Sa araw-araw na pagpasok ko ay lunchtime ang pinaka-inaabangan ko dahil maliban sa uwian ay iyon lamang ang oras na nakakasama ko ng matagal si Kuya Serge. But lately I've noticed something different, lagi syang nakaharap sa phone niya at pangitingiti pa. pero hindi ko na lang pinansin kasi baka may binabasa lang syang jokes na kasama minsan sa promos ng mga load.
Pag gumagawa ng projects sina kuya after classes sa bahay ni Ate Hazel na ang parents eh kaibigan naman nina mom, sumasama ako kasi hindi naman ako pwede umuwi mag-isa. Madalas, nakaupo ako ng maayos sa isang wooden bench na nakasandal sa parang veranda ng bahay nina Ate Hazel na hindi naman ganoon kataas. Sya naman, uupo bigla sa tabi ko para daw may masandalan ako.
"Antukin ka pa naman" lagi niyang sasabihin tuwing uupo sya sa tabi ko.
Napapangiti ako dahil sa mga ginagawa niya, lagi niyang pinaparamdam sa akin na I'm worth something, na he cares for me.
Tuwing darating naman si Kuya Bren ay agad akong aagwat ng konti kay Kuya Serge at kakabahan. Mula nung nagkasagutan kami ay hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos. Kahit sa bahay, tuwing magkakasalubong kami, didiretso lang sya na parang wala syang nakita tapos iiwas sya ng daan. During meals, nagtataka na minsan si Kuya Harry kung bakit sobrang tahimik naming dalawa. Tapos bigla siyang magjo-joke ng kung anu-ano para ma-distract si Kuya Harry which always succeeds naman.
Buwan...buwan ang lumipas, mukhang okay naman ang lahat. Ganoon pa rin kami ni Kuya Serge. Si Kuya Bren naman, mukhang medyo okay na, medyo kinakausap at pinapansin na ako. Lilipas din yang inis nya sa akin. Lagi kong sinasabi sa sarili ko dati tuwing magsi-sink in sa akin na may sama ng loob sa akin si Kuya Bren.
Kuya Harry? He's still the same, very jolly...nasobrahan ata sa Jollibee nung bata pa.
Ngayon ang opening ng sports festival. As much as I wanted to watch Kuya Serge in his events: track and field, and tennis; hindi pwede. Una sa lahat, magkaiba kami ng grupo, Yellow sya, Green naman ako. WHY!?!?!!?!?!?!??!?!!?
After the parade, dali-dali akong lumapit sa grupo nina Kuya Serge kung saan nandoon din sina Kuya Harry at Kuya Julius na nasa Yellow team din.
"Oh, Cat, ba't nakasimangot ka? Pagod na pagod maglakad?" nanunuksong tanong ni Kuya Harry. Mas lalo naman akong nag-pout.
"Kasi naman eh, bakit kayong lahat nandyan sa Yellow tapos ako sa Green? Wala naman akong kakilala doon eh!" pagmamaktol ko.
"Ang cute cute mo talaga Rin" medyo natatawang sabi ni Kuya Serge sabay kurot sa pisngi ko.
"Ehhhh! Wag ka nga, naiinis na nga ako eh" pag-iinarte ko.
Bigla naman tumingin sa likod ko si Kuya Julius.
"Oh, antagal mo naman, kanina pa kami dito!" sigaw niya, napalingon naman ako sa tinawag ni Kuya Julius.
Morena, maiksi ang itim na itim nyang bagsak na buhok, medyo kakaiba sya maglakad, parang sinasadya niyang ipa-sway yung buhok na. hindi matangos yung ilong pero maganda, halos magkasingtangkad lang din kami. Pero halatang halata sa kanya na bright ang personality nya.
"Sina Jane kasi! Parang tanga lang, ayaw ako paalisin doon" sabi niya. Parang lalaki siya kung magsalita pero hindi naman malaki ang boses niya.
"Uy, Har, hi, kumusta?" walang galang na bati niya kay Kuya. Ngumiti lang si Kuya Harry at parang sanay na siya na ganoon ang ugali nung babae.
Tinignan ko naman si Kuya Serge. Nagulat ako sa nakita ko, parang napakaliwanag ng mukha niya, parang biglang ang saya-saya. Ilang saglit lang ay inilabas niya ang phone niya at mukhang nag-text.
Ano yun? Bakit may ganoon?
Maya-maya lang ay bumalik na sa amin ang atensyon niya.
"Ah, nga pala, this is Cat, kapatid nina Harry" pakilala sa akin ni Kuya Julius doon sa babae na tumayo sa pagitan nina Kuya Julius at Kuya Serge.
Tumango lang naman siya.
"Cat, si Julliane, sister ko" sabi ni Kuya Julius. Tinanguan ko lang din naman siya.
"Uy, tama na yang pakilala pakilala na yan, nagugutom na ako, tara!" biglang yaya ni Kuya Harry.
Sumangayon naman kami.
Nagulat ako nung biglang inangkla nung Julliane yung braso niya kay Kuya Serge na pinabayaan lang naman ni Kuya Serge at nagtuloy lang sa paglakad. Maya-maya ay nagkulitan na sila sa harap ko.
Biglang susundutin ni Julliane ng hintuturo niya yung tagiliran ni Kuya Serge, si Kuya Serge naman, gaganti ng sundot sa pisngi nung Julliane sabay sabing "anlambot talaga ng pisngi mo Juls" sabay tawa.
Well, close naman si Kuya Serge sa mga babae tulad ni Kuya Harry, normal nya lang yan, normal nya lang yan, lagi kong sinasabi sa sarili ko.
"Anong oras unang laro mo?" tanong sakin ni Kuya Bren na hindi ko man lang napansing nagllakad na pala sa tabi namin.
"Oh, Bren, andyan ka pala!" biglang sabi ni Kuya Harry na nagulat din sa biglang pagsulpot ni Kuya Bren.
"Nakita ko kayong dumaan kaya lumapit na ako sa inyo, kakain ba kayo? Medyo nagugutom na ako eh" sagot nya sabay tingin sa akin. "Anong oras unang laro mo?" pag-uulit nya sa tanong nya.
"Ah, ala una pa naman" sabi ko.
"Oh? Magkalaban nga pala kayo Juls, archer din yang si Rin eh" sabi ni Kuya Serge.
"Rin? Akala ko ba, Cat?" biglang singit nung Julliane na may pagka-sarcastic pa yung pagkakatanong.
"Ah, yun yung tawag ko sa kanya, masyado na kasing common yung Cat" sagot naman ni Kuya Serge.
"Ah...okay" sabi ni Julliane na medyo minamata-mata ako. Bago sya bumaling muli sa harapan ay tinaasan niya muna ako ng kilay at hinigpitan ang kapit kay Kuya Serge.
Julliane...tsk, pangalan pa lang maldita na. Hindi naman maganda!
________________________________________________________________________________
Please feel free to leave a comment may it be a compliment or a diss, i wouldn't mind.
Thank you!!!! xxxx
YOU ARE READING
Love and Lies: Her Side of the Story
Ficção AdolescenteThere are two kinds of soulmates in the world. One, the kind of soulmates who are meant to be together from the very beginning. Two, the kind of soulmates who are meant to meet each other but is not meant to be together. In our case, we fall on the...