"Love is the greatest thing that will ever happen to a person but sometimes it can bring you Misery" (GABRIEL)
"Affair is not my style Im just going to get my girl" (GABRIEL)
"She is my wife and my treasure" (MIGUEL)
"I can't choose between my husband and his brother" (ANGELA)
"If getting my girl is a sin,Iam EVIL" (GABRIEL)
Teaser
GABRIEL POV
Matagal na panahon na rin pala ng huli akong umuwi dito sa Pilipinas. Maraming masamang alaala ang naranasan ko, pero wala pa ring hihigit sa kasiyahan na naibigay sa akin ng bansang ito.
Umuwi ako dahil ngayong araw ang kasal ng aking kakambal na tinatawag kong kuya Miguel. Hindi ko nga akalain na may babaeng magtitiyaga sa malamig niyang ugali, pero ano nga ba ang hindi imposible sa salitang pag-ibig. Kahit ako ay nabago nito.
Nagmamadali akong pumasok sa Wedding Hall, kasi ba naman napaka-traffic sa labas. Wala pa rin talagang pinagbago ang kalye dito. Dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi maka-abala sa kasal nila, ngunit imbis na kasiyahan ang aking naramdaman, nabalot ako ng gulat at matinding pighati. Pakiramdam ko ay binagsakan ng isang libong sundalo ang aking puso.
Nakita ko na isinusuot ni Kuya Miguel ang sing sing sa daliri ng babaeng tangi kong minahal sa buong buhay ko. Napaluhod ako sa sobrang panlulumo, hindi ko na rin napigilan ang pagbuhos ng aking luha. Sa bawat patak, ay para akong namamatay.
Napatingin ang lahat sa akin, pati na si Miguel at Angela. Kitang kita ko sa mukha nila ang gulat.
Hindi ko akalain na sa aking pagbabalik, ikakasal na si Angela sa lalaking pinagkakatiwalaan ko ng lubos. Yung taong kadugtong ng aking buhay. Akala ko noon, sa iisang hitsura lang kami naghahati ni Kuya Miguel pero hindi ko akalain na iisang babae lang din ang mag-papatibok sa aming puso.
Magagawa ko bang mamili?
Magalit?
at masaktan.
*********Ang Kwentong ito ay maaaring maging hindi ka ayaaya pero ito ay pwedeng maganap sa kanino man***********
(Plagiarism is a Crime)
All Rights Reserved
2014
BINABASA MO ANG
Between Lies (SlowUpdate )
General Fiction"This story starts with a magical/Comedic love and ends tragically" "They say twins share the same things" BUT "Is it possible that they can share the same woman "WIFE" Mapipili mo ba ang taong iyong mamahalin? Sabi ng iba pagtumibok ang puso iyon a...