi maganda ang kinahihinatnan ng kaso nito.

“Nanghihina ako pag naiisip ko ang custody ng mga anak ko. Ang hirap ng ganitong wala akong masandalan. They were all packed against me. I don’t have anything. Ang balita ko magpapalit sila ng abogado. Magaling daw iyon na trial lawyer. Hindi naman ako magdududa na gagawin nila lahat just for me to suffer. They have all the means. May pera sila. Habang ako iyong abogado ng gobyerno lang ang kaya kong pagtiyagaan.” Ginagap niya ang kamay nito. Nararamdaman niyang naghihina na ito.

“Celia, magtiwala ka. This is something you can never give up. You never get to lose on this. It’s about your children. You are their mother. There is no other obvious equation than that.” Alo niya. Nakikita niyang naiiyak na ito.

“I know. But I feel so selfish, Miya. Nahihirapan iyong mga anak ko kapag nakikita nila kami ng Daddy nila na nagsisigawan sa harap ng Judge. I feel that each time, I’m corrupting a part of their innocence. This is not the life they deserve. I have never felt so selfish. I don’t think I can go on.”  natahimik siya. Yes. They definitely do not deserve witnessing their family falling apart at such a tender age. Pero paano naman ang kaibigan niya? Kailangan niya rin ang mga anak niya. She knows Celia can take care of her kids than those morons. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay nito.

“Celia, I will be with you. You need to get you’re kids back. You deserve them more than anyone else.” Tango lang ang nasagot nito.

“Kaya mo to. I will help you.” Niyakap siya nito.

“Salamat Miya. You never fail to make me feel better.” Naawa siya sa kaibigan niya. Kaya napepeste siya sa pagmumukha ng asawa nito noong una niya itong makita. Alam talaga niyang problema lang ang dala nito. Mukha kasi itong sanggano na ewan. Mayaman lang na version. Alam niya, sa korte pa lang ng pagmumukha nito, pasakit lang ang kaya nitong ipamahagi sa buong mundo.

Miyaka's FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon