Chapter 3: Blood

11 3 4
                                    


Xean Lee's Point of View

Halos di ko na kayang lunukin ang mga laway ko dahil sa panginginig. Ayokong gumalaw kasi alam kong isang maling galaw ko lang, patay na ako.

"Please don't." I manage to beg. Patuloy parin ang pag agos ng luha ko.

Nasa likod ko ang taong ito at ang kaliwang kamay niya ang nakahawak sa leeg ko at nakatutok naman ng matalas na kutsilyo ang kanan niya.

"Who are you." Ang husky ng boses niya pero nakakatakot.

This time lumunok na talaga ako.

"L-lee " nanginginig kong sagot..

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa leeg ko, yung tipong sinasakal na niya.
Naramdaman ko ang pagdiin niya sa kutsilyo sa leeg ko at alam ko na sa puntong iyon, dumudugo na ito.

Napapikit nalang ako at dahan dahang nagbibilang sa isip ko habang hinihintay ang  susunod niyang gagawin.

Napadilat ako ng wala sa oras nang bigla niyang dinilaan ang leeg kong inagusan ng dugo!

Shit! Is he a vampire?!

"H-hoy!!" Gulat na usal ko.

"Human." Bulaslas nya.

Ang weirdo ng taong to.

"Let's go." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Di ko alam kung saan niya ako dadalhin pero sumama lang din ako, pero teka? Bat ba ako sumama.

"Hoy! Teka nga! Sino kaba ha? Bitawan mo nga ako. I don't even know you, yet you're dragging me all along?! Pano kung mangmamatay tao ka pala ha." Sigaw ko at pilit na inaaninag ang mukha niya.

"Tss. Stupid girl. If you wanna die then fine. Bahala ka sa buhay mo." Sabi niya at tumalikod na.

Nagpapadyak na naman ako.

"Ayoko pa nga! kaya nga di ako sasama sayo e. Malay ko bang rapist ka pala. tss. " kuda ko pa.

*Creepy sound.*

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko iyon.

"A-ano yun.?" Nanginginig kong tanong.

"fck! They're here. Let's go!" Sa tono ng pananalita niya halatang seryoso siya at nangangamba.

Mabilis niya akong hinatak at tinakbo namin ang madilim na bahagi ng lugar, kung titignan ito ay parang lumang building na talaga.

"Sino sila?"  Tanong ko.

"Shhh." Sagot niya lamang at patuloy parin akong hinatak.

Ang higpit ng pagkahawak niya sa kamay ko.

Human

Bumalik sa isipan ko ang sinabi niya kanina.

Ako? Human? Pero bakit ganon nalang ang wika nya? Na para bang ako lang ang taong nakita niya.

Ibig bang sabihin...

"here." Bumalik ako sa katinuan nang marahas niya akong hinatak para maupo. Di ko namalayan na nasa likod na pala kami ng isang kinakalawang na malaking bakal.

Madilim dito at isang ilaw lang na patay sindi pa ang tanging liwanag dito.

Loud sigh*

"Shhhh..." He shush and put his one hand over my mouth to prevent from making any sounds.

"Just watch them." Mahinang bulong nya.

I do what he said. Opening my eyes wide and watching the next scene.

Running From Death Towards DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon