Umpisa

1 0 0
                                    


Noong bata ako ang problema ko lang kung anong kakainin ko twing recess namin. Ano yung pagkain na mapapagkasya ko sa bente pesos, yung barkada namin laging lugaw binibili. Kinse pesos yung lugaw tapos tig-limang piso na nestea. Busog na kami don. Araw-araw yun lang problema ko.


Ang sarap maging bata noh?


Walang problema. Kungdi pagkain problema mo, bagsak na quiz o exam naman. Paano mo sasabihin sa Mama mo na bagsak ka samantalang tutok naman siya sa pag rereview sa'yo.


Ang sarap maging bata, kung natitigil at naibabalik lang ang oras.


Habang buhay ko nang hihilingin na sana bata na lang ako.


Pero hindi eh, dadating ang panahon na tatanda tayong lahat. Magkakaroon ng mas mabigat na problema. Na tipong hindi na lang pagkain ang magiging problema mo.


Minsan dadating din yung panahon kwekwestyunin mo na din "bakit nga ba ako nabubuhay?" "ano bang silbi ko sa mundo?" "may nagawa na ba akong tama?" "bakit niya ako iniwan?" "kulang pa ba ako?" "anong mali sa akin?" "bakit niya ako pinagpalit sa iba?" "pangit ba ako?" "kapalit palit ba ako?" 


Hindi din natin alam kung bakit, pero sana mahanap natin ang mga sagot sa mga katanungang ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Finding ReasonsWhere stories live. Discover now