It will never be too late to Fall in LOVE

100 2 1
                                    

Does true love really exists? Does it appears when you needed it the most? Does it waits?.. yan ang mga katanungan ng isip ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masagot..

Ako nga pala si Clara 40 years old,, tumanda na kong dalaga,  napag iwanan na nga ko ng panahon eh, lahat ng mga kaibigan ko ay mga asawa na at ilan pa sa kanila ay may mga apo na rin. Ewan ko ba? hindi naman ako panget para hindi magustuhan ng mga lalake nung kabataan ko. Actually marami ngang nanliligaw sa akin noon eh. Mga gwapo at mayayaman pa, pero ni isa sa kanila ay hindi ko natipuhan. Simula nung bata ako ay hindi ako nagkaroon ng Nobyo oh tinatawag nilang syota. at in English NBSB ako meaning No Boyfriend Since Birth. Marahil, kaya ko di natipuhan ang mga kalalakihang nagkagusto sa akin noong panahon na iyon, ay dahil sa isang lalaking unang nagpatibok ng puso ko, pero di kame nagkaroon ng pagkakataon para magkakilala pa ng lubusan at magkaroon ng pagtingin sa isa't isa. Siya ay si Leonardo. Gwapo, Matipuno, Mabait, Mayaman, at higit sa lahat napaka ganda ugali. Sayang nga eh, kasi nung nakilala ko siya ay may nobya siya noon, at graduating na kame sa high School, kaya hanggang graduation lang ang pagsasama namen. Kilala siya sa pinaka matalinong estudyante ng paaralan namen noon, kaya hindi na ko nagtataka kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya, at isa na ako sa mga babaeng yon. Sa lahat ng lalaking nakilala ko, ay siya ang hindi ko kayang kalimutan, dahil napaka lambing niyang tao. Naalala ko pa nung Prom namin sa paaralan. Ako ang una at huling babaeng isinayaw niya, at habang nagsasayaw kame ay kinakanta niya sa akin ang paborito niyang kanta. Ang saya saya ko nung mga oras na iyon. Parang gusto ko na lang tumigil ang oras at magsayaw ng magsayaw kasama siya.Dun na umusbong ang pagmamahal ko kay Leonardo. Kaya lang nagtataka ako, dahil hindi yung nobya niya yung naging una at huli niyang sinayaw. Lumipas ang mga araw bago ang aming pagtatapos sa Sekondarya ay naging malapit kame ni Leonardo, pero natapos agad yun dahil Grumaduate na kame, at nagkahiwalay kame ni Leonardo, dahil nag aral siya sa ibang bansa. Siguro sa tagal ng panahong lumipas ay nagkatuluyan na sila ng Nobya niya at marahil ay may anak na sila o mga apo? ang saya niya na siguro ngayon, samantalang ako, tumatandang walang kasama sa buhay, pero mas gusto ko na rin to, dahil si Leonardo lang ang gusto kong makasama sa buhay ko. Aasa ako kahit alam kong wala ng pag asa.

Isang araw, nung naglalakad ako sa parke upang manood ng mga batang naglalaro ay may isang lalakeng tumabi sa kinauupuan ko. hindi ko siya pinansin, nagulat ako nung nagsalita siya at sinabing "kamusta na Clara?  Long time no see" pag tingin ko sa kanya ay laking gulat ko. Si Leonardo pala yon.

Clara: Leonardo?

Leonardo: Kamusta ka na?

Clara: maayos naman, eto matandang dalaga. Ikaw?

Leonardo: eto, tulad mo, matandang Binata.

Clara: Huh? akala ko nag asawa ka na at ang nakatuluyan mo ay ang nobya mo.

Leonardo: Anong nobya sinasabe mo Clara? isang babae lang ang minahal at mamahalin ko.

Clara: Huh?

Leonardo: Hindi ko siya nobya. Pinsan ko siya kaya lage kaming magkasama at malapit sa isa't isa. May asawa na nga siya ngayon eh.

Clara: Eh bakit wala ka pang asawa ngayon?

Leonardo: May hinahanap kase akong babaeng mahal na mahal ko noon pa, natagalan ako sa paghahanap sa kaniya, kaya umabot ako sa ganitong edad.

Clara: ganun ba? so? nahanap mo na ba siya? (Sana ako yun)

Leonardo: hindi pa, hanggang kahapon hindi ko pa din siya nahahanap. Balita ko kasi lumipat na siya ng lugar.

Clara: Matanda na tayo Leonardo, wag mo na siya hanapin, alagaan mo na lang ang sarili mo kaysa mapagod kakahanap sa kanya.( pero sa loob ni clara)(ako na lang, wala naman siya eh)

Leonardo: Hindi ko siya kaya isuko

Clara:(nasaktan at pinili na lang umalis) ganun ba? oh sige paano Leonardo, aalis na ko at may kailangan pa akong gawin (tutal hindi naman ako yung taong hinahanap mo :(, lumakad papalayo si Clara )

Leonardo: (Tumayo at niyakap si Clara) San ka na naman ba pupunta? napagod akong maghanap sayo, ngayon pa ba ko titigil kung kelan nakita na kita ngayon?

Clara:(nagulat) ano? Leonardo?

Leonardo: Ang tagal kitang hinanap dahil ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. Natakot ako magtapat sayo noon dahil lahat ng lalaki sa paaralan natin ay hindi mo natitipuhan, kaya hinayaan ko na lang ang nararamdaman ko.

Clara: (tahimik)(Kung alam mo lang Leonardo. ikaw lang ang gusto ko)

Leonardo: Kaya ayoko ng mawalay ka ulit sakin, hindi ko na kakayanin, baka ugod ugod na ko bago pa kita mahanap ulit (sabay niyakap din siya ni Clara)

Isang dalaga: (nakita silang magkayakap) Ano ba yan? ang tatanda na ngayon pa naisipang magbuhay dalaga/binata..

Isa pang dalaga: Ang sweet nila (kinikilig) Hindi pa late para ma inlove sila sa isa't isa, dahil walang limitasyon ang pag ibig.

Ikinasal kame ni Leonardo at nagkaroon ng 3 anak lamang dahil alanganin na sa edad ko ang mag anak pa ulit, dahil masyado na akong matanda.

---

Ngayon, August 20, 2011 ay Golden Anniversarry na namin ni Leonardo. Masasagot ko na ngayon ang mga katanungan ko sa sarili ko. Na nariyan talaga ang pag ibig, kailangan lang maghintay. It will never be too late to fall in love because TRUE LOVE waits, and it truely belongs to you time will come that it would be given to you.  True love lasts FOREVER..

Hanggang dito na lamang po ang Love Story namen ng BEBELABS kong si LeonardoBEBE. hehe babush ! ( ang taray ni Lola!)

------END-------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It will never be too late to Fall in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon