“Sabihin mo ano…” na-hang si Allie sa sasabihin dahil dumating na ang secretary ni Lawrence. Nasa opisina na silang tatlo ni Lawrence. Napagdesisyunan nilang tatlo na mag halfday today para mameet nila si Lawrence. The trial is next week. If they were to plead they have to do it now.
“Good Afternoon!” magiliw na bati ng sekretarya. Plastic siyang napangiti rito. Kinakabahan siya. Sana maintindihan nito ang rason ng kaplastikan niya.
“Mr. Montoya is already waiting. Please follow me.” Tumango lang siya. Tinulak siya ni Becky nang hindi pa siya humahakbang kasunod ng sekretarya.
“Kinaka-.” Becky motioned “quiet” by acting like she’s zipping her mouth. Natigil naman siya. “I know. I know. Focus.” sabi nito. Natahimik na talaga siya ng tuluyan. Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. Siguro dahil may malabong history sila ng lalaki? O dahil gwapo ito? O dahil alam niyang hindi basta-basta ang gagawin niya at baka pagtawanan lang sila nito? There are a lot of things that’s troubling her now. At pakiramdam niya ay masusuka na siya sa kaba. The secretary lead them to a door.
The office is fully carpeted and there’s glass everywhere. Wala siyang nakitang kulay maliban sa gray at black. Napakabusiness like ng aura. Napakahindi niya feel. Hawak na ng sekretarya ang pinto. At nang itulak nito pabukas iyon, nahiling niya na sana naaksidente na lang siya papunta roon. Dahil nakangiti ang lalaking nakikita niya. At sa ngiti pa lang nito, alam niya matatalo na sila sa kaso nila.
Hindi inaasahan ni Lawrence ang nakikita. Isang singkit na babaeng bob cut ang gupit ang nakatayo sa bungad ng pinto. Mukha itong Haponesa. Maliit ang mukha at makinis ang balat. Payat ito at maliit. Hindi nga lang halata dahil naka pumps ito sa ilalim ng tight-fitting jeans at putting ruffled blouse. Ito lang naman ang lukaret na schoolmate niya noong college.
Nawala na ang iritasyon na parati niyang nararamdaman dito noon. Siguro dahil na rin sa tagal na hindi niya ito nakita. Natatawa siya dahil hindi niya inaasahan na makikita pa niya ulit ito. Parang walang nagbago rito, aaminin niya katulad noon, cute pa rin ito. Pero naisip nya… Divorcee ba ito? Parang ang bata pa nito para magka-asawa. At lalong mas bata pa ito para sa annulment. Siguro isa sa dalawang kasama nito ang magiging kliyente niya.
Parang ayaw kasi niyang maniwala na ito ang magiging kliyente niya. Mukha kasing wala sa mukha nito ang pagiging diborsyida. Pero ano ba ang paki-alam niya? Hindi na iyon sakop sa trabaho niya. Curious lang siguro siya dahil kahit naiirita siya rito noon may pakiramdam siya na hindi ito katulad ng karamihan sa mga babaeng nakakasalumuha niya. Mukha kasi itong inosente. Parang hindi ito marunong manlamang ng kapwa. Siguro dahil na rin sa klase ng ganda meron ito. Parati kasi itong mukhang nakangiti. Pero malayo sa ngiti ang ekspresyon nito ngayon. Mas mukha itong kinakabahan. Para itong namatanda habang nakatitig sa kaniya. Kahit mukha itong timang nakakatuwa pa rin itong tingnan.
“Good Afternoon, Mr. Montoya.” narinig ni Miya na nagsalita si Becky. Tumayo si Lawrence at lumigid sa mesa nito. Sinalubong si Becky. He offered his hand. Becky accepted it. “Good Afternoon, Ms. Tantoco.” Nahimasmasan siya ng marinig ang pangalan. “Oh no.” sabi ni Becky.
“I’m Veronica Lopez.” pakilala nito sa sarili. “She’s Alison Dumandan.” Turo nito kay Allie. Na maarteng kumaway. At hinila siya nito. “This is Miyaka Tantoco.” itinulak pa siya nito palapit. Ginawa talaga siyang pain. Wala naman siyang magawa kundi makipag shake hands. Ang lambot ng kamay nito. Nahihiya ang kalyo niya sa katawan.
“Hi.” was all she was able to say. Tumango naman ang lalaki. Bumalik na ito sa seryosong aura nito. “So…” he started pacing back to his table. “What can I do for you?” Nilunok muna niya lahat ng laway na naipon dahil sa kabang nararamdaman. “We’re here for our friend.” Lawrence motioned the seats infront of his table. Mabilis naman siyang umupo kasabay ng dalawa. Kung bakit naman kasi sumang-ayon siya na siya ang makikipag-usap sa lalaki! Wala na tuloy siyang masabi ngayon!

BINABASA MO ANG
Miyaka's Fire
Romance“Maaga akong namulat na hindi totoo ang happy ending. Maaga kung naramdaman na hindi sapat ang pagmamahal sa isang relasyon. I was so young, Miya. I deserved to be innocent but they robbed it from me. Maaga kong naranasan na walang sapat sa mundo. P...