Sasakyan (Complete)

71 0 0
                                    

Alas sais (6 o'clock) palang ng umaga, nakatambay na sa harap ng bahay nila si William, ang aking matalik na kaibigan, na akin ring kapitbahay. Dumudungaw palang kasi ako sa bintana sa kuwarto ko, kitang kita ko na ang taong yun, nakatunganga at nag-aabang nanaman ng mga sasakyan na umaarangkada sa kalye namin. 

Mahilig sa sasakyan si William, halos lahat ng laman ng kuwarto niya puro koleksyon niya ng mga kung anu-anong sasakyan na laruan, maski kumot, punda, kurtina, lahat na, lahat may tatak ng mga sasakyan. Simula pagkabata gusto na niyang magkaroon ng sariling sasakyan, yung tipo daw ba na puwede siyang magdrive at makarating sa kung saan saan.

Siya nga pala, bago ako magpatuloy, ako nga pala si Jam. Bumaba ako at pumunta sa kinaroroonan niya, "Hoy! Umagang umaga puro nanaman pag-iimagine ang ginagawa mo diyan!", sabay tingin sakin at sinabing, "Eh ano bang masamang mag ilusyon? Tsaka malapit ng matupad ang pangarap kong magkaroon ng kotse, sinabi ko kay Papa na bibilhan niya ako kapag nakagraduate na ako sa kolehiyo". Ahh! Oo nga pala naalala ko, 5th year college na pala kami ng mokong, at ga-graduate na kami next week, ang bilis talaga ng panahon, malalaki na kami, pero itong kaibigan kong 'to isip bata parin kung makaasta.

"Haist, tumayo ka na diyan ui! Tulungan mo si Tito Juan sa talyer, hindi ka man lang naawa sa tatay mo, kumakayod araw-araw habang ikaw nag i-ilusyon kada umaga rito". Hinihila ko siya at hindi naman siya pumalag. Nang tinulak ko na siya papunta sa loob ng bahay nila, sumigaw siya, "Teka Jam!", napalingon ako at sinabing, "Oh ano na naman?", ang sungit naman neto, sasabihin ko lang, "Matutupad pangarap ko tandaan mo yan! Magkakaroon ako ng sarili kong kotse", tinaas ko ang kilay ko sabay sabing, "Sus! Ikaw bahala, dapat makikita ko yang kotseng yan after ng graduation, kung hindi pepektusan kita",  walang mintis niyang sinagot, "Oo!".

Aaminin ko, hindi ganun kayaman sila William at ang pamilya nila, si Tito Juan, isang hamak na manggagawa lamang sa talyer, at si Aling Maria ay nalalagi lamang sa palengke para magbenta ng isda. Ako naman, sapat lang din ang kinikita ng mga magulang ko, kaya masasabi kong mas may kaya kami ng kaunti, hindi naman namin pinagkakait ang kung ano ang meron kami sa pamilya nila William, dahil matalik rin na magkaibigan ang mga magulang namin. Pero masasabi kong masipag at matiyaga at malakas ang pananalig nila Tito Juan at Aling Maria kaya mukhang umaasenso na sila.

Lumipas ang mga araw, araw bago ang graduation day na, kinausap ni William ang kanyang Papa patungkol sa regalong hinihingi niya pagkatapos mismo ng graduation day niya, wala naman naging problema sa pag-uusap nila, kaya tuwang-tuwa at excited si William kinabukasan.

Graduation day na, nagkasalubong kami sa hall, sinabi ko, "Oi, yung kotse mo ha? Isakay mo ako. Hahaha", pagmamayabang niyang sinagot, "Siyempre, kahit ilibot pa kita sa kahit saan, tara na sa loob, magsisimula na yung rites". 

Pumasok na kami at nagsimula na ang programa. Pagkatapos ng nasabing program, lumabas na kami, yakapan, at iyakan ang naganap, si William nakita kong patakbo na sa labas, ako naman nagpaalam ako sa mga magulang ko na sasabay na ako pauwi kay William kaya naman sinundan ko siya, naghihintay doon ang mga magulang niya, si Aling Maria, tuwang tuwa, at ganun din si Tito Juan.

Nang makauwi kami, lumapit ako at kinung-gratulate ko ang mag-asawa, biglang sabat ni William, "Tay yung pangako mong regalo asan na? Eto ba?", sabay lapit sa mukhang bagong kotse, sinabi naman ni Tito Juan, "Hindi yan anak, eto ang regalo ko". Iniabot ni Tito Juan ang isang bibliya, laking gulat ni William sa nakita, "Ginawa ko naman ang lahat ng gusto niyo, tapos yung gusto ko di niyo man lang maibigay? Ano to bibliya, aanhin ko yan, makakarating ba ako sa mga lugar na gusto kong puntahan gamit yan!!!!", galit na sinabi ni William. Hindi nakapagpigil si William at ibinato niya ang bibliya sa sulok. Hindi nakaimik si Tito Juan, ganun din si Aling Maria, maski ako. Hinawakan ko ang balikat niya pero ayaw niyang paawat bagkus umalis na siya sa kanila.

15 years after. May sari-sarili na kaming pamilya, wala na akong balita kina Aling Juan at Maria, ganun din kay William pero may nakapagbigay alam sa akin na isa ng sikat na inhinyero si William sa Dubai. Umuwi ako sa probinsiya kung saan nakatira ang mga magulang ni William para ipaalam ang good news pero sa pagdating at pagbisit ko nalaman kong may matinding karamdaman na pala ang ama ni William kaya naman gumawa ako ng paraan para macontact  ito.

Nacontact ko siya pagkaraan ng tatlong araw, sinabi ko ang kalagayan ng kanyang ama, kaya naman hiniling kong umuwi siya at makipagayos sa ama niya. Ngunit sa pagdating niya laking pagsisisi niya ng malamang pumanaw na ang kanyang ama. Binalikan niya ang bahay at yung mga panahon na pinag-awayan nila ang isang pangako na akala ni William ay napako, laking gulat ni William ng nakita niya parin ang bibliya sa sulok kung saan niya huling tinapon ito, pinulot niya at may nalaglag, ito ay isang susi ng sasakyan na gusto niya, pagkabuklat niya sa bibiliya, may nakita siyang resibo na nakalagay, "FULLY PAID". 

Kailan kaya natin matututong pahalagahan ang mga bagay na binigay sa 'tin? Wala sa unahan ang pagsisisi kundi laging nasa huli.

END OF THE STORY ~ Thank you for reading.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sasakyan (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon