PROLOGUE

1.7K 39 1
                                    

[Author's Note]:

Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.To protect the privacy of certain individuals the names and identifying details have been changed.This is a work of fiction. Any names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.No part of this eBook may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author.

All rights reserved.

Title: The Androgynous Tale

Written by: Zian Castelo

Date Started: Nov. 18, 2017

Date Ended: April 24, 2020

*****

First Person POV

4 Years Ago

Hindi ko maaninag ng maayos ang paligid. Nararamdaman ko ang pag-agos ng tubig mula sa mga patak ng ulan. Nilalamig ako, basang-basa ang suot ko mula ulo hanggang paa. Naiiyak ako pero pinipigilan ko na lang ang luha ko.

Napagtripan na naman ako ng mga bully sa school. Hindi ko man lang alam kung anong naging kasalanan ko sa kanila at bakit nila ako inaapi, inaabuso. Siguro dahil sa estado ng pamilya ko. May pamilya nga ba ako? O baka ako lang ang nag-iisip nun?

Nakakalungkot, walang may gustong makipagkaibigan at makipaglaro sa akin. Pinandidirihan nila akong lahat. Pero sanay na ako, sanay na akong mag-isa.

Niyakap ko ng mahigpit ang tuhod ko at binaon ang ulo ko.

 Wala sigurong makakakita sa akin dito. Gabi na at umuulan pa sa playground na to. Saka nalang ako uuwi pag tumila na, wala rin naman akong masasakyan. Mas mabuti nalang siguro na magkasakit ako para mamatay na ako.

Napatingin ako sa school shoes kong basang basa at napupuno ng putik. Lagot na naman ako nito sa nanay-nanayan ko. Hinihintay ko ang bawat bagsak ng ulan sa lupa nang may makita akong itim at puting sneakers sa harapan ko. Naglaho ang patak ng ulan pero sa kabilang banda meron pa ding ulan. Napaangat ako sa may ari ng sapatos at di ko maaninag ang mukha ng batang lalaki na nakatayo sa harap ko at pinapayungan ako.

"Umuwi ka na."-sabi nito at nilipat sa kamay ko ang hawak nyang payong saka sya tumakbo paalis na pasulong sa ulan. Hindi ko man lang natanong kung sino sya. Di rin ako nakapagpasalamat. Tumayo ako para tingnan ang papalayo nyang imahe nang may bumusina sa katapat kong kalsada. Bumaba ang bintana ng itim na kotse at nakita ko si Papa.

"Crombie!"- tawag nya sa akin habang pababa sya ng sasakyan nya. Hinintay ko na makarating sya sa kinatatayuan ko. Nanatili akong nakatayo at di na nagbalak pang kumilos.

"San ka galing bata ka?! Kanina ka pa namin hinahanap ng Mommy mo! Halika na!"- pakiramdam ko parang matatanggal na ang braso ko sa higpit ng pagkakahawak sa akin ni Papa pero hindi na ako nagprotesta. Mapapagalitan na naman ako nito.

Habang marahas akong pinapasok ni Papa sa backseat ng kotse nakita ko ang tinutukoy nyang Mommy ko daw. Lumingon sya sa akin at binigyan ako ng pilit na ngiti. Yumuko lang ako dahil ayokong makita ang pagmumukha nya.

The Androgynous TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon