WISH 7.
Laureen’s POV
Badtrip naman oh. Sa lahat naman ng pwedeng hanapin sa ‘kin ni Aya bakit yun pang babaeng yun? Aish.
Dahil sa kanya sobrang lungkot ni Jin. Kanina nga wala siya sa sarili niya eh. Pagnakita ko ung babaeng yun, sasabunutan ko talaga, swear!
Bakit kaya siya hinahanap ni Aya? Actually, hindi ko din alam kung nasan ung babaeng yun. Wala siya sa lahat ng klase namin. Majority kasi ng subjects namin, classmate ko siya. Gumagala nanaman siguro yung babaeng yun. Oh well, ano bang pakialam ko sa kanya?
I hate her.
Finally I’m here. Bakit nga kaya ako pinatawag ng head ng accounting dept.? Bigla naman akong kinabahan.
Bubuksan ko na sana ung pinto ng bigla itong bumukas.
“Ms. Raine?” Anong nangyari dito kay Ms. Raine? Bakit parang balisa siya?
“Oh, kaw pala yan Laureen.” Wala sa sarili niyang bati sa ‘kin tapos umalis na siya.
Pumasok na ako sa opisina ni Ma’am Loren habang iniisip parin kung bakit niya ako pinatawag.
“Goodmorning po.”
“Take a seat, Ms. Garcia.” Sabi niyang nakangiti sa ‘kin.
“Thank you po.”
Ma’am Loren’s POV
I’m so excited na sabihin sa kanila ang magandang balita. Nasan na ba ung batang yun at parang ang tagal ata.
Then I heard a knock.
“Pasok.”
“Goodmorning Ma’am.”
It’s Chloe.
“Goodmorning, Ms. Gavino. Take a seat.”
Umupo naman siya pero parang nag-aalala ung mukha niya.
“Uhm, may problema po ba Ma’am?” Tanong niya sa ‘kin.
I chuckled. “No, no my dear. There is no problem.”
She sighed. “Mabuti naman po. Akala ko po kasi meron, pinatawag niyo po kasi ako eh.”
“I just want to congratulate you.”
Biglang nagliwanag ang mukha niya.
“Ma’am you mean?”
“Yes, my dear.” I said with a smile.
Ngumiti din siya ng malaki.
“Thank you po!” Masayang sabi niya sa ‘kin
“You worked for it. You deserve it.”
Pero biglang lumungkot ang mga mata niya.
“Ma’am, I have a wish.” There’s something weird in the way she said those words. “Please keep it a secret until graduation.”
My eyebrows furrowed. “Why?”
Then she smiled a sad smile. “I want to surprise my father.”
I smiled at her. “If that’s your wish…”
“Thank you, Ma’am.” Then tumayo na siya. “Alis na po ako.”
“Okay sige.”
Hindi pa nakalalabas ng pinto si Chloe ng may biglang kumatok.
“Pasok.”
“Ma’am, pinatawag niyo daw po ako?”
“Yes, Ms. Raine. Come in.”
Nakita kong nginitian siya ni Chloe pero tinignan lamang niya ito hanggang makalabas ng pinto.
“Take a seat.”
Pagkaupo niya ay nagtanong agad siya. “Ma’am bakit po?”
“Konting panahon nalang ang itatagal mo dito.”
Gulat na gulat siya nung sinabi ko yon.
“Ma’am? Ibig sabihin po ba matatanggal na ako?”
Kumunot ung noo ko.
“What are you saying?”
“Eh diba po Ma’am sabi niyo hindi na po ako magtatagal dito? Pero bakit po? Maayos naman po ang performance ko ah?”
Halos maiyak na siya sa harap ko at naguguluhan ako.
“Teka, Ms. Raine. Hindi ba’t may iba ka ng trabaho?”
Nakita ko ang pagkalito sa mukha niya.
“Ma’am? Ano pong sinasabi niyo?”
“Tumawag sila sa university natin kanina. Masaya sila at tinaggap mo ung offer nila.”
“A-ano pong ibig ninyong sabihin?”
“Hindi ba’t ipinasa mo na ang resume na ginawa ko para sayo?”
Umiling siya. “No Ma’am. Hindi ko po pinasa.” Then yumuko siya. “Actually po, nawala ko po ung folder eh. Wala po talaga akong balak na tanggapin ung work.”
Okay. Naguguluhan na rin ako. Pero isa lang ang alam ko.
“You should accept it and that’s an order.” Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
“Huwag mong sayangin ang pagkakataon, Ms. Raine. It’s for you.”
Tumayo siya at nagsalita. “Sige po Ma’am, pagiisipan kong ng maigi.” Then lumabas na siya ng pinto.
“Goodmoring po.” Kasabay ng paglabas ni Ms. Raine ang pagpasok ng isa pang estudyante.
“Take a seat, Ms. Garcia.” Sabi ko sa kanya. Tulad ng dalawang naunang pumasok sa opisina ko, nag-aalala rin ang mukha niya.
“Thank you po.”
“Alam mo ba kung bakit kita pinatawag?”
Umiling siya. “No, Ma’am.”
I smiled. “I just want to congratulate you.”
Nagtaka siya. “Para…saan po?”
“Your our magnacumlaude.”
Nanlaki ang mata niya at lumiwanag ang mukha niya. How I love saying good news.
“Ta-talaga po, Ma’am?!”
I nodded at her.
“Oh my gosh! Thank you po!” Halos mapatayo siya sa kinauupuan niya.
I’m happy for all of then.
BINABASA MO ANG
Her Wish (A Short Story)
Cerita PendekMasyado na ba kayong masaya sa buhay niyo? Gusto niyo ba ng bago? Yun bang maiba lang? Gusto niyo ba ng konting drama? Gusto niyo bang maiyak para naman ma-circulate ang fluid sa inyong katawan? Kung "OO" ang sagot niyo sa mga tanong na yan ay basah...