CHAPTER 3: HI... again

55 3 0
                                    

BENJAMIN'S POV

Nag morning walk ulit ako dito sa Avenue des Ternes... mas gusto ko dito tumingin at mamili kasi mas kakaunti lang ang tao...

Bigla ulit ako napatigil sa tapat ng Teddy Bear store at tinignan na naman yung higante na Teddy Bear...

May bigla na naman akong naalala... naalala ko nanaman ang babaeng nagturo saakin magmahal... ang babaeng nakapagpabago saakin... at ang babaeng dalawang beses sinaktan ang puso ko...

Bigla kong napansin ang isang babae sa harapan ko na nakatingin din ata sa Teddy Bear...

Sisilipin ko pa lang yung mukha niya pero bigla siyang tumungo at umalis...

Sayang... balak ko pa naman sana siyang kausapin... 

Napagbuntong hininga ako at naglakad na ulit...

Ano ang nangyari sa akin this past few years?

Ito, naglalakbay sa iba't ibang parte ng mundo...

nakakilala ng iba't ibang klase ng babae... at natupad ang pangarap ko... ang maging artista.

Sa una nagsimula ako sa pagiging model, ito ay dahil madaming mga connections si Papa at Mama sa iba't ibang mga uri ng tao...

Then hindi tumagal... nadiscover ako bilang artista, at doon na nagtuloy tuloy ang lahat. 

Iba ang naging pagtanggap ng mga tao sa inaasahan ko... mas madami sila at mas mainit ang pagtanggap nila sa akin 

nagpapa salamat naman ako sa kanila dahil kung wala sila wala namn talaga ako sa kinatatayuan ko ngayon...

Bigla na lang ako nakaamoy ng mabango na tinapay kaya bigla akong nagutom... 

Naglalakad ako papuntang bakery nang bigla akong makarinig ng sigaw ng pangalan ko "BENJAMIN! BENJ! JAM! IN!"

Tumingin ako sa harapan ko at wala naman akong nakita na nakatingin sa akin... sa halip nakakita ako ng babaeng tumatakbo at tila may hinahabol...

Tumingin ako sa likod ko pero wala din naman...

Laking gulat ko nang biglang may nakabangga sa akin ng malakas nung pagharap ko kaya napa-ikot siya at natumba...

"KYAAAAAAAAAAH!!!"

Mabuti na lang at nasalo ko agad yung babae...

Laking gulat ko nang makito ko si...

"BENJ?!" gulat niya

Napalunok ako "Cha-Channelle?!" napatitig ako sa mga mata niya...

Parang napatigil ang mundo namin nung magtagpo ang mga mata namin...

"AY! HI! HELLO!" kumaway kaway si Channelle

"Wag ka gagalaw at ang bigat mo! >>____<<" bigla ko siyang nabitawan at nahulog...

"A--aray!" napahawak siya sa pwet

Pinagpag ko yung kamay ko at masyadong nangalay sa paghawak kay Channelle... tapos inalok ko yung isang kamay para alalayan siya sa pagtayo...

Hinawakan niya ang kamay ko at tumayo...

Napangiti ako bigla...

"Ano nginingiti ngiti mo diyan?!" sumimangot siya

"Hi!" kumaway ako sa kaniya "again..."

tinignan niya ako mula ulo hanggang paa "Hello... again"

"Hmm... musta na?" anong klasing tanong yan Benjamin

"Hmm... okay lang naman, ikaw?" tanong niya

&quot;BOYFRIEND FOR RENT book2&quot;-Our Own Version [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon